Chapter 18 Sound of Silence

12 1 0
                                    

Hera

"Tara na sa gym Hera!" tawag sakin ni Regan mula sa pinto ng room tapos na lahat ng class namin at P.e class nalang namin ngayon ang natitira at tinatamad ako dahil may sports activity daw na magaganap. Tumatakbo kami papunta sa gym nang may makabungguan ako.

"Ouch!"
"Ah!"

Sabay namin sabi, naka black hoodie ito at nakafacemask, sorry ng sorry habang naka yuko at tila tinatago ang mukha.

"Sorry, sorry talaga Ms." paulit ulit itong nagsorry at saka tumakbo ulit paalis. Weird.

Tumakbo na rin kami ni Reagan agad at nakita namin yung mga classmate namin na naglalakad na rin papuntang gym.

"Oh bestfriend! Tubig?" Alok sakin ni Trey nang maabutan namin sila dahil hingal na hingal kami ni Reagan mula sa pagtakbo. Itinaas ko nalang yung baunan ko ng tubig dahil hindi na ko makapagsalita sa hingal.

"Woaaah! Sir! Ikaw may handa nitong mga energy drink?!" Tanong ng isa naming classmate sa p.e instructor namin habang tinuturo ang mga energy drink na nakapatong sa lamesa malapit sa bench.

"Hindi, hahaha pagdating ko nandyan na rin yan at hindi ko alam kung sino pero magpasalamat nalang kayo. Mamaya ko na ibibigay yan sainyo kapag tapos na tayo sa activity natin." sabi nito saamin at saka kami pinag stretching para maghanda sa activity na gagawin. Maglalaro lang daw kami ngayon, basketball sa mga boys at volleyball sa mga girls.

Nagsimula nang mag grupo yung mga babae, 4 na teams ang nabuo at may tig 6 na myembro. Ayoko sana maglaro dahil tinatamad ako pero hinila na ko ng dalawa, si Aze at si Reagan. Nakita ko naman sila Reese at Trey na nagsisimula ng maglaro kasama ang iba pa naming classmate na lalaki. Hmm so magkakampi rin sila?

Nagstart na kaming maglaro, ilang minuto makalipas ay nageenjoy na ko at nawawala na rin ang katamaran sa sistema ko. Napalingon ako kila Reese na naglalaro ng basketball. Pawis na pawis ito at halatang hinihingal na rin, marunong pala syang maglaro ng basketball. Nakatitig lang ako rito kaya di ko na namalayan yung nangyayari. Nagulat nalang ako ng isigaw ng mga classmate ko yung pangalan ko.

"Hera!!" Napalingon ako at nakita kong sakin papunta yung bola. Agad naman akong nakatugon at hindi ako tinamaan dahil nasalo ito ng kamay ko. Nakahinga ako ng malalim dahil sa nangyare.

"Ano ba nasa isip mo?" nagulat ako nang tanungin ako ni Reagan na nasa tabi ko na. Umiling nalang ako rito bilang sagot at saka ibinigay sakanya ang bola. Ibinalik ko ang tingin ko kila Reese na nakatingin na rin sakin dahil sa sigaw ng mga classmate namin sa pangalan ko. Ngumiti ito saakin kaya ngumiti nalang rin ako pabalik at parehas na kaming bumalik sa paglalaro.

Isang oras rin ang nakakaraan nang marinig na namin ang whistle ng instructor namin para sabihin na mag pahinga na kami dahil malapit nang matapos ang klase. Sobra kaming natuwa maglaro at hindi na namin namalayan ang oras. 15 mins nalang para maguwian.

"Kuha na kayo ng energy drink, tigiisa lang ah para lahat makakuha." Sabi nito at sabay umupo pabalik ng bench habang may sinusulat sa hawak nitong papel.

Nagulat ako nang bigyan ako ni Reese ng isa. Nagpasalamat naman ako rito at iinumin ko na sana yung drink nang mapansin kong parang may butas sa takip nito, para syang binutas ng karayom dahil maliit lang ito at hindi ito mapapansin kung hindi matatapat sa liwanag at hindi pagtutuunan ng pansin. Napakunot ang noo ko at pinigilan ko yung tatlo na uminom, at chineck ko yung takip ng inumin nila, meron ring butas katulad ng saakin.

"WAIT!" sigaw ko sa lahat kaya napatingin sila sakin, tinignan ko sila isa isa ang iba ay nakainom na at ang iba naman ay iinom palang. Lumapit naman samin si Sir na tila nagulat rin sa pagsigaw ko.

Evil of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon