Chapter 16 Stay with Me

14 1 16
                                    


Reese

"Severe Hypothermia."

Lahat kami nanlumo sa narinig namin. Nakaupo kami rito sa couch sa loob ng hospital room ni Hera, tanging ang tatay lang nito at ang doctor na tumingin kay Hera ang nakatayo. Para kong nawalan ng lakas sa nangyari, at sa itsura ng nakahigang si Hera.

Mula naman ng dumating kaming lahat dito ay hindi na kami kinibo ni Reagan, maski si Detective Cusyche kanina ay hindi ko rin nakausap, tanging sabi lang nito ay magiimbestiga sya kaya nauna na sya umalis matapos mailipat si Hera dito.

"Severe hypothermia is a life threatening, the patient's heart stopped, it has no pulse and her body was very cold to touch."

"Her body temperature drops at 27 °C, pero mabuti nalang at naagapan ito at nagawa ang mga dapat gawin habang hindi pa dumadating ang tulong kung hindi ay baka hindi na sya nakaabot dito."

Nakatitig lang ako sa nakahigang si Hera habang nagpapaliwanag ang doctor, balot na balot ito, may heater rin sa tabi nito at makikita mo ang pamumutla ng balat at labi nya.

It's my fault, hindi ko sya naligtas agad, inuna ko sarili ko na makalabas, hindi ko nakita agad na hindi nakasunod samin si Hera at nanghina na rin ito.

I'm sorry.

"It's not your fault Reese." Tila nabasa ni Aze ang ekspresyon ng muka ko kaya napatingin ako sakanya nang tumabi ito sakin, balot na balot rin ito tulad ko at maski si Trey na kitang kita mo rin ang panghihina. Ibinalik ko ang mata ko kay Hera at hindi ko mapigilang magsisi.

"I'll be back later to check on her. For now, you need to monitor her breathing and temperature, call any nurses if you need anything."

"Thank you doc."

Natapos nang magusap ang doctor at daddy ni Hera, tinawagan raw sya agad ni Reagan nang papunta kami rito sa hospital.

"Why don't you guys go home first, we'll let you know kapag nagising na si Quinn." napatingin kami nang magsalita ang daddy ni Hera para pauwiin kami. But I don't want to leave Hera, I want to see her wake up.

"Elis will drive you home, right Elis?" nagsalita pa ulit ito pero may nakakalokong ngiti na sa muka nito habang nakatingin kay Reagan.

Reagan just rolled her eyes on him, matapos mawala ang gulat sa muka nito.

"Let's go guys. Hahatid ko na kayo." sabi ni Reagan na nasa pinto at naglakad na ito palabas. Sumunod na rin si Aze at Trey sakanya while I still stand here looking at the sleeping Hera.

"I know you're worried, but you need to rest too. I'll let you know first soon as she wakes up, don't worry. And it's not your fault. I don't know what happened, and why are you all inside of that thing, but I'll let Quinn tell me what really happened." Tito Cronus said while smiling, assuring that everything will be fine and I don't need to worry about anything. But I still feel that it's my fault, hindi ko sya pinakinggan nang sinabi nyang baka trap nga lamang yon.

Ngunit wala na rin akong nagawa kaya lumabas na rin ako para sumunod kila Reagan habang paulit ulit na lumilingon sa nakahigang si Hera, nagbabakasali na magising sya agad.

I saw them waiting for me in the parking lot.

"Tara." sabi ni Reagan at sumakay na ito sa driver's seat habang yung dalawa ay sa passenger's seat at ako naman sa shotgun seat sumakay.

Evil of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon