Chapter 13 Trap

27 4 25
                                    

Hera's POV

"Hera may pinabibigay si Ms. Matte sainyo!!" nagulat ako sa sigaw nung classmate kong babae habang nasa pinto sya.

Nakataas ang kamay nito at may hawak syang papel.

Nasa room kami dahil isang subject nalang ay maguuwian na. Dalawang araw na rin ang nakakalipas mula noong malaman ko lahat ng revelation tungkol kay Ace, Black King at sa pagkamatay nila mommy at kuya.

At dalawang araw na rin nananahimik si Ace sa pakikipaglaro nya.

"Sainyong apat daw yan sabi ni Ms. Matte, di ko alam kung ano yan." Diretsong sabi ng classmate ko at tumalikod na ito pagkabigay ng papel.

Nagkatinginan kaming apat nila Trey, Reese at Aze matapos namin mabasa ang nakasulat sa papel.

I don't know kung ano ang iniisip nila matapos mabasa yon.

Hera, Reese, Aze and Trey

Im sorry for not telling this in person, im afraid that someone might hear us. I got a big problem, I think someone is stalking me and Im scared because of the pictures he sent. I'll show you the pictures in person. Help me please. If you're willing, meet me at the abandoned room at the fifth floor of this building by 5pm.

-Ms. Matte

5 pm ubos na lahat ng students dito sa school dahil hanggang 4 pm lang naman ang klase.

Nakatingin lang kaming apat sa isat isa at hindi ko mabasa kung ano ang iniisip nila.

Naputol lang ang pagtitinginan naming apat nang biglang pumasok ang next professor namin kaya umayos na kami ng upo.

I have a bad feeling about the letter pero hindi ko ito pinansin at pilit na nakikinig sa sinasabi ni maam.

Ilang minuto nang nagdidiscuss si maam pero wala talaga akong maintindihan.

Aghh. May masama talaga akong kutob sa letter ni Ms. Matte pero what if kailangan nya talaga ng tulong?

Napailing ako sa naisip kong iyon.

Bakit ko naman paghihinalaan si Ms. Matte? Imposible naman na gawin nya yon.

"Beshy, okay ka lang?" nagulat ako nang biglang bumulong si Trey na katabi ko.

Sunod sunod na tango ang sagot ko dito kaya kinunutan nya ko ng noo, magtatanong pa sana ito dahil bahagyang bumukas ang labi nya pero nagkibit balikat nalang sya.

I should trust them. They look relaxed and unbothered. Ako lang ata ang nagiisip ng masama.

Time flies so fast...

Malapit na matapos ang klase, its almost 4 at patapos na rin mag discuss si maam pero wala manlang akong naintindihan sa pinagsasabi nya.

Tinignan ko ulit yung letter na nasa ilalim ng notebook ko.

Hindi ko namalayang napatulala ako kaya nagulat ako nang masiko ako ng mahina ni Trey sa braso dahil nagaayos na ito ng gamit.

Nakaalis na pala si maam at naglalabasan na rin ang mga classmate ko. Ganun ako katagal nakatulala?

"Let's go, dun na natin intayin si Ms. Matte sa room na tinutukoy nya." sabi ni Aze at nagsimula na syang maglakad palabas ng room at sumunod na rin sakanya si Reese.

"Hera saan kayo pupunta?" tanong ni Reagan na kita ang pagtataka sa muka.

"Pinapapunta kami ni Ms. Matte sa 5th floor, may sasabihin daw sya. I dont know what it is. Mauna ka na sa dorm. Uuwi rin ako kaagad. You can use my car, sasabay nalang ako sakanila pauwi." nauna na akong lumabas ng room matapos kong ibigay ang susi.

Evil of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon