"Why?"
Inakala kong okay silang dalawa. Akala ko wala ng problema. Or something na may ginawa ang kapatid ko sa kanya para hindi niya ito magustohan. Inuusisa ko siya masyado dahil gusto kong malaman kung bakit. Dahil sa totoo lang, kahit sabihin na nating may nakaraan silang dalawa, gusto kong talikuran na lang iyun at ituring na kaibigan ang isa't isa.
"I just don't like her," umiling siya at sumalubong ang kilay.
Hindi sapat sa akin ang sagot niya. "Please, sabihin mo sa akin. Bakit? Hindi naman 'yan mangyayari kung walang dahilan, 'di ba?" Mahinahong sabi ko.
Tumingin siya sa mga mata ko. "She said something yesterday. To point na parang ayuko tuloy lumapit sa kanya."
Nabigla ako ng kunti. Ayukong nagkaroon kami ng problema, lalo pa't sa kapatid ko. Hindi ko alam kung may ginawa ba'ng nakakagalit si Clarity sa kanya. Kahit hindi pa niya sinasabi ay alam kong nagsasabi siya ng totoo. 'Yung mga mata niyang nanghihingi ng tulong sa akin na pigilan ang mapatid ko...nabantayan ko ang kapatid ko.
"Ano ba 'yun?" Umiwas siya ng tingin at nahihirapang sabihin iyun sa akin. "Susubukan kong hindi magalit. Segi na, sabihin mo,"
Ngayon ay tumingin siya sa akin na parang hinanda niya ang sarili. Kahit ako ay kinakabahan ng kunti dahil sa mukha niya. "Sabi niya...if she give me the loyalty, would I sacrifice my love for you and go back to the past when she's still mine and...start over." Mapupungay niyang mata habang nakatingin sa akin. Napanganga ako at hindi makapaniwa. Parang ayukong maniwala na sinabi ng kapatid ko 'yun sa kanya.
"Ayuko sanang sabihin sayo 'yun pero...ayukong maglihim, e. Yes, it's just a word but...I hate that. Parang sinasabi niya sa akin na may nararamdaman pa siyang—"
"Hindi!" Putol ko agad. Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko gusto ang iniisip niya. "Wala na siyang nararamdaman sayo, okay?! Matagal na siyang nakamoved-on sayo! Lasing lang siya no'ng mga oras 'yun! Hindi niya alam ang sinasabi niya!" Singhal ko. Gulat siyang napatingin sa akin at hindi inaasahan nag pagsigaw ko. Tinaasan ko siya ng kilay at inikis ang braso sa dibdib. "O, baka naman, ikaw ang may nararamdaman pa sa kanya?"
Kumunot ang noo niya. "What? No! God knows how much I love you, baby." Malumanay niyang sabi.
"E, bakit parang apektado ka yata sa mga sinasabi niya? Hindi mo na dapat iniisip pa 'yun dahil lasing siya!" Paniniguro ko.
Seryuso ako sa sinabi ko. Impossibly na may nararamdaman pa si Clarity sa kanya. Matagal nang tapos 'yun, matagal na silang dalawa nagkahiwalay at halos apat na taon na silang wala. My sister is brave enough to think na hindi sila magkakabalikan. At sigurado ako do'n.
"Hon, hindi naman sa ganun. Apektado ako, Oo, dahil baka kasi kung anong binabalak niya sa ating dalawa, and I don't want her to ruined us."
Tinignan ko siya ng masama. "Umuwi na tayo." Malamig na sabi ko at tinalikuran siya.
Naiinis ako dahil talagang dinikdik niya sa sarili niya gagawin iyun ni Clarity. Ayuko sa lahat na tinignan ng maling malisya ang kapatid ko.
"Wait! No. Hon, c'mon." Malambing niyang sabi at hinuli ang mga kamay ko upang mapaharap sa kanya ulit. "Okay fine, hindi gagawin ni Clarity 'yun. Wala siyang binabalak sa ating dalawa." Aniya at this time siguradong-sigurado na.
Hinapit niya ang bewang ko papalapit sa kanya. Nagtungo ang isa pang kamay niya sa pisngi ko. "I'm sorry. Yeah, hindi ko dapat sinabi 'yun. Pakiramdam ko kasi...parang malaking bagay 'yun na kailangan kong sabihin sayo. Sobrang bigat kasi kung ililihim ko pa. You're my girlfriend at karapatan kong sabihin 'yun sayo...kasi naisip ko, baka masasaktan ka 'pag tinago ko pa...kaya sinabi ko na. Pasensya na. I'm sorry,"
BINABASA MO ANG
(Revised) Ang Maldita Kong Girlfriend: Sister's Rivalry
Teen FictionMaldita Series #2 On-going