Chapter 5

182 11 5
                                    

Dumating ang sabado at alas dies na rin ako nagising. Bumangon ako at isang pulang rosas ang nakita ko sa paanan ko at may pagkain na Jollibee itong kasama. hindi na ako magtataka kung kanino galing 'yan. It's from Hyder. Kinuha ko ang paperbag at sinilip ang laman. Napangiti ako. Spag, rice w/ chicken, fries and hotdog w/ buns. Mayroon ding Sundae.

Kinuha ko ang isang bulaklak at hindi ko maiwasang mapangiti. Bakit ba siya ganito? Sobrang sweet and thoughtful. Inilagay ko ito sa isang vase kung saan nasa gilid lang ng kama ko.T atlong vase ang meron ako, dahil sa palaging nagbibigay ng bulaklak si Hyder sa akin every weekend. Three flowers ang nandoon, Rose, Tulips, especially Sunflower.

Umalis ako sa kama at nagbihis. Kinuha ko ang paper bag at lumabas. Naabutan ko sa sala si Melody at Sunny. May dala silang mamahaling gamit na nakalagay sa isang paper bag. Masaya nila itong pinakita kay Clarity. Napansin nila ang pag-baba ko ngunit umiwas lang din at tinuonan ng pansin si Clarity na sinusukat ang mga damit.

Gusto ko mang lumapit ngunit ayukong maisturbo. Hihintayin ko na lang na sila mismo ang lalapit sa akin. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta, basta ang alam ko lang ay dito sila matutulog this week. Nagtungo akong dinning at laking gulat ko nang makita kung sino ang nando'n.

Napatingin silang lahat sa akin, ganun din si Alistair. Isang matandang babae at lalaki ang nasa tabi niya, lahat sila ay napangiti at nagtaka nang makita ako. Tumingin ako kila Mommy at Kua. Tuao si o at hinawakan ako sa agkabilang balikat at huarap s bisita.

"I'd like you to meet daughter, Trisha. My long lost daughter." Ngiting sabi ni Mommy.

Napakurap ako ng ilang beses sabay ngiti sa harap nila. Hindi ko alam kung paano kumilos. Walang ibang pumasok sa isip ko kundi ang umalis agad at pumuntang kwarto. Hindi ako naligo, ngunit nanatili ang magulo kong buhok. Naka-pajama lang din ako kaya balot na balot sa akin ang hiya. Kusa akong napatingin kay Alistair nang pinipigilan ang ngumiti. Umiwas agad ako.

"Oh my god, she so beautiful. Nice to finally meet you, hija. Anyway, this is Alistair, hoping magkasundo din kayong dalawa dahil nasa iisang paaralan lang kayo." ngiting sabi ng agaandang babae.

Nagtagpo Ang tingin naming dalawa at Hindi ko maiwasang Hindi mailang, Wala akong masabi. "Magkakilala na po kami, Ma, she's my classmate." Nagsalita siya dahilan upang namangha silang dalawa ni Mommy.

"Oh my, that was good! Nang sa ganun malaman ko kung anong ginagawa mo do'n. Kung nagpakatino ka ba talaga o hindi. Okay lang ba sayo, Trisha?" Mas lalo akong nagulat sa sinabi ng babae. Hindi ako makapagsalita. Gusto kong magreklamo pero hindi ko kaya lalo pa't ga matatanda ang nandito.

That's not my obligation. Nasa anak niya lang 'yan kung magpakatino ba talaga. Ba't kailangan ko pang bantayan 'yan?! Sino ba 'yan?! Kahit ano pang sabihin niya, hindi ko 'yun gagawin. Kung tutuusin, responsibilidad niya 'yan. Hay, naku!

"What? Ma! I can take care of self! Hindi ko na 'yun gagawin! Tsk!" aniya at inis na bumulong sa huli. Tumingin siya sa akin at salubong ang kilay niya, agad ding umiwas.

Hindi na nagsalita ang Mama niya at tumawa nalang. Napatingin si Mommyo sa dala ko. "Gusto mong kumain?" tumango ako. "Sit here," aniya at inalalayan akong umupo sa tabi niya. Inutusan niya ang isa sa mga katulong namin na kumuha ng plato at kubertos.

"Ang aga mo namang mag-Jollibee." komento ni Alistair dahilan upang mahinang tumawa si Mommy. Binigyan ko lang siya ng malamig na tingin. Hindi na niya kailangan pang sabihin 'yun. Papansin.

"Bigay 'yan ng boyfriend niyang si Hyderson. May roses pa nga 'yan, e. I bet you know him, kwento sa akin ni Clarity dati, kaibigan o daw 'yun." Baling ni Mommy kay Alistair dahilan upang matigilan siya. Napatingin siya sa akin.

(Revised) Ang Maldita Kong Girlfriend: Sister's Rivalry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon