Chapter 58

31.7K 1.1K 51
                                    

A/N: Sorry if may iba sa inyo na di mabasa ang fonts ko. Next time i will use normal fonts. And also I'm fond to be called Ate Or Haze will be fine. Medyo hindi ako sanay sa Ms A or Author. But anyway enjoy reading!!

[THIRD]

It was 10 in the evening at tulog na ang lahat ng tao sa mansyon, pwera nalang sa isang dalagitang nag-hihintay at natatakot. She was doubting and scared at the same time. Pabalik balik ang tingin niya sa bintana and luckily walang cctv sa kanyang kwarto

Napahinga siya ng malalim at nakiramdam sa paligid. Sobrang tahimik at tanging kalansing ng kanyang kadena ang lumilikha ng kaunting ingay. Napaisip siya sa babaeng nagbigay sa kanya ng litrato at nag unlock ng kanyang posas. Kahit natatakot ay buo na ang desisyon niya. She slowly remove the chain at kagat labing hinihiwalay ang metal sa kamay. Nakahinga siya ng maluwag ng makalas niya ang posas at sinunod niya ang kaliwang kamay. Sawakas natanggal niya na lahat at dali dali siyang pumunta sa bintana subalit agad siyang binalot ng pagkatakot ng makita ang babagsakan niya kung sakali.

Nasa itaas siya na bahagi at may lubid na nakatali sa may balcony, The cold wind whistles in late night and she was stiffened cold. Napayakap siya sa sarili at unti unting bumuga ng hangin

Dahan dahan siyang umakyat sa railings ng may nanginginig na kamay. Napapikit ang dalagita ng mariin at inabot ang lubig sa kabila para makababa. Kamuntikan na siyang nahulog ng dumaplis sa kamay niya ang lubid at impit na napasigaw. The rope sway bagay na ikinatakot niya ng husto. Dahan dahan niyang binaba ang sarili hanggang sa nag landing ang kanyang mga paa sa malamig na semento

Pakiramdam niya ay parang nabunutan siya ng tinik sa lalamunan ng nakatungtong siya sa lupa. She look at her surroundings at napansin niya ang malalagong halaman sa isang hardin. The place were dark at tanging lamp post sa may gate ang nagsisilbing ilaw sa paligid. Nakayapak na dahan dahan siyang naglakad palayo sa bahay at unti unting binayo ang tarangkahan. Mabilis ang paghinga niya ng biglang may sumigaw mula sa itaas

"Nawawala siyaaaa"

Mabilis na tumakbo ang dalagita at hinihingal na binuksan ang gate. Lakad takbo ang ginawa niya sa kalsada at naririnig niya ang sigawan sa mansyon. Kiming nanalangin siya na sana wag siyang maabutan, kahit sumasakit ang paa, nakita ng dalagita ang isang Kotse sa di kalayuan. Agad bumukas ang headlight nito at nasilaw siya sa liwanag

"Ayun siya"

Napalingon siya sa kanyang likuran ng makita ang limang kalalakihan na nakalabas ng gate. Mabilis siyang tumakbo sa may kotse at nabigla siya ng biglang may humablot sa kanya sa driver seat..

Napasigaw ang dalagita ng maipasok siya sa kotse at humarurot ito palayo sa bahay. Nagpumiglas siya at nakaramdam ng grabeng takot sa sitwasyon niya ngayon

"Calm down, girl"

Napahinto siya sa pagpupumiglas ng makita ang isang babae na nagmamaneho at isang lalaking hawak hawak siya. Pamilyar sa kanya ang babae at napagtanto niya na ito ang nasa litrato

"Sarah"

Ngumiti ng tipid ang babae at binaling ang tingin sa kanya. Agad siyang binitawan ng lalaki at pinaupo ng maayos sa kandungan nito..masyado siyang petite kaya parang wala lang sa lalaki na akayin siya

"Yes its me and we need to hurry up bago tayo masundan ng mga gagong yun"

Napapikit ang dalagita ng maramdaman niyang bumilis ang takbo ng kotse. Halos paliparin na ni Sarah ang sasakyan

"Is she the one?"

Isang malalim na boses ang bumalot sa loob ng kotse. Sarah just shook her head atnag focus ulit sa pagmamaneho

My 15 Brothers And Me [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon