Chapter 2

63.4K 1.9K 257
                                    

[ANDILYNE DAVE]

Napagising ako ng maaga dahil sa pag-iyak ni Ford. Hindi ko naman siyang pwede pabayaan since he's my little brother. Gulat man ay medyo natanggap ko na din ang sitwasyon. I can't blame papa baka nga siguro tama din si butler france.

Napatingin ako sa orasan na nakapatong sa bedside table ko and its 4:45 in the morning. Umiiyak kasi si Ford kaya pinainom ko na ng gatas. Pagkatapos ko siyang painumin hinele ko muna siya at pina burp. Binaba ko siya sa kama at napagdesisyonan kong maligo nalang since nagising na ako. Kaagad kong binuksan ang shower at naligo


Its 5 am already ng matapos ako. Paglabas ko ng kwarto ay mahimbing parin ang tulog niya. Kaya instead pumunta nako ng kitchen at nagluto ng breakfast. Bigla nalang akong napailing sa katangahan ko minsan saan ko iiwan si Ford eh papasok ako? Napa ngiwi nalang ako at napasabunot ng buhok dahil sa inis at stress.


Nakarinig ako ng iyak sa kwarto kaya dali dali akong pumasok sa silid. Ford is crying while stretching his arms up

"dwave"

He wails. Damn ano bang naging kasalanan nung past life ko at nangyayare sakin ito?. I immediately carried him at pinatahan ko siya. I can't stand to see him crying kapatid ko eh. Binuhat ko siya papuntang kusina at nilagay sa lap ko. I started to eat my meal at buti naman tahimik lang siyang nakamasid sakin habang kumakain

Nag decide ako na dalhin nalang siya sa school since no choice ako dito Magiging issue ako neto sa school panigurado. Hindi ko naman maiwan sa apartment si Ford dahil wala naman akong ni isang ka close sa building. Kaya heto

Hinanda ko ang baby bag niya at siniguradong wala akong nakalimutan. Binihisan ko siya ng panglakad at saka lumabas nako sa apartment. I locked my door at kinarga si Ford. Lahat ng kapitbahay ko napatingin sakin. Napangiti nalang ako ng hilaw at binilisan ang paglalakad. Walking distance lang naman ang school kaya walang problema. Habang nasa daan napapatingin sakin ang mga estudyante din na kasabayan ko at heto na ngaba ang sinasabi ko eh


"oh my gee ang cute nung baby"

"diba si miss Andi yan ng grade 12? May baby na siya?"

"hala seryoso anak niya yan?"

"i cant believe it"

Nagbubulungan pero naririnig ko naman. Nyemas para silang mga manok eh ang iingay. Sabagay di ko naman sila masisi. Sumasakit lalo ang ulo ko dahil sa kanila

Nang makarating ako sa entrance gate ay mas lalo pako naging center of chismis.

"Dwave yabuuuu"

"Ford , no stop pinching my cheeks aray"

He giggle na para bang sinasadya niyang pang gigilan ako

"omg so cute"

"ang gwapong bata"

"di nagmana sa girl"

"gwapo siguro ng daddy"

"paanak ako kung sino man ang daddy niya para maganda din lahi"

Muntikan nakong madapa sa mga naririnig ko. Chills went over on my spine dahil sa mga pinagsasabi nila. Susmaryosep kapatid ko po to at hindi anak .

Papa kasalanan mo to eh!

"good morning Andi oh anak mo?"

Gulat na tanong ni kuya Gabo. Siya ang security namin dito sa school at medyo ka close ko siya. Napangiti naman ako ng hilaw sa kanya at inayos ang pagkakakarga kay ford

My 15 Brothers And Me [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon