"Doon tayo sa table nina Maureen at Clarity. Humingi ka ng tawad." Humarap agad ako kay Hyderson matapos kong tanggapin ang pagkaain.
Tinanggap niya ang kanyang order na soup with rice na sa tingin ko ay order iyun ni Maureen. Kunot-noo niya akong tinignan. Alam kong nagsorry na siya kanina, pero gusto kong ulitin niya. iKahit sabihin na nating okay lang kay Maureen 'yun, still not okay.
"Pero I already said 'sorry' to her, Hon." Sabi niya. Nilingon ko siya habang patungo kami sa table nila.
"Just do it again, nakakaguilty naman kasi 'yung ginawa mo." Pananaray ko sa kanya. Hindi na siya nagsalita pa nang makarating kami sa table nila.
Binigay ni Hyder kay Maureen ang pagkain. Hinayaan ko siyang umupo sa tabi nito habang nasa tabi niya naman ako. Hayaan ko siyang magsalita at kung anong sasabihin niya dahil doon sa nangyari. Napatingin sa akin si Clarity at ang babae. Mukhang tinatanong kung anong ginagawa ko doon. Ngunit hindi ko na sila pinansin pa.
Tumingin ako sa kabilang mesa kung saan nandoon si Melanie at Lucky. Agad silang tumayo at kinuha ang pagkain. Nagtungo sila sa dereksyon namin hanggang sa umupo silang dalawa sa tabi ko. Nagtaka si Maureen doon hanggang sa tumingin siya sa akin. Tumingin rin ako sa kanya na parang wala lang, ngunit agad siyang umiwas at tumingin kay Hyderson.
"Thank you sa pagkain," aniya at kumain na rin.
"i'm really sorry for what happen, I really don't mean it. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. nagmamadali kasi ako." Rinig kong sabi niya habang nakatingin kay Maureen, habang ako ay patuloy lang sa pagkain.
"It's okay. Anyway, sa sabado, dapat nandoon ka. May ipakilala ako sayo." Ngiting sabi niya.
Muli akong natigilan doon, pero alam kong it's just a friendly matter kaya wala na akong pakealam at okay lang. Napansin ko ang pagsindot sa akin ni Lucky sa tigiliran. Ngumuso siya sa dereksyon ni Maureen sabay irap, halatang nagbibigay siya ng pansin tungkol sa sinabi nito.
"Uh...sure, no problem." Ani Hyder. Naramdaman ko sa boses niya ang pag-aalinlangan. "Anyway, I have to go, may binili lang ako saglit." Paalam niya bago bumaling sa akin. "Hon, I have to go." aniya sabay halik sa akin sa sentido. Agad siyang tumayo at umalis na rin. Napansin kong nakatingin silang lahat sa amin. The hell I care, e, may relasyon kami!
"Bye, baby!" sigaw naman ni Lucky, ngunit hindi na siya nilingon pa ni Hyder. Napalingon ako sa kanya at nakita ko sa mga mata niya ang paghanga niya sa boyfriend ko. Natawa naman ako.
"Since when you guys have been friends?" Takang tanong ng kapatid ko. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa aming dalawa. Yeah, right, hindi ko pa nakukwento sa kanya.
Hindi agad ako nakasagot, kaya si Lucky na ang nagsalita. "Matagal na, beh, simula noong 1st year college. Sinampal ako ng pina-guilty ng kapatid mo, until lumapit ako sa kanya at nakipag-kaibigan. Oh, 'di ba, ang plastic ko." ngiting sagot niya.
Napatingin sa akin si Clarity. "Akala ko ba ayaw mong makipag-kaibigan sa kanya?"
"Yeah, pero dati na kasi 'yun. Una, hindi ko siya magawang lapitan dahil wala akong tiwala sa kanya. Pero naramdaman kong hindi naman pala mahirap magpatawad sa taong umaasa at nagbabago." Sabi ko habang kumakain. Nanatili ang tingin sa akin ni Clarity hanggang sa tumango siya at ngumiti sa akin, sabay tingin din kay Lucky.
BINABASA MO ANG
(Revised) Ang Maldita Kong Girlfriend: Sister's Rivalry
Teen FictionMaldita Series #2 On-going