Chapter III - Therisita [Part 2]

10 1 1
                                    

"Therisita! bilis baka mahaba na pila dun" tawag ni Jessica sa kaniyang matalik na kaibigan habang naglalakad eto ng mabilis papunta sa Admisison Office ng University.

"Eh teka lang, sana kasi tinutulungan mo ko mag-arrange neto" sabi ni Therisita sa kaniya habang inaayos ang mga papel sa loob ng envelope.

Di narinig ni Jessica ang sinabi ni Therisita dahil inaalala niya ang haba ng pila sa Admission Office. Ngayong araw kasi ang first day of enrollment sa mga nakapasa sa entrance exam sa Philippines International University (PUI) kaya maraming freshmen ngayon ang busy sa pag asikaso ng kanilang requirements na kailangan ipasa.

Nasa loob na sila ng admission office at madami na ang mga estudyante na nakapila, ang iba ay kasama ang kanilang mga magulang or guardians.

Kumuha na ng number ang dalawang magkaibigan bago pumila. Ang daming pilang naganap, submit ng kung ano anong form sa iba't ibang cashier, at paulit-ulit na personal information details ang finill-out ng magkaibigan bago sila makapag bayad ng tuition fee.

"Sa wakas tapos na din" malakas na sambit ni Jessica habang nagpupunas ng pawis. "Nagugutom na ko kain tayo sa canteen."

"Ay mahal ata ang pagkain dito friend sa labas na lang tayo" suggest ni Therisita.

"Oo nga may malapit naman na fast food sa labas pero teka punta muna tayong banyo kanina ko pa tinitiis 'to eh" sabi ni Jessica habang hawak hawak ang tiyan na ikinatawa naman ni Theresita.

"Kadiri ka. Ikaw siguro 'yung umutot kanina" natatawang sambit neto.

"Anong pinagsasabi mo jan? Gaga ka ang meaning ko naiihi na ko kanina ko pa tinitiis. Judgemental ka" depensa ni Jessica na natatawa na din.

"Joke lang naman! sige na dito na lang ako maghintay ayusin ko din kasi gamit ko" sabi ni Theresita at umupo sa isang bench.

Naglakad na papunta si Jessica sa malapit na banyo Inilagay ni Theresita ang kaniyang bag sa kaniyang tabi. Nilabas niya ang ibang gamit para ayusin at mapagkasya ang envelope dahil ayaw niya ng may bitbit.

"Bakit andito 'yung mga art materials ni Zico. Nako, hiniram nanaman ni ate 'yung bag ko. Kaasar, hindi man lang magpaalam kaya pala parang busog nanaman 'tong bag ko" pakikipag-usap niya sa kaniyang sarili habang inaayos ang gamit.

Biglang Nilipad ang isang rolyo ng pulang laso. "Putek talaga" sabi ni Therisita habang nakatingin sa laso na nasa lapag na di ganun kalayuan sa kaniyang inuupuan.

Inilagay muna ng maayos ni Therisita ang kaniyang mga gamit sa loob ng bag bago kunin ang laso.

"Here, I think this is yours" napatingin si Therisita sa kamay na may hawak sa laso at iniisip kung magkunwari na lang na di sa kaniya kasi nahihiya siyang kunin eto.

"Ah, yes, yes, pero sa pamangkin ko 'to." teka bakit ba ko nag e-explain ang sabi niya sa kaniyang sarili.

"Salamat" sabi niya sabay tingin sa lalake na nagbigay neto. Teka parang nakita ko na 'tong mukha na 'to di ko lang maalala kung saan.

"Alam mo ba 'yung story na kapag nakita mo daw 'yung end ng red string mo you will meet your soulmate" kwento ng chinitong lalake na nasa harapan niya na hawak hawak ang dulo ng kabilang laso at tinignan ni Theresita ang hawak naman niyang dulo ng pulang laso tapos tumingin sa mukha ng lalake "Cute" she blurted out.

"Alam ko" sabi ng lalake at sabay tumawa bigla naman bumalik sa ulira si Therisita.

"Hindi ikaw ang cute sabi ko 'yung story ang cute" depensa ni Therista.

"Nice to see you here, Theresita Almira" ngiting sabi ng lalake sa kaniya.

"Do I know you?" tanon niya sa chinito na nasa harapan niya.

I Am You (BoyxBoy) (BoyxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon