CHAPTER 4

8 5 0
                                    

  " SAAN KA GALING?"

Napatalon ako sa gulat nang may biglang sumigaw sa likuran ko hindi ko masiyadong maaninag ang mukha dahil madilim pero nasisiguro kung na kina Dazhi at Sha ito dahil parehong pinaglihi sa pwet nang manok ang dalawang yun mabunganga.

" Sino ka? Dazhi ikaw ba yan?"

Natatakot na tanong ko habang umaatras papasok nang apartment.

" OO AKO NGA! SAAN KA GALING?!"

Bigla niyang isinugod ang mukha niya  palapit sa akin at saka tinapat ang dalang flashlight sa mukha ko.

" Ano ba! Dazhiiiiiiii! Nasisilaw ako! "
Sigaw ko sa kanya napapikit ako sa sobrang liwanag.

Ibinaba niya ito at nakapameywang   na tiningnan ako. Umaandar na naman ang pagiging detective mode niya.

" So saan ka galing bakit ngayon kalang naka uwi alam mo ba kung anong oras na? Mag aalas 3 na  nang madaling araw!"

Natameme ako sa tanong niya hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
Sasabihin ko ba na muntikan na akong mapatay nang aswang? Hindi ko talaga alam dahil tiyak na hindi na naman matatapos ang mga litanya niya sa akin alam ko na yun no! Pero wait lang kapapasok palang niya sa gate ahh so... Umalis din ba ang isang to?

" Eh ikaw saan ka galing at saka ano yang dala mo...  tray ba yan? Saan mo napulot yan?"

Naitanong ko nalang dahil iyon ang pinaka safe na sagot sa tanong niya... tanong rin hehehehe....WAIS TO MEN!

Parang namula ata siya bigla diko sure dahil madilim pero nakita ko siyang bahagyang napakagat labi at umiwas nang tingin.

Hmmmm I smell something fishy din ehhh  pag ganitong actingan ni madam Dazhiiiiiiii may tinatago to ehh!

" A-ahhmm a-hhhh wala to! Nakita ko lang ay este napulot ko lang! Oo! Napulot ko lang"
Nauutal na paliwanag niya pero parang kinukubinsi lang niya ang sarili sa sagot.

Alam kong hindi totoo iyon pero hinayaan ko nalang dahil alam ko namang magsasabi din siya pag ready na siya panigurado iyon.

" Ahhhh ganun ba? So saan ka galing? Heheheh naghahanap nang mga tray?"
Balik na tanong ko sa kanya pero mas lalo siyang umiwas nang tingin at tumingin bigla sa labas.

" Hala! Malapit nang mag umaga hindi pa tayo natutulog matulog na muna tayo bukas nalang ulit tayo mag usap may lakad pa naman tayo sa hapon"

Sabi niya at bigla akong tinalikuran para umakyat nang hagdan.

Isasara ko na sana ang pinto nang may biglang tumulak nito..

"Aray! Ansakit sino ba yan!"
Napahawak ako sa hintuturo kong naipit. Ang busit naman ansakit ahh kawawa yung cute kong hintuturo hmmp!

" Hala sorry Jho hindi ko alam na andyan ka pala nagmamadali kasi ako. Bakit hindi ka pa natutulog galing kaba sa labas?"

Maliit ang boses na sambit ni Sha saan din kaya galing ang isang to bat parang pawis na pawis siya may sinalihan ba siyang marathon na hindi ko alam?

Humahangos pa siya matapos akong tadtarin nang tanong parang machine gun din ang bibig nang isang to ehh no?

" Ahh oo ehh" napapaiwas na sagot ko " ikaw ba saan ka galing  bat parang may humahabol sayo?" balik tanong ko rin sa kanya dahil mabuti nang maunahan ko siya. "Ok ka lang gusto mo nang tubig?"

Alok ko sa kanya nang makitang hindi na siya halos makahinga sa sobrang hingal.

" Sige2x salamat kailangan ko nga iyon may humabol kasi sa aking tao... I mean aso! ASO pala! Hehehe"
Weird na tawa niya iniwan ko nalang siya don at pumunta muna saglit sa kusina para kumuha nang tubig.

Pagbalik ko nakaupo na silang pareho ni Dazhi sa sofa sa may mini living room namin.

" Ohh akala ko ba natutulog kana?"

Tanong ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin busy siya kakatingin sa Denim jacket ni Sha.

" Kanino nga yang Jacket mo?! Bakit hindi mo masagot iyon! Atsaka anong nangyari diyan sa leeg mo chikinini ba yan?!"

Nawala ang antok na naramdaman ko kanina at parang naging full charge ang pakiramdam dahil sa sigaw ni Dazhi.

" Sa akin nga to! At saka nakagat lang ako nang lamok kaya mapula yang leeg ko!"

Hmm I smell something fishy again.
Anlaki naman nang lamok na yun ahh  atsaka tssk ang klaro nang ngipin huhulaan ko nakatayo yun dalawa ang paa at may dalapamput walong ngipin!

" Talaga-"

"May meeting ba? Ano to? Assembly?!"

Maarteng tanong nang bagong dating na si Hashi kaya hindi na tuloy ang litanya ni Dazhi para kay Sha.

Ang swerte ni Sha na save by the bell siya huhuhu sana all.

" Saan ka galing at bakit ganyan ang get up mo mukha kang shunga?!"
Asik ni Sha kay Hashi.

Maarte siyang umupo sa harapan ko at hinubad ang malaking Rayban at LV scarf na naka pulupot sa leeg atsaka ulo.

" Long Sleeves, Caps, scarf ang raybans in the middle of the night Hashi? Are you out of your mind?! Ang baduy mo nagmumukha kang-"

" Ninja! I know it!"
Putol ni Hashi sa parang nandidiring asik ni Dazhi.

"Huh! Kailan pa nag rayban si Ninja Hashiii hindi ko alam pasahan mo nga ako nang video niyan!"

Kuryosong tanong ni Sha umandar na naman ang pagiging shunga.

" Oo bukas papasahan kita wag muna ngayon matutulog na muna tayo dahil may mahalaga pa tayong gagawin bukas! Remember our school registration kimeni and etchetera guys"

Kumekembot pa siya paakyat nang hagdan halata din masyado ang isang to na may iniiwasn ehh kunwari pa heh!

Pero totoo naman talaga may registration kami for MSU-IIT tommorow at examination na din namin next week. Sobrang dami na naming kailangang asikasuhin pero may oras pa talaga kami para gumala  haystt!

" So ano magtitigan nalang ba talaga tayong tatlo dito? Yung huling dumating natutulog na bat ako nasa intoragating stage pa din! Ang unfair ahh"

Nakangusong reklamo nang ipinaglihi sa reklamong si Sha.

" Kung sinagot mo ang tanong ko edi sana tapos na to! Kanino nga iyang Jacket mo?!"

Malditang sabi ni Dazhi.

" Ehh ikaw saan mo nakuha yang tray mo! Hindi ako na niniwalang napulot mo lang yan sa kalye alam kung sa Jollibee galing yan wag kang tumanggi!"
Asik din pabalik ni Sha.

Hayy nako! Pag ang dalawang to talaga mag bangayan walang magpapatalo buti nalang ako safe hehehe hindi nakain nang aswang.

" Ehh ikaw Jho asan ka galing? Ikaw ba iyong nakita ko kanina na tumatakbong may kasamang lalaki?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Sha ohh Lord akala ko ba safe na ako! At paano niya kami nakita? Kung nakita niya pala ako bat hindi niya ako tinulungan?! Ang duga talaga nang isang to minsan ehh!

" Huh ano? Hindi ahh hindi ako yun! Baka kamukha ko lang yung nakita mo o di kayay doople ganger ko!"

Paliwanag ko sa kanya.
Sana naman tumalab Lord sana.





A/N: Thank you so much for reading labyuuu 💜😊❣️

Please don't forget to vote and leave a comment 😉❣️

                                       Nagmamahal,
                                                Fhynex

Pinag McDo pero hindi ITINADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon