Chapter 17 Losing Minds

11 2 2
                                    


Reagan

"MYGOD HERA QUINN!" agh! Para kong nagaalaga ng bata, ang alam ko hyperthermia dumapo dito, naapektuhan ata utak, shuta!

"why are you shouting?" punyetang muka yan.

"I TOLD YOU HUNDRED TIMES! THE DOCTOR SAID YOU CAN'T DRINK COLD DRINKS FOR A WEEK, IT JUST BEEN 3 DAYS!" YES! gusto nya uminom ng nagyeyelong coke, nyetang to nakakairita, para kong nagkaanak ng wala sa oras ang shuta!

"But ang init, just this one, please?" arghhh!! here you go, puppy eyes, para namang makukuha nya ko sa ganon.

"Don't make that face you're ugly. At di mo ko madadala sa ganyan mo aber. Bilisan mo Hera Quinn ah, naiinis na ko." I rolled my eyes on her at inagaw ang baso at coke sakanya.

It's been three days mula nang makalabas sya sa hospital, at bilin ng doctor na one week sya hindi pwede uminom ng malamig at pumunta sa malamig na lugar, pero etong babaeng to napaka kulit.

We're late, yeah literally. Our class starts at 2pm at 3pm na nandito parin kami sa bahay dahil sa babaeng to. Pwede naman na daw syang pumasok sabi ng doctor, no need mag bed rest dahil okay naman na sya.

Sumunod naman sya sa kotse agad matapos ko syang talikuran, kanina pa nagtetext sina Trey at Aze kung nasaan na raw ba kami at okay lang ba kami. Bwisit na Hera to, may gamot bang pampabata ng utak yung nasinghot netong lamig.

Nakapout sya na sumakay at magsasalita pa sana nang agad kong pinatakbo yung kotse kahit di pa sya nakakapag seatbelt at nakakaayos ng upo dahilan para isigaw nya ang pangalan ko.

"REAGAAAAAAN!!!!!" ngumisi ako ng malaki sa kanya.

"Shut up okay?" I rolled my eyes on her at pinatuloy ang pagmaneho.

Dirediretso at smooth pero mabilis na pagpapatakbo ginawa ko dahil malapit na kami sa school at wala na masyadong ibang sasakyan at tao na dumadaan rito, nang may biglang sumulpot na naka motor sa harapan namin na naging dahilan para bigla akong mapapreno.

Lumingon ito saamin at tumitig, naka black itong leather jacket at tinted ang helmet na suot, may tattoo rin ito sa kamay nito, spade. Itinaas nito ng kalahati ang visor ng helmet nya tama lang para makita ang bibig nito at sabay ngumisi saamin ng nakakaloko at nagpatakbo ulit ng matulin paalis sa harapan namin.

What was that?

Dali dali kong tinignan si Hera kung nasaktan ba ito at tumama nanaman ang ulo, dahil baka maging sanggol na utak nito. Tinignan ko ito na parang nagtatanong kung okay lang ba sya at tumango lang ito sakin sabay huminga ng malalim. Baliw talaga amputek.

"SABI KO SAYO DAHAN DAHAN LANG EHHH!!" ay puta! Kaya pala huminga ng malalim para sumigaw, kala mo di sanay sa bardagulan sa kalsada eh.

"Manahimik ka okay? Malay ko bang may susulpot don!" Sigaw ko rin sakanya pabalik at nag drive na ko ulit papunta sa school.

Nang makarating kami ay dali dali kaming tumakbo papunta sa room dahil sobrang late na talaga kami para sa second subject. Nakasalubong namin sina Aze, Trey at Reese sa labas ng room, mukang kakaalis lang ng prof namin sa first subject.

"Oh bestfriend! wala tayong class next 2 subjects, tara coffee?" salubong ni Trey sa masama ang tingin na si Hera, nanlaki naman ang mata nito at tumitig sa kaharap nyang si Trey.

"ANO?!! walang klase?! nagmadali kami at muntik na kaming makasagasa at mamatay tapos walang klase?!" pasigaw na sabi nito at tumingin ng masama sakin sabay pout.

"oa mo, mamatay talaga? wag nyo na intindihin yan, kanina pa yan feeling bata naapektuhan ata utak matapos ng nangyari sainyo." sabi ko sakanila pero patuloy parin ang reklamo ni Hera habang nakanguso ito, nagpatuloy na kami sa paglalakad na pinangunahan naman namin ng Aze nang sumabay ito saamin.

Evil of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon