"Ahhhhhhhhhh"
"Ahhhhhhhhhh"
Napatalon ako sa gulat nang ang malingunan ko ay ang mukha nang aswang. Nalulusaw na ang maskara niya dahil sa pawis at nagkalat ito sa mukha niya. At namumuo ang mga mukhang isla na mamuti muti. Hindi na siya mukhang espasol nagmukha na siyang multo!
"Ahhhhhhhhh Dazhiiiiiiii, Hashiiiiiiii, Shaaaaaaaaaaa tuloooooong may aswaaaaaaang huhuhuhu Lord tuloooooong! "
Halos maubos ang oxygen ko kakasigaw nang tulong nanginginig ang buong katawan ko nang mas lalo itong lumapit sa akin.
Napa atras ako at yumakap sa animal nang sobrang higpit itinago ko ang mukha sa likuran niya.
"Tumakbo na tayo please, paano niya ba tayo na sundan huhuhuhu lumipad ba siya?" Nanginginig na tanong ko sa kanya.
" Shhh wag kang maingay baka sakmalin ka niyan bigla" nananakot na sabi niya kaya mas lalo kong siniksik ang aking mukha sa kanyang likuran.
" Who's that bitch Jam? And why is she hugging you? That bitch call me a witch! I'll gonna kill her!" Malakas na sigaw nang aswang.
Dahan dahan ko siyang sinilip at napa talon ako nang nakakamatay na tingin ang ibinigay niya sa akin.
Namumula ang mukha niya na napapalibutan nang itim dahil sa mascara at sobrang puti nang mukha niya.
Nalukot ko ang damit ni Jam nang bigla itong naglakad papunta sa akin.
" Stop it Abner! Your scaring her!" Malakas na sigaw ni animal. Magkakilala nga sila- pero ano daw Abner? Lalaki ba siya?
" I told you don't call me Abner, Jam! That's gross I am Bern!"
Malanding sigaw nang aswang. Anlantod nang aswang nato sarap ipalapa sa Leon.
" I don't care Abner! Ano na naman bang kailangan mo at sinusundan mo na naman ako?!" Galit na sigaw ni animal.
" Ohh my dear don't act like you don't know. By the way your grandpa says hi to you" malanding sabi nito na may nakakalokong ngiti.
Naramdaman kong nanigas si Jam at hindi na huminga. Hala! Baka na aswang na siya!
"Hoy! Ano ba! Huminga ka please wag mo akong iwan dito huhuhu"
Yugyog ko sa kanya.
" Stay away from him bitch!" Sigaw nang aswang at umastang susugod sa akin.
"Open the flashlight of your phone" mahina niyang bulong sa akin.
Dahan dahan ko namang hinugot ang cellphone ko at inopen ang flashlight.
Bago pa man makalapit ang aswang sa amin ay nahatak na niya ako patakbo.
Bago pa lang ako dito at hindi ko pa masyadong alam ang daan kaya hindi ko alam kung nasaang street na ako.
Sobrang layo na nang tinakbo namin at ilang liko narin ang aming ginawa.
Sumsakit na ang paa ko pati narin ang appendix ko. Sapo sapo ko ang tiyan habang tumatakbo at humihina ang takbo ko kada segundo.Huminto siya at tumingin sa likuran namin.
Nabigla ako nang bigla siyang umupo sa harapan ko."Anong ginagawa mo?" naguguluhang sambit ko.
"Sakay" tipid na sagot niya.
" A-ano?" Nauutal sa pagkalitong sambit ko.
"Sakay na bilis! Gusto mo bang maabutan tayo non huh! Bilisan mo na! Eh piggy back kita!" Hinihingal na sabi niya.
BINABASA MO ANG
Pinag McDo pero hindi ITINADHANA
De TodoSi Jholai ang taong sobrang matakaw sa fries, kahit isang kilo nang fries kaya niyang umubos sa isang oras, kaya ang lagi niyang tambayan araw araw ay McDo. Kaya sa hindi inaasang pangyayari makakatagpo niya ang kanyang lalaking iibigin sa lug...