Chapter 7

133 8 0
                                    

Week pass at nananatili lang kami ni Clarity dito sa bahay. Pinagbabawalan kami ng mga magulang namin na lumabas sa kahit saan. Hanggang paaralan at bahay at paaralan lang ang ganap namin sa linggong ito.

Naririto ulit sina Melody at Sunny matapos ang isang linggo nilang natulog dito noong nakaraan. Hinayaan sila ni Mommy at Daddy na manatili muna rito ulit upang may makakausap kaming dalawa habang nasa trabaho sila.

But, no. Hindi ko sila nagawang kausapin kahit may araw na kaming apat lang na andito. Ngunit hindi naman ako nag-aalala doon dahil palagi namang pumupunta dito si Hyder para maaliw ako. Palagi siyang may dalang pagkain kahit minsan ay inalokan din ako ni Melody at Sunny dahil nagluluto sila dito.

Kahit papaano ay balewala lang sa kanila ang pananahimik ko at ang minsan na mapag-isa s isang sulok. Lunes nang maaga akong gumising para sa klase. Gamit ko ang motor ko nang patungo ako doon. Sinalubong agad ako ni Lucky sa gate.

Inayos niya ang kanyang fake eye lashes habang nakarap nito ang maliit niyang salamin. Kinuha niya Ang kanyang lipstick at naglagay sa kanyang labi kahit pulang-pulang na ito. Edi, mas lalong kumapal.

Napalingon siya sa akin. "Bakla! Okay ka na?" Tanong niya.

Matapos ang nangyari kina Hyderson at Clarity hindi nawala sa isipan ko iyun. Kahit si Lucky ay napagsabihan ko na na hindi lahat ng saya ay nauuwi sa kaligayahan.

"Oo naman, nasa bahay lang kaming dalawa noong weekend. Bumisita ka rin sa bahay minsan." Malumanay kong sabi sa kanya.

Ngumiwi siya at tinaasan ako ng kilay. "Oh, tapos ano? Makikithird wheel ako sa inyong dalawa ng jowa mo. Tsaka sa pagkakaalam ko, kwento mo sa akin, minsan na ring nandoon si Maureen. Alam mo namang hindi kami okay ng babaeng 'yun." Pananaray Niya.

"Sa kwarto lang naman tayo, e. Tumatambay sila sa pool palagi."

"Hay naku! Kahit na! Tsaka na siguro." Aniya at hindi man lang makumbinsi. Nagsimula kaming maglakad papasok sa paaralan.

Matapos ang nangyari noong nakaraang sabado, agad iyun sumikat dito sa paralan. Maraming usap-usapan na sinadya 'yun dahil may isang tao na galit kay Maureen.

Marami ding nagsasabi na sa electricity nagsimula kaya sumabog dahil sa init nito. May narinig pa ako na may naninigarilyo sa loob at malapit sa mga kuryente at doon nagsimula. Ewan ko lang kung ano ang paniniwalaan ko. 

Naging usap-usapin din ang pagligtas ni Hyder kay Clarity. Kahit sa school Facebook page nito ay may litrato na pasan niya ang kapatid ko habang walang saplot sa itaas. At sobrang daming nagcocomment doon at hindi ko nagustohan.

"Comeback, please,"

"Nasa sunog na ang true love, guys!"

"Hyderson 'mapagligtas' Demonvil."

"Hala abs! Tangina!"

"Sanaoll, Clarity! HAHAHA!"

"Ay si ex!"

Hindi ako natutuwa kaya hinagis ko sa kung saan ang cellphone ko. Wala akong nakitang matinong nagcocomment. May nakita naman ako pero iilan lang.

Nagsimula ang klase at nanatili lang ako sa pakikinig kasabay ng pagte-take down notes. I am so bored the whole time kahit panay bulong sa akin si Lucky sa ichichika niya.

"This time, isisimula ko na ang buo ng group reporting niyo. It should be two pairs every reporting. Dapat lahat kayo ay may masabi at maexplain sa gitna and make a quiz after the report."

Ani ng isa sa mga instructor namin sa Entrep. I was hoping na counting ang pagbuo ng report upang lumipat si Lucky sa ibang upoan para magkaparehas kami ng number. But no! Iba-basi sa class record. Putrages talaga!

(Revised) Ang Maldita Kong Girlfriend: Sister's Rivalry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon