Nanatili ang tingin ko sa kotse na medyo malayo na sa amin. Ano bang ginagawa niya sa loob? Umiiyak? May iniisip ba? Ba't sobrang bagal niya magmaneho? Ano ba talaga problema niya? Bumuntong hininga ako dahil kahit ako ay wala ni isang sagot sa mga tanong.
May naisip ako. Ipinaandar ni Hyder ang kotse. "Ano ba 'yung mga pagkain na gusto niya? Alam mo ba? 'Yung...sa nakaraan niyo? Ano 'yung mga kinakain niya kapag nalulungkot siya?" Tanong ko.
Sinamaan niya agad ako ng tingin nang binigkas ko ang bagay na ayaw niya. "Really? Bakit ako ang tinatanong mo? That's already in the past! Tsaka, kapatid ka niya, dapat alam mo 'yun."
Oo nga, kapatid niya ako, pero wala akong alam sa mga bagay na gusto niya. Iilan lang ang nalaman ko pero..hindi iyun pagkain. Gusto ko, pagkain ang ibibigay ko sa kanya.
"Sagotin mo na lang ako!"
"Okay, fine." Suko niya nang sumigaw ako. "She love Matcha, Ube... Mango flavor food. And also Red Velvet Cake. 'Yun lang ang alam ko."
Tumango-tango ako. Hindi ko inaasahang iyun pala ang paborito niya. Hindi ko masyadong nakikita si Clarity na kumakain ng ganun pero dahil nasa ibang bansa siya nagbakasyon, sumang-ayon na lang ako dahil baka doon ay kinakain niya iyun. Agad kong inisip kung anong klaseng pagkain ang ibibigay ko sa kanya na naaayon sa flavor nito. Marami naman doon sa 7/11 kaya doon na ako bibili. Excited ako sa gagawin ko dahil paniguradong magugustohan niya ito.
Ngunit...
_"Kamusta sugat mo?" Tanong ko sa kapatid ko. Umupo ako sa mataas na upoan na nandito sa kusina. Nakita ko kasi siyang nagtitimpla ng gatas kaya dinalohan ko na._
_Matapos ang nangyari no'ng sabado, pinagbabawalan na kami sa lahat. Umiinom siya ng gatas kaya sinamahan ko na dahil kakabigay lang din ni Hyderson sa akin ng pagkain na tiyak ay magugustohan niya._
_"Okay naman na," ngumiti siya._
_"Nga pala, may pinadalang pagkain si Hyderson. Isang Bento Chocolate cake at donuts na may Matcha feeling. Sabi niya, favorite mo daw ang Matcha. Sa ating dalawa daw 'to," masayang sabi ko at inilapag sa counter ang dalawang box._
_Natigilan siya at tumingin sa box. "I hate Matcha. Chocolate ang gusto ko."_
_Natigilan ako at tumango na lang. Labag sa loob ko ang makipag-palit sa kanya dahil paborito ko ang chocolate. Pero...just to make her happy, kinain ko ang Matcha. Not bad, though._
"She hate Matcha, mas gusto niya ang Chocolate!" pananaray ko.
Natigilan siya at lumalim ang iniisip. "Really? ...Okay." Aniya na may pag-aalinlangan
Nang makarating kami sa 7/11, agad kong binili ang mga pagkain na gusto niya. Marami akong binili para sa kanya. Kung sa ganitong paraan para gumaan ang pakiramdam niya, gagawin ko. Hindi ko kayang makita siyang ganun. Parang mas nasasaktan ako.
I can spend my money, kahit maubos, okay lang kung para lang din sa kanya.
Ako kay Mommy:
Mommy, naka-uwi na po ba si Clarity?
Ako kay Kuya:
Kuya, si Clarity po, andiyan?
Nasa kotse na ang isang malaking paper bag na naglalaman ng pagkain para sa kapatid ko. Nasa labas lang kami ng 7/11 kumakain. Iniibsan ko lang ang pag-aalala ko sa kanya. Kung ano man ang problema niya, sana mabawasan ko man lang sa ibibigay ko sa kanya.
"Hon, everything will be okay, don't worry."
Kung si Clarity ang inaalala ko, siya naman itong nag-aalala sa akin dahil sa pagiging praning ko. Alam ko naman na magiging okay din ang lahat sadyang hindi ko lang talaga maiwasan. Alam ko na gusto niya lang na mabawasan ang pag-aalala ko.
BINABASA MO ANG
(Revised) Ang Maldita Kong Girlfriend: Sister's Rivalry
Teen FictionMaldita Series #2 On-going