CHAPTER 5

1 1 0
                                    

A/N: Zup Guys😊💕
        SORRY KUNG AMBAGAL KO MAG        UPDATE MARAMI LANG TALAGA AKONG DAPAT ASIKASUHIN AT ESTUDYANTE PA PO SI MADAM MARAMING MODULES NA GAGAWIN😂🤦🏻‍♀️ MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG NAG VOTE AT COMENT😊 LABYU GUYS ENJOY READING 💕

Pagkatapos nang hukom sa baba kanina ay umakyat na agad ako sa kwarto dahil gustong gusto ko nang mahiga! Tinatawag na ako nang kama  ko.

" Haysst buti nalang talaga buhay pa ako Lord hindi pa ako kinain ng aswang na yun dahil kapag nagkataon na nakain ako dun mumultuhin ko talaga yong lalaking yun kanina! Kasalanan niya talaga lahat ng yun ehh! "  Litanya ko mag isa.

Pero hindi ko maiwasang mag taka kung saan kaya galing ang mga kasama ko dito. Si Dazhi may dalang tray. Saan kaya talaga galing yun? Sabi ni Sha sa jollibe daw ang may ganoong tray. Si Sha naman  sobrang defensive kung tatanungin tungkol sa denim jacket na suot niya. Ehh sa totoo naman na hindi yun kanya! Tssk yun talagang isang yun! Hindi pa ako tinulungan kanina ehh sa nakita niya naman pala ako!

Huhuhu nakakatampo ka Sha! Paano kung nakain ako nang aswang don! Grrrrr! Nakakakilabot talaga ang mukha niya!

At speaking of mukha si Hashi naman mukhang timang! Sino bang matino ang nag rarayban at may scarf pa sa madaling araw?! Isali mo pa yung damit  niyang para  siyang naka duster na ewan!

Ewan ko sa mga kasama ko dito ang  we-wierd nila! Buti pa ako hindi hehehehe.. ahh basta! Itutulog ko nalang tong isang barkong tanong sa isip ko bukas na naman ako mag isip dahil baka mawalan ako bigla nang isip!

Nanginginig na nagtalokbong ako nang kumot sa naisip. Nakakatakot yun dahil ibig sabihin non kinain na ako nang zombie!

" Jhooooo gisiiiing ano baaaa hindi mo ba ipa process yung mga kailangan mo para sa school huh?! Anong oras na nakahilata ka parin diyan! Umuulan na nang pera't lahat-lahat ikaw nandyan parin! "

Malakas na sigaw ni Dazhi.

" Ano ba naman yan Dazhi ehh tatlumpong minuto nga lang tinulog ko!" Reklamo ko sa kanya at hindi minulat ang mata. Nagtalukbong ulit ako nang  kumot at tinakpan ang tenga. Ang aga-aga ang lakas nang bunganga niya mamaya mag rereklamo na naman yang kapitbahay namin na gusto ata gawing quite place itong lugar namin!

" Hah! Nag rereklamo kapa huh! Ehh kung iiwan ka namin dito? Bahala kang mag process niyang requirements mo mag isa! "

Malakas na sigaw niya sa akin. Ang maldita talaga nang isang to! Parang laging pinag lihi sa sama ng loob.

" Oo nga ito na ohh babangon na ehh"

Napipilitan akong bumangon kahit naka pikit pa! Naman huhuhu gusto ko pang matulog ehh! Hindi ba niya alam na ang motto ko ay tulog is life huh!

Lulogo lugo akong pumunta sa banyo para maka ligo na't manahimik na ang amasona don sa labas.

Eternity Later.....

* KNOCK * KNOCK   * BOGSH!

" Ano ba Jholai! Kailan mo ba balak  matapos dyan! Natutulog ka na naman diyan ano?! Bilisan mo diyan   kung ayaw mong tadyakan ko itong pinto at pasukin kita diyan para ako na ang magpaligo sayo!"

Mabilis kung minulat ang mata ko at dali daling naligo.

" Eto na ohh, tumatae pa yung tao ehh wala ka namang respito sa tae ko ehh! Umurong tuloy huhuhu" paninisi ko sa kanya.

" Ewan ko sayo! Nauubusan na ako nang dugo sayo! Umayos ka diyan at nang makapag process na tayo nang papers sobrang late na natin!"

Nanggalaiting sigaw niya. Halaaaaa galit na talaga si Dazhi nakoooo po Lord baka lamunin niya ako wag naman po sana.

" Hindi naman siguro kasali sa carnival si Dazhi diba?"

" Hoy! Masasali talaga ako sa carnival kung hindi mo bibilisan diyan! Isa!"

Hala narinig niya pa yun? Ehh sa isip ko lang dapat yun eh!
Nagbibilang na siya kaya naman nagmamadali na talaga ako.

" Finish na ako!"

Nakangiti kong bungad sa kanya pag bukas ko nang pinto pero na bura ang ngiti ko nang hindi lang pala siya ang nasa kwarto  kung hindi silang tatlo. Binigyan nila ako nang nakakamatay nang tingin kaya dahan dahan akong napa atras.

" Hi guys hehehe ahmm ano aalis na ba tayo?" Tanong ko na may alanganing ngiti.

" Ano sa tingin mo?" Sarakastikong tanong ni Sha.

" Ano ba talaga ang ginawa mo diyan sa banyo at ang tagal  mong matapos tapos huh?!" Sigaw ni Hashi palapit sa mukha ko.

" Ano nga ba ang ginagawa sa banyo?" Inosinteng tanong ko sa kanya, wag niya sabihing hindi niya alam kung ano ang gagawin sa banyo?

" Ahuh! At namimilosopo  ka pa talaga!" Pagalit na sabi niya kaya napa atras na naman ako.

" Hala.. hindi naman eh" naka yukong sabi ko at ngumuso.

" Tigilan mo na yang pagpapa cute mo diyan at tayo na!"

Kunwaring  na gagalit na sabi niya pero alam kong hindi niya ako matitiis eh hahaha cute ko kaya!

May sasakyan si Hashi kaya yun nalang ang ginamit namin papuntang school malapit lang rin naman kaya oks lang pwede nga lang lakarin ehh pero masyado silang nagmamadali kaya ginamit nalang namin yun.

MSU-IIT yun ang malaki na nakalagay sa gate. Dito ako nag aaral nang college kaya sana naman ngsyong  mabait ang mga teachers ko huhuhu.

Pumunta na agad  kami sa registrar office at sinubmit ang papers namin don dahil tapos naman na talaga kaming mag fill up non kailangan lang naming isubmit para sa second semester.

Habang naglalakad ay busy ka kalinga linga si Hashi kaya nagtaka kami.

" Ano ba Hashi! Dinaig mo pa ang giraffe diyan sa ginawa mo ah! Sino bang hinahanap mo huh! " Asik sa kanya ni Dazhi.

Yun nga rin ang gusto kong tanungin eh kung sino ang hinahanap niya.

" Ano ba! Will you shut up nalang Dazhi naghahanap ako nang macho at gwapo dito okay?" Maarteng sabi niya.

" Hoy ano ba! Nandito tayo para mag aral huh! Hindi para mag hanap nang pweding gawing boylet! Wala tayo sa club Hashi kaya tigilan mo na yan" pangangaral sa kanya ni Sha.

Lumapit ako sa kay Hashi at bumulong.

" Wag kang mag alala dahil tutulungan kita mamaya hehehe, secret lang natin yan ahh"

Nakangiti kong bulong.

" Hoy ano yan huh? Ang haharot niyo huh!" Reklamo naman ni Sha at tinulak ako palayo kay Hashi kaya na bunggo ko tuloy yung tao sa likuran ko.

" Hala sorry!"
Sabi ko at mabilis na pinulot ang mga bond paper na nagkalat sa sahig dahil nahulog niya ito dahil sa malakas kung pagka bangga ko sa kanya.

" It's okay "

Dali dali akong napatingin sa nagsasalita nang parang pamilyar sa akin ang tinig niya.

Umawang ang labi ko habang nanlalaki ang mga matang napatitig sa taong nasa harapan ko.

" Ikaw?!"




A/N: Thank you so much for reading labyuuu 💜😊❣️

Please don't forget to vote and leave a comment 😉❣️

                                       Nagmamahal,
                                                Fhynex

Pinag McDo pero hindi ITINADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon