Ang bilis ng araw talaga kapag madaming nagaganap sa buhay. Tumayo ako agad pagka-gising dahil tanghali na ako ng magising dahil sa sobrang pagod kahapon sa school. Ang hirap talaga kapag naghahabol kailangan effort talaga eh ganun talaga kapag gusto mo. Ano ba 'yan tanghaling tapat humuhugot ako parang tanga lang.
Naligo ako agad pagkatapos kumain dahil pupunta muna ako ng mall para bumili ng madadala ko bago pumunta sa bahay nila Therisita. Pagkatapos ko maligo nakarinig ako ng katok.
"Sir Jio, may naghahanap po sa inyo sa labas."
"Sino po daw siya, manang?" nagkatakang tanong ko dahil wala akong alam na may pupunta dito sa bahay ngayon dahil alam naman nila Chen na may alis ako ngayon.
"John daw po ang name, sir"
John? Sinong john 'yan. Kaloka talaga 'tong katulong namin minsan. 'Sige po, pakisabi pababa na po ako."
Pagkatapos ko magbihis bumaba ako at nagulat ako ng makita ko si Yeol. Tumayo siya at ngumiti sa akin.
"Oi, bakit andito ka? Akala ko kung sinong John sinasabi ng katulong namin. Ikaw lang pala," sabi ko sa kaniya. Bakit ba andito 'to mangungutang ba 'to sa akin wala pa naman akong cash dito.
"Ahh, di ba may usapan tayo na ngayon ang kitaan. Nag message ako sa phone mo kaninang umaga na papunta na ako hindi mo ata nakita."
Sht. Bakit di ko maalala na nagsabi ako sa kaniya na pwede ako this Saturday. Chineck ko ang phone ko ngayon at ayun may messages nga siya.
"Okay lang naman kung bawal ka uuwi na lang ako," sabi niya sabay kamot sa likod ng ulo niya.
"Hindi, sige na practice na tayo ngayon. Mamayang gabi pa naman ang alis ko. Dun na lang tayo sa veranda ng second floor."
"Ok lang ba talaga sayo? Pwede naman uwi na lang ako bukas na lang."
Hindi okay sa akin. Gusto ko sana sabihin kasi nakapagsabi na ako kay Therisita na maaga ako pupunta sa bahay nila baka hinihintay ako nun. Feeling ko lang naman. Feelingero kasi ako. Pero sabi naman niya kasi may alis siya ng umaga baka wala din siya dun.
"Okay lang sa akin, pre. Chill, mamayang gabi pa naman alis ko sakto lang naman dating mo."
Umupo kami sa magkabilang upuan. "Eto pala may dala akong list of song na may chords baka may magustuhan ka diyan," sabi niya sa akin habang tinatanggal niya sa casing 'yung gitara niya.
"Siguro etong acoustic version ng mirror na lang maganda kasi 'yung vibe neto parang fit siya sa Fashion Show. What do you think?"
"Agreed, ang ganda talaga ng taste mo sa music."
I laughed at his remark and then he started to strum his guitar. Maganda 'yung flow ng practice namin dahil maganda din boses ni Yeol para sa second voice. After ng practice namin nag jamming kami ng iba pang kanta.
Nahinto lang kami nung dumating 'yung isang kasambahay namin para maghatid ng drinks at sandwich.
"Pasensya na baka naka-istorbo ako. Buti nga at hindi nagagalit ang mama mo dahil sa ingay."
"Ngayon ka pa talaga nag sorry kung kailan tapos na tayo mag practice," sabi ko sabay tawa ko pagkatapos uminom ng tubig.
"Tsaka wala si mama dito kagabi pa kasi umalis siya para sa business trip niya. Hindi ko lang alam kung kailan ang balik niya."
"I see, ang lungkot din pala. Kasi wala na nga dito 'yung kakambal mo. Wala pa mama mo."
Napangisi ako sa sinabi niya. "Oo, malungkot naman talaga. Miss na miss ko na nga siya. Araw -araw namimiss ko siya kasi sanay ako na magkasama kami."

BINABASA MO ANG
I Am You (BoyxBoy) (BoyxGirl)
FanfictionA Transman story Jieyong Wang, is the ideal man that all girls dream that's why his girlfriend is very lucky to have him. He is also a very loving son and twin brother to Jieyang Wang. He is just so perfect but his life ended early. So Jieyang needs...