Dahan dahan kung sinara ang pinto nang aming apartment upang hindi makagawa nang ingay. Ayaw kong magising ang mga judemetal kong kaibigan dahil tiyak na katakot takot na sigawan na naman ang mangyayari.
Tahimik akong naglakad pababa nang hagdan at nang makalabas na ay kumaripas ako nang takbo papunta sa kaliwang eskinita at ilang sandali pa ay...napangiti ako nang makita ang gusali sa aking harapan na may malaking kulay dilaw na letrang M (^^)^_^.
" McDo, McDo here I come!🎶"
Kanta ko habang tumutalon talon papasok. Nagmumukha na akong timang dito pero wala akong pake.Sa edad na 20 ay mas matured pa daw sa akin ang mga kabataan na 15 na nagiging batang ina sabi ni Dazhi.
Napangiwi ako sa naisip ano naman ngayon kung mas matured pa sila."Malamang magiging matured sila! Ikaw ba naman maging batang ina! Tssk" nabubwisit na bulong ko at nakaturo pa sa aking sarili.
" Who the hell are you talking to?"
"Ay Kabayo! Butiki! Baboy Ramo! Kambing!" Napatalon ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa gilid ko.
Halos magkadikit ang labi namin nang lingunin ko ito dahil naka yuko siya sa akin."Ano ba! Bat kaba nang gugulat! Baliw ka ba huh?!" Nanggalaiting sigaw ko sa kanya.
" Ohhh I thought you will say, Cow, Carabao, Pig and so on" nakangiting sambit niya halatang nang aasar.
" Baliw!" Asik ko sa kanya at nagmartsa na papasok.
" Says the woman who's talking to herself in front of the glass" sigaw niya sa akin pabalik.
Nilingon ko siya at inirapan bago nag tuloy tuloy na pumasok.
Nagpumanta ako dito para magpalamig nang ulo dahil na e stress ako sa napaka terror naming professor kanina na akala mo mahaba pa ang buhay eh ang totoo wati nalay wala ka pirma tssk!
Kinalimutan ko muna ang negativity at naka ngiting pumunta sa harapan para mag order.
"Hi ate Gazel" bati ko sa teller.
Hehehe close na kami dahil halos araw araw akong pumunta dito at sa kanya ako lagi umoorder.
"Oyy Jho, hello ikaw lang? Asan sina Dazhi, Hashi, at Sha? Tanong ni ate kaya napa hagikhik ako.
"Hehehe tumakas po ako sa apartment ate tulog na sila"
natatawang sambit ko." Sabi ko na nga ba ehh, naku pag ikaw nahuli nang mga yun tiyak na pagagalitan ka na naman nang mga yun lalo na si Dazhi" nakangiting pananakot ni ate.
" Ate naman eh! Wag ka nang manakot dyan hindi naman nila malalaman pag walang magsasabi diba?" nakangiting pangungumbinsi ko sa kanya.
" Ahh hahahaha bakit kailan ba kita sinumbong? Nahuhuli ka pero never kitang sinumbong" nakangiti ring sabi niya.
" Oh siya umorder kana mahaba na ang pila dahil sa chikahan natin baka lapain ako ni boss mamaya nito hahahaha" nagbibirong aniya.
Medyo malaswa ang pagkakasabi niya nang lapain kaya tiyak na iba ang kahulugan niyon. Siya pa tssk! Sa ganda niya. Hahahaha.
"Oo nga po ehh hehehehe same as usual parin po ate tatlong fries na family size at isang Mc float" sabi ko.
Lumipas ang ilang minuto at ibinigay na ni ate sa akin kaya ako nag ang nagbuhat nang tray ko.
Naghahanap ako nang table na wala masyadong tao.Though kakaunti nalang naman talaga ang tao dahil pass midnight na pero mas gusto ko yung tago para hindi ako makita nang mga daig pa ang detective na mga kaibigan.
"Ayun! Walang tao sa favorite spot ko"
Dali dali akong naglakad dun at ipinatong sa mesa ang aking tray.Uupo na sana ako nang may makita akong itim na leather wallet.
"Kanino naman kaya to? Ang tanga naman nang may ari nito" sabi ko sabay lakad pa puntang counter para ma pa pajing. Pajing? Tama ba iyon? Ewan! Announce na nga Lang!
Nasa kalagitnaan ako nang paglalakad nang may biglang humablot sa braso ko.
"Hey where are you taking my wallet! Are you a theft huh?!" Sigaw nito sa akin.
Nababadtrip ko siyang binalingan.
"Mukha ba akong magnanakaw huh! Wag ka ngang tanga! Hindi ko nanakawin yang wallet mo hoy! Ibibigay ko lang sa counter para ma announce baliw!" Naasar na sabi ko at binato sa mukha niya ang wallet niya." Pesti na yan! Ako na nagmamagandang loob napagkamalan pang magnanakaw bwisit! Eh siya yung tatanga tanga at iniwan yung wallet niya. Akala mo naman ehh napaka raming laman ehh ang gaan gaan non! Papel lang ata laman non bwisit!" nang gagalaiting kausap ko sa sarili.
" You are really fan of talking to yourself no?" tanong nang animal.
Nilingon ko siya at sinamaan nang tingin.
" Pake mo ba! At least hindi ako basta basta nang huhusga at wala akong inaapakan na ibang tao!" pagalit na sabi ko at umupo na sa table.
Makakain na nga lang bwisit. Lagi talagang pinapainit nang lalaking to ang ulo ko magkano kaya ang binayad sa kanya ni Satanas para asarin ako bwisit!
"Hey, hindi ako nang aapak nang ibang tao ahh" oa na sambit niya.
" Ohh talaga ano namang tawag nang ginawa mo sa akin kanina?"nakataas ang kilay na tanong ko.
" Bakit tao kaba? Alien ka naman diba?" natatawa pang sabi niya.
Napatayo ako sa galit at dinuro siya sa sobrang gigil.
"Ikaw! Magkano ba ang binayad sayo ni satanas para asarin ako huh! Gago ka ahh! Nagpunta ako dito para magpalamig pero lalo mong pinapainit ang ulo ko!" naasar na sigaw ko sa kanya.
" Hahaha nagpapalamig ka pala! Bat dika pumunta nang bagyo?" Tumatawang pang aasar niya.
Gago! Bwisit! Piste! Nakakainis ang animal nato!
" Ehh ikaw bakit hindi ka bumalik sa pinanggalingan mo? Tinatawag kana ni satanas sa impyerno!" Nabubwisit na sigaw ko.
" Ohh really ako? Baka ikaw tinatawag kana nang mga kampon mo nang dilim. Sila siguro ang lagi mong kausap no?" Natatakot kunyaring pang aasar niya.
" Alam mo ikaw pa epal ka! Umalis ka na ngalang sa table ko at nang makakain na ako!" Nauubusan nang dugong sambit ko.
Umakyat ata lahat nang dugo ko sa ulo dahil sa taong to. Kung aatakihin ako nang high blood kasalanan niya!
"Bat ako aalis eh table ko rin to" paepal na sabi nang animal.
"Ano-"
"Sir here's your order"
Hindi ko natapos ang litanya dahil may waiter na na dumating.
"Thank you just put it on the table, thank you again miss"
Malanding sabi nang animal.
"Your welcome sir" maarteng sabi ni ate girl.
Napataas ang kilay ko at umikot ang mata ko nang 360°.
"Napaka landi!"
Asik ko."What?"
Nakataas ang kilay na sabi ni epal?" Ano?" Mataray na tanong ko.
"Did you say something?"
Tanong niya."Wala!" Galit na sabi ko.
Ngumiti siya nang nakakaasar at nilapit ang mukha sa mukha ko kaya napa atras ako.
" Are you jealous miss fries?"
A/N: Thank you so much for reading labyuuu 💜😊❣️
Please don't forget to vote and leave a comment 😉❣️
Nagmamahal,
Fhynex🔥
BINABASA MO ANG
Pinag McDo pero hindi ITINADHANA
RandomSi Jholai ang taong sobrang matakaw sa fries, kahit isang kilo nang fries kaya niyang umubos sa isang oras, kaya ang lagi niyang tambayan araw araw ay McDo. Kaya sa hindi inaasang pangyayari makakatagpo niya ang kanyang lalaking iibigin sa lug...