Chapter 15

106 9 6
                                    

KINABUKASAN, maaga akong gumising dahil maaga ang schedule namin sa prelim exam. Inayos ko ang sarili ko habang kaharap ang salamin. Because it's Wednesday at wash day kaya sinout ko ang puting double lining na binili ni Hyder sa akin, at black cargot pant and white shoes. I fix my hair in a half ponytail habang may ribbon clip sa ibabaw. I put some light make up dahil ayuko masyadong makapal.

Okay lang hindi pasado, at least maganda, 'di ba?

I smile after i put my lip tint on. Napangiti ako nang naisipan kong magsend ng pic kay Hyder. Kinuha ko ang phone ko at tinutok sa salamin ang camera. Kinuha ko ang black tote bag ko. Nakatingin ako sa phone and I smile and made a post. Kinunan ko ang sarili ko ng tatlong beses. Ang isa ay nakaharang sa mukha ko ang phone and only my body figure ang nakita.

Sinend ko sa kanya iyun and say:

Ako:

Good morning din. Just ready for the exams.

Hindi siya nagreply agad kaya lumabas ako ng kwarto. Agad kong naabutan si Clarity na nakapambahay at papasok sana sa kwarto niya nang makita ako. Sandali kaming natigilan sa isa't isa. It's been a week since noong confrontation naming dalawa at simula no'n, hindi na kami masyadong nag-uusap.

Sa tuwing makasalubong ko siya dito sa bahay, ngingiti lang siya sa akin at tatalikuran agad. Kaya tinatanong ko sa sarili ko kung ano ba ang ginawa ko? May nagawa ba ako? May kasalanan ba ako? Hanggang sa naisip ko na lang na...she really hates me. At hindi ko alam kung bakit.

"Good luck," aniya.

Ngumiti ako ng kunti. "Ikaw din,"

Tumango siya at ngumiti. Pumasok siya sa kwarto niya kaya naiwan akong nakatingin pa rin sa kinatatayuan niya. Bumuntong hininga ako at sinusubukang pagaanin ang sarili. Nasasaktan kasi ako sa pakikitungo niya sa akin.

This is my big day kaya ayukong maging malungkot. Ayukong magpadala sa nararamdaman ko. Umiling ako at huminga ng malalim.

Kumain ako na kasama si Mommy, Daddy at Kuya. Kakatapos lang din daw kumain ni Clarity at mamaya pa ang exam niya. Maraming sinasabi si Mommy tungkol sa negosyo namin sa Quezon City at dahil wala akong naintindihan ay kumain lang ako nang kumain. Hanggang sa napunta naman sa kapatid ko ang usapan.

"Anak, bakit hindi na ginagamit ni Clarity ang kotse niya? Is she okay? May problema ba sa kotse niya?" Tanong ni Mommy.

Huminto ako at nangapa ng sasabihin dahil hindi ko alam ang tungkol diyan. Mas maagang umuwi si Clarity kaysa sa akin. Minsan, mauna pa ako sa kanya dito sa bahay pero hindi ko siya napansin na dala ang kotse niya. Gaya din nito, uuna akong papasok kaysa sa kanya.

"Hindi ko po alam, e."

"Try to ask her, baby, para hindi na siya mahihirapan."

"Okay po, Kuya."

Pagkatapos ay nagpaalam na ako at nagtungong M.U. Matapos kong ipark ang kotse ay siya namang pagvibrate sa cellphone ko.

Him:

You really are so beautiful, baby. Good luck to your exams. I know you can do it. Kahit marami kang time vacancy, no dates muna. I want you to focus on your subject. But don't worry, I will give you a midnight snack while studying. No pressure, just do your best. Pass or failed, I'm still proud of you.

Him:

I love you so much...

Napangiti ako sa text niya at naiwan ang mga mata ko doon. I am so lucky to have him. Mas lalo siyang nagmatured habang tumatagal kami. I've never thought na magiging ganito siya. Sa likod ng masamang ugali niya minsan, parang matatabunan iyun kapag lumalambing siya. Nagreply ako bago lumabas ng kotse.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

(Revised) Ang Maldita Kong Girlfriend: Sister's Rivalry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon