Chapter 1

93.7K 2.3K 509
                                    

A/n: Edited , enjoy

The enourmous sound coming from the clock echoed all over my room at sa di inaasahang pagkakataon bumagsak ako sa sahig dahil sa maling side ako lumingon

Punyemas na alarm clock yan ang sakit ng likod ko walanghiya. Napahimas ako sa bewang habang tumatayo ng pilit mula sa pagkakahulog sa kama. Napahilot nalang ako sa batok ko ng malibot ang tingin sa kwarto ng apartment ko.

Masyadong makalat kaya napangiwi ako

Pumasok nalang ako sa banyo at ginawa ang daily routines ko at lumaki akong mag isa simula noong 10 years old palang ako

I'm Andilyne Dave Fuego. Lumaki ng walang ina at minsan lang nakita ang ama. Pero kahit ganun naman at kahit nasa ibang bansa ang tatay kong parang si dora lang na gustong mag explore at umikot sa buong mundo Hindi niya padin nakakalimutang suportahan ako sa mga expenses ko sa school.

I'm 17 at senior high this year. Tuwing weekends dumadalaw si butler Francis para bigyan ako ng allowance. He's the most trusted butler ng tatay ko. Hindi ko kailanman na isip na magtanim ng galit kay papa dahil alam ko naman na kahit malayo siya di niya kinulang sa pag aaruga kaya kahit wala siya sa mga birthdays ko di ko nalang yun pinapansin.

Pero naisip ko din na sana sa 18th birthday ko makasama ko siya. Ma celebrate ko man lang ang debut with his presence it's already enough for me kahit dun lang.

Mabilis akong nag shower at nagbihis. Its saturday at walang klase kaya ang ending late nakong nakabangon.

"holy freaking shit"

Mura ko sa gulat ng biglang bumungad sa labas ng pintuan ng kwarto ko ang mukha ni butler Francis. Mas lalo akong napamura at nagtaka dahil may bitbit siyang baby

"what the hell butler france nagkaroon kaba ng kabit at ngayon mo lang nalaman na nagbunga? "

Tarantang saad ko. sino ba naman ang hindi magugulat kung makita ang butler ng tatay mo na halos lumagpas na ang edad sa senior citizen na may bitbit na sanggol?  Agad na  kumunot ang noo niya saka  tinaasan ako ng kilay

"anong akala mo sakin young master dave? Isang phedo? "


Matalim niyang tanong. Napaubo nalang ako ng wala sa oras saka humagalpak ng tawa

"eh kanino ba kasing bata yan at bakit nasa iyo? "

Natatawa kong tanong. Butler francis is already at his 60's kaya imposible. By the way mas gusto ko kasing tawagin niya akong young master keysa sa lady nakaka asiwa kasi hindi naman ako tomboy pero ayoko lang na tinatawag niya akong lady or mistress.

"he's young master Ford. 1 year and 5 months old. "

"oh at kaninong anak yan? "

Naglakad ako papuntang kitchen at kinuha ang pitcher sa ref. Binuksan ko ang cabinet kumuha ng baso sa cupboard saka nagsalin ng tubig. Sinundan niya ako sa kusina at pinagmasdan ako ng alinlangan. Napakunot ang noo ko sa reaksyon ni butler francis

" I - "

"kanino nga butler France? seryoso baka anak mo yan sa labas"

Mas lalo pa akong humagalpak ng tawa ng bigla siyang napangiwi.

I love to tease him this way.

"he's your younger brother"

Agad akong nasamid at napaubo ng wala sa oras halos mabuga ko pa sa kanya ang tubig buti nalang at nakaiwas siya bigla. Wait tama ba ang narinig ko?

My 15 Brothers And Me [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon