Chapter 12 Truth

25 5 5
                                    

Hera's POV

"Huwag nyo na ibigay sakanya."

"Tapon nyo na yan."

"Ilabas nyo na kasi."

Nagising ako sa ingay na mga naririnig ko.

Nakahiga ako at 3 boses ang naririnig ko.

Teka, nasan ako? Ano nangyari?

Dumilat ako at puro puti lang ang nakikita ko.

Hospital..

Nawalan nga pala ako ng malay noong palabas kami sa building na yon at matapos ang pagsabog.

Mom.

Kuya.

Hindi ko mapigilang maluha ulit nang maalala ko ang lahat ng nalaman ko.

Naramdaman ko ang paglapit ni Reagan kaya pinunasan ko agad ang luha ko.

"Hera gising ka na pala."

May pasa ito sa braso at kita rin ang benda na nakaikot sa katawan nito.

Tumingin ako kay Trey at napansin kong may pasa rin ito sa mukha at nakabenda ang kaliwang paa nito.

I feel guilty, hindi ko na alam ang mararamdaman ko ngayon.

Nakita kong may tinatago ito sa likod nya dahil nasa likod nya ang dalawang kamay nito.

Ayun ba yung pinagtatalunan nila kanina?

Napansin nya atang nakatingin ako doon kaya ngumiti lang ito sakin.

"What's on your back?" seryoso kong tanong dito.

"Ah eto ba beshy Hera? Wala to bigay lang sakin. Hehe" pagsisinungaling nito sakin pagkalabas ng regalong hawak nya.

"Narinig ko kayo kanina. What's that Trey?" this time sobrang seryoso na ng boses ko kaya unti unti nyang binigay ito.

"Trey." may banta sa boses na sabi ni Aze.

"Wag Trey."
"Wag Trey."

Pagpigil ni Reagan at Reese sakanya.

Kinuha ko ito sa kamay nya nang makalapit ito ng konti sakin, it was a red box at may red ribbon rin.

I read the card na nakadikit sa box.

To Hera

Open my gift for you. You'll like it.

Walang nakalagay kung kanino pero alam kong sakanya galing to.

Binaba ko yung card tapos binuksan ko yung gift pero prutas ang laman nito.

Napatingin ako kina Aze at di nila inexpect ang laman ng regalong iyon.

Sa ibabaw ng mga lamang prutas may isang black card na nakalagay kaya kinuha ko ito at binasa.

Hi Hera,

Eat all of this. Dont worry walang lason ang mga yan. I dont want you dead darling.

Gain some nutrients marami pa tayong laro, Hera.

Get well Soon!

NGXK YQZITK AFGVL

Take a look on your phone. And you'll get what it is.

~Ace

Evil of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon