Malakas na buntong hininga ang inilabas ko habang hinanda ang sarili sa report. Tumingin ako kay Alistair na mukhang hindi man lang kinakabahan. Sout niya ang uniporme pero nakaibabaw naman dito ang itim niyang blazer. Sa katalinohan niyang 'yan, nindi na niya kailangan pang mag-study.
"When it comes on a business we should practice our career professionalism. Especially our personal development, because, personal goals affect how an employee performs while they can serve as motivation to be more productive and more successful, they can also 'cause conflicts between staff or between work and home." I explained.
Patuloy ang pagbabahagi ko sa report at trying to make an eye contact kahit nape-pressure ng kunti dahil lahat sila ay tahimik at nakikinig. Kahit papaano ay natutuwa ako sa sarili ko dahil namalayan kong kaya ko pala 'to. Nasa tabi ko si Alistair at kahit sa gilid ng mata ko ay pansin ko ang tigtig niya at pagtango sa mga sinasabi ko.
Mabagal akong matutu sa mga bagay-bagay kaya kabado at pressure ang mararamdaman ko kapag minamadali ang lahat. Kailangan ko pang i-analyze ng maigi at aabut pa ng araw 'yan, tsaka ko na maintindihan ang binabahagi na salita. Doon ako makakabuo ng salita na sa sarili ko at sa natututunan ko.
Napatitig ako kay Alistair habang nagsasalita siya sa harap. Nakakahanga siya. Sa mga sinasabi niya palang parang hindi na niya tinatak sa isip 'yun at kusa nang lumalabas. 'Yung tipong isang basa mo lang, gets mo na agad, makakagawa ka ng sarili mong halimbawa sa binabasa mo upang makaintindi ang lahat.
Ako...I still need to take the notes sa lahat ng mga sasabihin ko. Kumbaga, isusulat ko sa papel ang sasabihin ko at ang ihahalimbawa ko.
Beauty and Brain pala 'to.
E, kaso...may beauty naman ako...wala nga lang brain.
Matapos ang report namin, nakasagot naman ako sa mga tanong ng karamihan. Even Miss Debi na sobrang daming tanong. Karamihan doon ay si Alistair ang sumagot. Sasagot naman ako pero sa simpling tanong lang. Ewan ko nga kung may ambag ba ako sa explanation. Meron, pero kunti lang.
Nakatunganga lang ako sa upoan ko habang inisip ang nangyari kanina during report. And so many questions ang pumasok sa isip ko.
Tama ba ang sinagot ko?
Naintindihan kaya nila ako kanina?
Tama naman 'yung sinabi ko at in-explain ko naman lahat pero bakit...parang...may kulang?
Wala naman akong narinig na reklamo or bad comments about sa report ko...pero... what we're they thinking about me during the report?
Bahala na. Basta tapos na 'ko.
Muli akong nataohan nang sinindot ni Alistair ang gilid ko. "You did great kanina," Tumabi siya sa akin no'ng vacant time na namin. Iilan lang kasi kami dito at wala si Lucky sa tabi ko kaya doon siya umupo.
"Pansin mo? Kinakabahan nga ako, e. Tsaka, may dala akong kudigo, 'no." Mahinhing sabi ko. At napatingin sa papel na binabasa ko kanina. Nalukot na siya ngayon dahil nilalaro ng mga kamay ko.
Natawa siya. "Pansin ko nga. But...what's wrong with that? You still did great." Ngiting sabi niya at inilapit ang mukha sa akin.
Gumaan ang puso ko sa sinabi niya. Kahit papaano ay may napapansin pala sa effort mo habang nakahawak sa bagay bilang suporta (kudigo). Minsan kasi, napansin ko na minamaliit ng iba 'yun.
"Ikaw din, sobrang galing mo kanina." Puri ko sa kanya.
He nod once. "Yeah, maybe. Nakakapagod din basahin ng tatlong oras ang topic ko." Aniya na parang mabigat a kanyang kalooban.
Napabuga ako sa hangin, "Ha! Tangina! Kaysa naman sa akin anim na oras! Hayop ka!" Inis na sabi ko sa kanya.
Natawa siya. "Kaya pala may eye bags ka, e, oh." Aniya at hinawakan ang panga ko at inilingon sa kanya sabay turo sa mata ko habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
(Revised) Ang Maldita Kong Girlfriend: Sister's Rivalry
Novela JuvenilMaldita Series #2 On-going