Chapter 15 Escape Room II

17 2 39
                                    

Happy 500 reads!! Owemji, thank you guys for supporting my story even though it has a lot of flaws and errors. I'll do my best to make this story interesting 'til the end. 😭❤️

***

Stunned.

That's what we are right now.

Yung lamig na pumapalibot sa katawan namin ngayon ay tila nawala pansamantala matapos naming makita kung ano ang laman at nasa likod ng pintong iyon.

Wow Ace.

A maze.

It was a rectangular maze at meron itong metal handle kung saan ito yung gagamitin mo para idrag papunta sa finish or exit point.

You really put an effort Ace.

Hindi ko namalayan na nasa tabi na pala namin si Aze na parang nawala rin ang lamig na nararamdaman sa katawan. Lahat kami nakatitig sa maze na nasa harapan namin.

"Who wants to try?" sabi ni Trey habang nakatingin sya samin.

Lumapit si Reese at tinitigang mabuti ang maze na nasa harap nya at sinubukan nyang pagaralan ito.

He composed himself at sinubukan na nyang galawin ang metal handle, tila mukang mabigat ito dahil mahahalata mo ang hirap ni Reese sa paggalaw ng handle, nagulat kami nang biglang umilaw na kulay pula ang dinadaanan nito. Nagkatinginan kaming tatlo pero si Reese ay patuloy parin sa pagtry.

(A/N: The maze is like this

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(A/N: The maze is like this. I mean this is the actual maze na nakikita nila.)

"Deadend." Reese said.

"Try mo dito dumaan, dito sa itaas, tapos dito sa ibaba." paliwanag ni Aze habang tinuturo ang dadaanan ng metal handle. Sa tuwing binabalik ng daan ang metal handle nawawala ang pulang ilaw nito sa mga nadaan nitong deadend.

What was that supposed to mean?

Brrr.

I can feel it again at alam ko pati sila ay nanghihina na dahil sa lamig. Ilang minuto na ba kami dito? O oras? Hindi na namin alam. Nakakablanko ng utak yung lamig na pumapasok sa buong katawan namin.

"Deadend again." halata sa boses ni Reese na nilalamig na sya dahil maski ang kamay nito ay nanginginig na. Binitawan nya ang metal handle at sumandal sa pader malapit dito.

Si Trey naman ang sumubok at gumalaw sa handle, tinuloy lang nya kung saan huminto si Reese, sinubukan nya ang ibang daan. We are now half way of the maze.

He looked at me straight in the eyes, like he was saying sorry. Why? You didn't do anything wrong. Kasalanan to ni Ace, sya ang may gawa nito. Tinignan ko rin ito sa mata at ngumiti na para bang sinasabi na hindi nya kasalanan ito at wala syang dapat ipaghingi ng sorry.

Evil of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon