Chapter 7 Dinner

26 5 0
                                    

Hera's POV

Kanina pa ko pabalik balik na naglalakad sa ilalim ng puno, hindi ko alam gagawin ko saan ako pupunta or what.

Im at the school garden kasi umiiwas ako kay Reese dahil sa nangyari last night. Kung pwede lang na hindi ko sya makita ngayong araw eh kaso classmates kami.

"Hera umupo ka nga. Kanina pa ko nahihilo sayo." reklamo ni Reagan dahil nakwento ko sakanya ang nangyari kagabi.

What? Im so shocked. At hindi ako makatulog kakaisip kagabi. Hindi ko alam mararamdaman ko kung kikiligin ba o ano.

What? Kikiligin? Bakit? Huh! Asa sya.

"Let's go to the cafe. Im sure naman wala sya don. Tska Hera nagugutom na ko noh! Walang mangyayari kung magiiwasan lang kayong dalawa" napatingin ako kay Reagan dahil sa sinabi nya.

Right, i think kailangan namin magusap ni Reese. But how? Waah. Wag muna ngayon. Hindi ko nga sya kayang harapin.

Sumunod ako kay Reagan nung tumayo sya mula sa bench na malapit sa puno. Habang naglalakad kami papuntang cafe nakasalubong namin si Trey.

"Hi Ladies, where are you heading to?" nakangiting tanong nito samin.

Dirediretso lang akong naglakad at hindi ito pinansin.

"Ano nangyari dun?"

Narinig ko pang tanong nya kay Reagan pero walang sagot si Reagan dito at sumunod nalang sila sakin sa paglalakad.

Mabuti nalang at hindi na nya ko kinulit hanggang sa makarating kami ng cafe nakasunod lang silang dalawa sakin.

Im so tensed.

Dirediretso akong umupo sa dulong upuan kung saan walang masyadong tao.

Nakatingin lang ako sa labas nang makita ko si Reese kaya dali dali kong kinuha kung ano ang madampot ko sa lamesa tapos yumuko ako at tinakpan ang muka ko.

Ilang minuto rin akong nakaganon dahil iniisip kong baka paglingon ko nandon parin si Reese.

"What are you doing?" *he chuckled* natatawang tanong ni Wait? What?! Boses ni Reese?! Reese?!

Nanlaki ang mata ko at dahan dahan akong nagangat ng tingin sakanya at ngumiti ng pilit.

Sakto namang dumating sila Reagan at Trey dala ang order namin.

"Oh Reese bat ka andito? Teka Hera bat hawak mo yang promo paper?" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Reagan at binitawan ang hawak ko.

"Nagbabasa. Tsk. Excuse me." nagmamadaling sabi ko at tumayo sa upuan tapos tinulak ko ng bahagya si Reese para makadaan ako para pumunta sa comfort room.

Nang makarating ako ng cr ay napasandal lang ako sa pader at tinignan ang sarili ko sa salamin.

"Shit Hera, ano ba nangyayari sayo. Keep calm. Si Reese lang yan. Wooh, kaya mo yan." pagpapakalma ko sa sarili ko.

Mabagal akong lumabas ng cr at bumalik sa lamesa namin. I really took my time baka sakaling umalis na si Reese.

Napahinto ako sa paglalakad nang makita kong nakaupo na si Reese sa table namin at kausap nya na si Reagan at Trey.

Shit.

Napatingin sakin si Reagan at binigyan nya ko ng nakakalokong ngiti. Sinamaan ko sya ng tingin at binigyan ng 'I-will-kill-you-later look'.

Dumiretso na ko sa table kung nasan sila. Nanlaki ang mata ko nang nginitian ako ng malaki ni Reese at tinap ang katabing upuan nito, na parang sinasabing doon ako umupo.

Evil of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon