Chapter 4

203 12 0
                                    

"Sabi ng sa bar niyo ko iuwi, e, ba't dito?!" maktol niya nang makarating kami sa tapat ng bahay nila.

Alam ko na kung anong gagawin niya doon. Landian na naman ang plano niya dahil wala na sila ng lalaki na 'yun. Malalaman ko na lang bukas na may kasama siyang ibang lalaki tas kalaunan, iiwan lang din. That's why, naisipan kong iuwi ko nalang siya sa kanila, kaysa kumirengking.

"Gabi na kasi! Ba't kailangan mo pang magbar? Hindi porket, wala dito mga magulang mo, kikilos ka na ng ganyan!" inis kong sigaw sa kanya. Isang bagay lang ang pumasok s isipan ko. Ang mabuntis siya ng maaga. Walang masama do'n, pero...

"Sobrang boring kasi-"

"Pumasok ka na!" sigaw ko sa kanya. Natigilan siya at tinignan ako ng masama. Tinuro niya ako nang may pagbabanta at lumabas na rin.

"Maghiwalay na sana kayong dalawa!" sigaw niya at malakas na sinara ang pintoan ng kotse. Habang sinundan ko siya ng tingin ay wala sa sarili akong napangiti at natawa.

Nilisan namin ang lugar na 'yun at mukhang ilang minuto lang din namin nakalimutan ang nangyari kanina. Alam kong ayaw na ayaw niya ang mahukay ang nakaraan sa walang kwentang dahilan. Tumingn ako kay Hyder na seryusong nakatingin sa daan. Gusto kong magsalita pero baka mabasag ko lang ang mood niya.

Nang makarating kami sa bahay niya ay pinark niya muna ang sasakyan sa tabi ng bahay niya. Lumabas kami at kinuha niya ang mga pagkain sa compartment. Panay ang tingin ko sa kanya at naramdaman kong hindi maganda ang timpla sa mukha niya. Tumabi ako at binitbit niya ang mga iilang supot sa isang kamay lang.

"Halika na," Hinawakan niya ang kamay ko papasok sa bahay niya. "Nagpaalam na ako sa mga magulang at kapatid mo, kaya okay lang na gabihin ka." Mahinahong sabi niya.

Nagtungo siya sa kusina at kumuha ng mga plato at kubyertos para sa pagkain. Umupo muna ako habang pinanood siya. Binuksan ko ang tv, naghanap ng magandang palabas. Napansin ko naman ang paglapit sa akin ni Hyper at tumalon siya upang humiga sa hita ko. Maya-maya din ay walang nagsasalita sa aming dalawa. Habang ako ay panay silip sa kanya. Nasa tabi ko siya at seryusong nkatingin sa tv. Nakasandal siya sa sandalan ng couch habang nakahiga ang ulo sa ibabaw ng headboard.

Napatingin siya sa akin at tinititigan ako ng mabuti gamit ang mapupungay niyang mga mata.  "Okay ka lang? Malapit ng maubos ang pagkain natin, tas hindi ka nagsasalita diyan." Sabi ko sabay kagat ng Pizza.

"I want cuddle,"  malambing niyang sabi. Hindi ko maiwasang hindi mamula. Madalas niya lang sinasabi 'yan, ngunit 'yun talaga ang gusto ko.

Humiga ako sa may armrest ng couch at senenyasan siyang lumapit. Napansin ko ang pagngiti niya dahilan upang matawa ako, 'yun lang ang mahalaga. I separate my legs habang umiibabaw siya sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit habang isinisiksik niya ang kanyang mukha sa leeg ko. Yumakap na rin ako sa kanya habang hinahawakan ko ang mga hibla ng buhok niya. Isinandal ko ang aking pisngi sa kanyang noo. This is the best feeling i've ever had.

"Sabi ni Lucky, kaibigan mo daw 'yun." Sabi ko.

"Yeah, but that was before." bulong niya. Naging mahigpit ang yakap niya sa akin.

"Pwede ka bang magkwento?" Tanong ko ngunit hindi siya sumagot agad. "And besides, naging kaagaw mo daw 'yun kay-"

Hindi natuloy ang sasabihin ko nang tumingin siya sa akin. "Sinong nagsabi?" Kunot noo niyang tanong.

"'Yung baby mo," Panunuya ko. Hindi niya nakuha ang sinabi ko at nanatili ang kanyang tingin sa akin. Ngunit natawa ako ng bigla siyang nainis at sumiksik ulit sa leeg ko.   

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Fuck that bullshit," bulong pa niya.

Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan nalang na ganun ang posisyon naming dalawa. Mas lalo akong nasiyahani nang umakyat si Hyper at nagtungo sa likod niya upang humiga. Sa mga oras na 'to, hinihiling ko na sana hindi matapos ang gabing 'to.  Sobrang nakakapagod ang araw na 'to, at winaglit lang iyun ni Hyder 'pag kasama ko siya, without even trying.

(Revised) Ang Maldita Kong Girlfriend: Sister's Rivalry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon