Kinabukasan, maaga akong nagising ngunit sobrang sakit ng ulo habang bumangon. Napabuga ako ng hangin nang muli kong naalala ang nangyari kagabi. I almost out of my mind habang marami akong sinasabi ng kung ano-ano kagabi. This is the reason why kaya ayukong maglasing. Mag-iibang anyo ang buong pagkatao ko.
Paano ko mahaharap si Hyderson ngayon niyan. Medyo nakalimutan ko na ang mga sinasabi ko pero alam kong tungkol iyun kay Trisha. Puro nalang siya ang naririnig ko mula sa kanya. Nakakasakal.
Bumangon ako at naghilamos, nagsipilyo na rin, bago ako bumaba. Amoy ng ulam agad ang bumungad sa akin sa hagdan kaya napasilip ako sa kusina. Nakatalikod ang kapatid ko habang sout ang sando na may halong crop top. Nakashorts siya kaya kitang-kita ko ang hubog ng hita niya. She tied her hair at naiwan naman ang bangs niya nang napalingon siya sa akin.
"Ay, halika na! Nagluto ako ng sabaw." Masayang sabi niya habang nilagyan ng sabaw ang malalim na plato. Lumapit siya sa akin at nilapag niya ito sa harap ko. "'Yan. Nagluto na rin ako ng Spam, Hotdog tsaka itlog baka sakaling gusto mo ring kumain no'n."
Wait. Bakit ang saya niya? Sa pagkakaalam ko, may pino-problema pa kaming dalawa na kailangan pa naming pag-usapan. Kailangan ba? Sa nakikita ko ngayon parang okay na sakanya iyun. Tsaka, hindi ba siya nagtataka kung anong nangyari kagabi? Hindi ba sinabi ni Hyder sa kanya?
"Kumain na tayo," aniya matapos ihanda ang lahat ng pagkain, plato at kubyertos. "Kamusta kagabi? Masaya ba?" Ngiting sabi niya at parang excited marinig sa iku-kwento ko.
"Uh...okay naman." Ayukong ikwento sa kanya ang ginagawa ko sa boyfriend niya. Anyway, the way I text her kagabi, hindi ba siya nagtaka doon? "Sina Mama?"
"May nilakad sila ni Daddy ngayon. Si Kuya naman, medyo busy siya ngayon." Aniya habang nagsandok ng kanin.
"Si Hyderson ba ang maghatid sa akin kagabi?" Tanong ko habang nagsandok na rin. Tumingin ako sa kanya just to see her reaksyon pero wala lang sa kanya 'yun.
"Pinagbabawalan ko siyang mag-drive kasi medyo lasing, e. Natatakot ako baka mapaano kayo. Kaya humingi ako ng pabor kay Clark." Aniya sabay kain.
"Pero si Hyderson dapat ang humatid?" Takang tanong ko pa.
Natigilan siyang napatingin sa akin. "Oo, kasi gusto ko safe kang umuwi. E, kaso nalasing, kaya...ayun. Hindi ko na lang pinagdrive. Bakit? May problema ba?"
Umiling ako. "Wala naman."
Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya. She's being nice to me, nagdududa akong wala ba talaga siyang alam sa nangyari. Tsaka, hindi man lang niya ba kakamustahin boyfriend niya? Minsan, naiinis din ako sa kanya dahil parang wala siyang pakiramdam at pakialam.
"Kung may problema ka sabihin mo sa 'kin, ha? Tsaka, 'yung mga pagkain na binili ko, nasa kwarto mo na. Nilagay ko sa cabinet at ang iba naman nasa ref. Masasarap 'yun tsaka paborito mo 'yun, e."
Hindi na ako nakinig pa at kumain na lang. Napansin ko nga sa cabinet kanina na maraming pagkain. Alam ko naman na siya bumili nu'n, sinabi na niya sa akin noong biyernes pa. Wala naman akong sinabi sa kanya na bilhin 'yun, e. Kung mapapanis ay wala na akong pake.
"Nga pala, kalimutan na natin 'yung nakaraan, nag-aalala lang talaga ako. Pero okay na 'yun! 'Wag mo nang alalahanin. Basta magsabi ka lang." Ngiting sabi pa niya. Hindi niya ba ako tatanongin sa nangyari? Kumain na lang ako at hinayaan siyang magsalita. "Aalis pala ako ngayon. May lalakarin muna kami ni Hyderson."
Natigilan ako at lumingon sa kanya. Nagsalubong agad ang kilay ko. "Na naman?" Hindi ba sila nauubosan ng lalakarin?
Natigilan ulit siya. "Busy na kasi siya next week, e, kasi mag meeting daw sila para sa event next week or next next week ba. May pakulo sila para sa atin kaya—"
BINABASA MO ANG
(Revised) Ang Maldita Kong Girlfriend: Sister's Rivalry
Novela JuvenilMaldita Series #2 On-going