"Kamusta pala lover boy ang status niyo ni Therisita?" tanong ni Chen habang inaayos ang suot na ginawang recycled dress sa kaniya.
"Di ko masabi ang gulo talaga ng mga babae. Todo todo effort ko na 'to."
Nilagay ni Lu ang kaniyang kamay sa aking bewang sabay akbay naman ako sa kaniya.
"Proud ako sa ginagawa mo bes. Pati ako kinikilig eh."
"Ay sus, andiyan si Yeolmar bakit ayaw mong kausapin para may kakiligin ka din."
"Oo nga Lu. Eto na ang chance mo mapansin ka niya. Lapitan mo na."
"Ako talaga? ako talaga lalapit?"
"Alam mo Lu-ga kung hindi mo mlapitan si Yeol maigi ng i-close mo 'yung malapit na kaibigan niya."
"Oo, tama si Chen kung hindi mo makausap si Yeolmar edi 'yung bestfriend na lang niya."
"Ano? Nahihibang na ba kayong dalawa. Ako talaga gagawa ng paraan. Basta, ayoko pa din. Gusto ko siya 'yung kumausap sa akin."
"Pwede ba manakit ng bestfriend kahit ngayong araw lang."
"Subukan mo Chen sisipain ko 'yang maliit mong itlog ng dinosaur para hindi ka magkaanak."
Tumawa na lang ako dahil nag-aayaw nanaman silang dalawa.
"Sige na Lu, ako na bahala. Mag hahanap ako ng tamang timing para mapalapit siya sayo."
"Pero pansin ko ang sama ng tingin ni Therisita sa inyo, Jio baka makahalata siya sa closeness niyo ni Lu."
Naghiwalay kami ni Lu at sabay tingin ako kay Therisita na nakatingin sa akin ng masama. Ngumiti ako sa kaniya at kumaway, inirapan lang ako. Galit nanaman siya for sure.
"Hindi ko alam laging galit 'yan sa akin."
"Ganun talaga Jio ang mga babae magulo ang utak pero worth it naman kasi iba kaming mga babae kapag nag mahal sobra sobra kaya tiyaga lang mas masarap makuha kapag pinaghirapan mo. Kapag kasi hindi mo pinaghihirapan hindi mo malalaman ang tunay na value eh."
"Correction Lu. Hindi ko siya gusto. Alam niyo ni Chen ang gusto ko mangyare. Ayun lang 'yun."
Alas-singko na ng mag umpisa ang dress rehearsal. Habang nag peperform 'yung pangalawang nakatoka sa organization namin. Kinausap ko si Yeolmar kasi may favor ako na gusto ipagawa sa kaniya.
"Ok 'yan sa akin basta ikaw, lodi. Effort mo talaga."
"Oo, alam mo kasi isa siya sa dahilan kung bakit ako bumalik dito sa Philippines from Canada."
"Sana all, bumabalik. Na-i-inggit nga ako sayo eh kasi ikaw napapakita mo sa kaniya kung gaano siya kahalaga sayo. Ako kasi kahit minsan hindi ko man lang nagawa 'yun."
Tumingin ako sa kanya. Eto na 'yung sinasabi kong tamang timing.
"So you mean may nagugustuhan kang babae?"
"Oo naman. Ano akala mo sa akin, pre."
"Akala ko alien ka eh. Joke lang. Kidding aside. Bakit hindi mo iparamdam sa kaniya for sure naman hindi pa huli ang lahat. "
He shaked his head. "Huli na ang lahat kasi malayo na siya sa akin."
"Ano ka ba wala sa distance 'yan. Kung gusto mo talaga siya gagawin mo lahat. Hangga't nabubuhay ka at symepre 'yung taong gusto mo hindi pa huli ang lahat. H'wag ka matatakot kasi kapag natakot ka ibig sabihin sumuko ka na ikaw din baka maunahan ka na ng iba."
"Iniisip ko nga baka may boyfriend na siya. Sa ganda ba naman niya for sure ako hindi impossible na may boyfriend na siya.
"Alam mo isip ka ng isip eh. Bakit hindi mo alamin? Paano kung wala? Edi nasayang mo 'yung opportunity? Teka nga bago humaba 'tong usapan natin baka pwede ko naman malaman kung sino siya?"
![](https://img.wattpad.com/cover/256585467-288-k947166.jpg)
BINABASA MO ANG
I Am You (BoyxBoy) (BoyxGirl)
FanfictionA Transman story Jieyong Wang, is the ideal man that all girls dream that's why his girlfriend is very lucky to have him. He is also a very loving son and twin brother to Jieyang Wang. He is just so perfect but his life ended early. So Jieyang needs...