Chapter VII - Promises

4 1 0
                                    

Pumasok na kami sa loob ng private room ni Jio. Kaninang umaga lang siya inilipat sinabi naman kasi ng doctor na pwede na siyang ilipat sa private room dahil nga daw within today magkakamalay na si Jio.

Umupo kami sa spare small bed para sa watcher. Nakatingin ako sa maamong mukha ng kakambal ko. Nagiging emotional ako sa tuwing nakikita ko 'yung itsura niya kahit na okay naman na siya pero ang sakit pa din sa puso. Hindi ko mapigilan na sisihin ko ang sarili ko.

"Chen, alam mo nagi-guilty ako kasi hindi ko man lang masabihan 'yung mga kaibigan ni Jio. Pati din si Therisita. I mean you know naman na hindi kami ganun ka-close ni Therisita pero alam ko na gusto ni Jio ipaalam ko kay Therisita 'to ang kaso lang ayoko sawayin ang utos ni Mama" tanong ko kay Chen kasi naguguluhan na talaga ako kung ano 'yung dapat kong gawin kaya tinanong ko siya.

"Hindi ko din alam bes kasi kahapon pa lang galit na galit 'yung itsura ni tita pati ako natakot eh. Ang isa pang problema hindi mo pa din nasasabi kay Luisita kung ano 'yung nangyare sa inyo. Nag-aalala din 'yun kasi nga hindi kayo pa kayo pumapasok since kahapon. Buti nga kumagat 'yun sa reason ko na sumama 'yung pakiramdam ko bigla kaya umuwi ako agad kahapon at hindi ako nakapasok ngayon." Chen said.

I checked my phone pero low battery na din ako. I sighed "Alam mong hindi ko pwede sabihin kay Lu kung anong nangyare kasi ayaw ni Mama ayoko ng dumagdag pa 'yung galit niya sa akin at itakwil ako bilang anak niya. Mabuti na lang pinalusot niya na nasabihan kita." yumuko na lang ako and hold the both side of my head.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sumasakit na ulo ko sa sobrang stress. Please naman Jio. magising ka na.

"Jia, this is not your fault. No one should be blame here. Aksidente ang nangyare. Tsaka, bes, alam mo naman na walang sikreto ang hindi nabubunyag. Hindi pwede na itago lang natin 'to ng matagal. Kung matago man natin 'to sa mga friends ni Jio at sa girlfriend niya, kay Lu impossible kasi lagi natin 'yun kasama" Chen explained.

Eto 'yung mga moment na gusto mo murahin 'yung kaibigan mo dahil sinasampal niya sayo ang katotohanan.

"Salamat ha, salamat. Nakakatulong ka eh. Mas lalo sumakit 'yung ulo" saracastic kong sabi sa kaniya and touch the temple of my head to massage it.

"Ji-ji-aa" nahinto ang debate namin ni Chen ng may marinig kaming mahinang boses kaya tumingin kami kay Jio agad.

Gusto ko umiyak sa nakita ko. Nakatingin siya sa akin na parang bang gusto niyang lumapit ako sa kaniya. Finally! My twin brother is awake.

Tumayo kami ni Chen at lumapit kay Jio. Hinawakan ko 'yung kamay niya ng nakatayo na ko sa tabi niya. Tuloy-tuloy ang pagluha ko hindi ko mapigilan umiyak.

"Sa-bii.. sayo.. pang-et ka.. lalo.. kaa-pag.. u-uumiiyak." mas naiiyak ako lalo kapag naririnig kong nahihirapan 'yung kakambal ko magsalita.

"Bwesit ka, tears of joy 'to h'wag mo sirain 'yung moment" biro ko sa kaniya then kissed his forehead.

"Natakot ako bro. Akala ko iiwan mo na ako. Kami nila Mama." I said and he just put his hand on my back then tapped lightly to comfort me.

"Ano ba 'to ang lakas naman maka-telenovela" Chen teased while wiping his tears.

Napatingin kami kay Chen and his eyes is glistening because of his tears kaya natawa kami sa kaniya.

The door swings open "My son" our mom's voice echoed sa buong kwarto ni Jio.

Umalis ako sa tabi ni Jio kasi alam ko moment na 'to ni Mama. First time ko ulit makita umiyak si Mama. Umiiyak siya habang hawak 'yung kamay ng kakambal ko. Kinakausap niya si Jio na parang bata na kakagising lang.

I Am You (BoyxBoy) (BoyxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon