Prologue

621 18 2
                                    

Hindi ko inaasahang maging ganito kaganda ang buhay ko huli, sa lahat nang pinagdadaanan ko. Hanggang ngayon, nahihirapan akong paniwalaan ang lahat, hindi ko maimagine ito dati. Like, ang dati kong pangarap na magkaroon ng magandang bahay, magandang kotse, at magandang pangarap ay nakalaan rin pala para sa akin.

Nasa pribadong restaurant ako habang hinintay ko ang boyfriend ko na nasa counter na pumili nang makakain. Habang nakatingin ako sa kanya, napagtanto kong malaki ang pinagbago niya. Mas lalo siyang tumangkad, ang mga muscle sa braso niya ay mahahalata na kahit malayo, mas lalo rin siyang pumuti. Kahit ngayon ay maraming nakatingin sa kanya.

Kumunot ang noo ko nang makita ko ang babaeng nasa kabilang linya nakapila. Panay ang tingin nito kay Hyder dahilan upang umarka ang kilay ko. Pumungay ang mata niya na parang nakatingin siya sa isang artista na sobrang gwapo.

Talaga lang, ha?

Napansin kong palihim siyang dumukot sa bag niyaa at nakita ko ang itim niyang cellphone. Wala sa oras naman akong tumayo at lumapit doon. Nagulat siya nang makita akong sumupot.

"Baka gusto mo rin akong picturan, te, nakakahiya naman." Pananaray ko sa kanya. Ipinakita ko sa kanya ang inis ko at pinagtitinginan rin kami ng mga tao.

"Hey...stop that." hinawakan ako ni Hyder sa bewang at mahinahon akong sinita.

Kumurap-kurap ang babae na nasa harap kohabang nakatingin sa akin. Nararamdaman kong nahihiya siya sa nangyari. Narinig ko ang mahinang sambit niya ng 'sorry' at agad na umalis. Sinundan ko siya ng pananaray na tingin at lumingon kay Hyder.

Nakatingin niya sa akin nang may nakakaasar na tingin, animoy natutuwa sa ginawa ko. Tinarayan ko rin siya at tumingin sa harap, doon ko narinig ang mahinang tawa niya. Pumwesto ako kanyang harapan upang mapasandal ako sa katawan niya. Pumulupot naman ang kamay niya sa tiyan ko at nararamdaman ko ang isang maliit na halik niya sa ulo ko.

After naming makuha ang order, nagtungo kami sa bakanteng mesa. Magkaharap kami sa isa't isa and he's been staring me.

"Hanggang dito ba naman dala-dala mo 'yang kamalditahan mo?" natutuwang tanong niya habang kumakain.

"Ano bang gusto mong maging reaksyon ko, hahayaan ko na lang na may kukuha ng litrato sayo? No! Over my dead body! Maghanap sila ng sarili nilang boyfriend, ano! Or worst, maghiwalay muna tayo bago ka nila kunin ng litrato!"

"Okay, relax, wala kang kaagaw, sayong sayo lang ako. Ang akin lang, ayukong ma-overreact ka sa mga ganung klaseng sitwasyon, especially kapag-"

Kumunot ang noo ko. "So, you're telling me na kasalanan ko? What, gusto mo umuwi nalang tayong dalawa? Hala, segi, umuwi na tayo!" Padabog akong tumayo at aakmang aalis naa sana nang oinigilan niya ako.

"No, Hon, come on. It's not like that." Natatawang sabi niya. Dahan-dahan akong umupo at kumain nalang din.

We've been together for a years now at sa tingin ko naman ay okay kami. Kinatatakutan ko lang ay bumaling siya sa ibang babae. But I trust him so much, alam kong maraming nagkakagusto sa kanya, at wala namang kaduda-duda na nangyayari. Gabi na nang makarating kami sa bahay, pinagbuksan niya naman ako ng pintuan at inilalayang makababa ng kotse.

"I have to go," aniya. Ngumiti ako at tumango. Hinalikan niya ako sa pisngi. "I love you,"

"Yeah, I love you," nakatingin siya sa akin habang nakangiti bago niya ako binignay ng magarang halik sa labi.

Nagtungo siya sa kotse niya. Ngunit taka niya akong tiignan. "Get inside kasi malamig."

Pumsok na lang din ako kahit naka-jacket naman ako. Pumasok ako nang mabilisan sa loob ng bahay. Kahit nakasanayan ko na siyang pagmasdan umalis. Well, ito ang gusto niya, e, segi, hiindi ko siya lilingonin. Tinawag pa niya 'ko pero hindi ako nagpatinag at malakas na sinara 'yung pinto.

"Oh! Bombahin mo na lang, nahiya ka pa." Tinig ni kuya ang narinig ko sa sala. kaharap niya ang kanyang laptop at sout ang kanyang mahiwagang salamin.

"Good evening, Kuya." bati ko sa kanay, pagod akong nagtungo sa hagdanan patungong itaas at pumasok sa kwarto.

Agad akong nagbihis ng pambahay. Kinuha ko rin ang laptop ko at sumampa sa kama na umupo at sumandal sa headboard. Plano kong tawagan na naman si Clarity. Napalingon ako sa cellphone ko sa may gilid nang bigla itong tumunog.

Hyderson:

I'm home, Hon..

"Tsk. Hindi naman ako nagtanong, e. Hay, bahala siya, malaking tao na 'yan." Tinapon ko na lang sa paanan Ng kama ang phone at bumalik sa laptop.

Habang nag-eescroll ako sa Facebook, napansin ko agad ang post ni Iverson ngayon lang. Kasama niya ang barkada niya na halos lalaki at mga foreinger. Mas lalo siyang nag-mature ngayon. I don't know where he actually is pero sabi ni Hyder ay nasa New York daw, pero sabi din ni Clark nasa Canada. Ewan, pake ko ba?!

Marami siyang pic na pinost at ang isa ay video. Pinanood ko ito at doon ko naaninag ang lugar, nasa isang bar silang lahat nag-iinoman. Hindi ko masyadong klaro dahil mismo naghawak ng phone ay lasing din, kung saan saan niya lang itutuk. Sa huli ay nakay Iver ang cam na saktong naglagok ng isang shot.

"Hey, Iver, it's your day today! Do you remember the day you make love to Mel-"

"Hey, Shut up! Fuck!" agad nitong binaba ang

Hanggang doon lang din ang vid. Kumunot agad ang noo ko, anong pingsasabi ng gagong 'yun? Make love daw! Ipi-play ko sana kaso hindi na pwede, napagtanto kong denelete pala ang video at only pics lang ang meron.

"Ay, Gago! Ayus-ayusin mo naman magpost, bro. 'Yung hindi ka manggugulat mag-delete, bwesit!" Inis kong sabi. "Well, napanood ko rin naman, e, so..." Sabi ko sabay taas ng kilay.

Kinabukasan, maingay na tunog ang nariig ko sa ibaba dahilan upang mapamulat ako. Nasa gilid pa ng ulo ko ang laptop sa kahihintay na baka tumawag ang kapatid ko, dahil nangako siya. Bumangon ako, nang marinig kong may tumawag sa cellphone ko, ay agad ko itong hinanap. Inalis-alis ko pa ang kumot ngunit nasa sahig na pala. pagod ko itong kinuha. Si Hyder,

"Ano?!" Sabi ko sabay kamot sa ulo.

Narinig ko pa ang mahinang tawa niya. "Good morning, get up na."

"Oo na,"

Agad kong pinatay ang tawag at umalis sa kama. Tutungo sana akong comfort room nang bumukas ang pintuan. Laking gulat ko nang makita si Clarity. Ilang segundo akog napatitig sa kanya dahil umiba ang etsura niya. Tumaas lalo ang kanyang buhok, maalon-alon sa ibaba at may kunting bangs.

"Clarity," gulat kong sabi.

"Sissy!" sigaw niya at agad na lumapit sa akin. Mabilis niyaa akong niyakap. "I miss you,"

"Akala ko ba...next month ka pa uuwi?' Tanong ko. 'Yun ang palaging sinasabi niya. Hindi ko alam kung anong rason.

"Well...surprise!  Nalaman ko kasi kay Hyder na next week na ang pasokan. And another surprise is...naka-enrolled nako!" tili niya.

Pinipilit kong ngumiti sa lahat ng mga sinasabi niya kahit marami akong gustong itanong. Natutuwa akong nandito na siya dahil ito naman talaga ang gusto ko...ang maka-uwi na siya. Lumaki ang ngiti ko para ipakita sa kanya na masaya ako kahit papaano.

"Anyway, kasama ko mga pinsan natin, hihintayin kita sa baba, ha? Marami akong gustong ibibigay sayo. And ipakilala na rin kita kay Melody at Sunny. Okay?"

Tumango ako at ngumiti. Lumabas siya ng kwarto at naiwan akong nagtataka dito. Bakit pakiramdam ko parang may nagbago sa kanya? May magbabago talaga sa kanya dahil nasa ibang bansa siya. Or nagulat lang ako dahil sa bigla niyang pagdating? Yeah, she looks fine, OA lang ako. Ewan, bahala na.





©Itsme_kwenny


(Revised) Ang Maldita Kong Girlfriend: Sister's Rivalry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon