" Ano ba bitawan mo ko sabi eh! Ano bang pinagsasabi mo diyan?! Hindi kita kilala kaya pwede ba! "Handa na akong tadyakan ang pagmunukha niya nang bigla niya akong hatakin paupo sa kandungan niya.
Nanlaki ang mata ko sa pagka bigla para akong pinalipad sa ulap at nag bounce sa galaxy.
" Don't use that words to me hmm"
Mas lalong nagkalapit ang mukha namin nang ibulong niya iyon sa akin.Bwisit! Piste! Animal talaga ang isang to! Pagkatapos niya akong ipahiya don kanina ngayon lalandi landiin niya ako! Ang sarap niyang ilibing nang buhay!
" Pwede ba bitawan mo yung kamay ko! Natatapon na yung fries ko!"
Sigaw ko sa mukha niya. Bwisit na animal to! Mas mahal ko pa yung fries ko kaysa sa kanya! Letche!Binitawan niya yung kamay ko at inilipat sa baywang ko yung kamay niya. Mas hinapit niya pa ako palapit sa kanya nang akma akong tatayo.
Huhuhu ano ba! Nakakahiya tong position namin! Baka may makakilala pa sa akin dito at sasabihin nilang nakikipag landian ako sa McDo mapapatay ko talaga ang bwisit nato pagnagkataon.
" Ano ba! Wala ka bang balak na bitawan ako huh! Pinagtitinginan na tayo dito! Bwisit ka! Pag iyan may nakakilala sa akin diyan sasakalin talaga kita! "
Nanggigil na bulong ko sa kanya.
" Nope I don't have any plans though, alam ko namang comportable ka diyan" nakangising sabi niya.
Parang nagtaasan ang balahibo ko sa sinabi niya. Ang kapal! Ang kapal kapal ng apog niya bwisit!
" Huh! At sinong may sabi sayo na komportable ako dito?! Ang kapal nang apog mo! Bitaw! Hindi kita kilala kaya pwede ba!" Asik ko sa kanya at sinipa ang paa niya.
" Stop kicking me! Wag kang gumalaw nasasagi mo ang labanos ko" nakapikit na reklamo niya.
" Ano?! Anong sinasagi? "
May sayad talaga ang isang to ang kapal nang mukha niyang pagbintangan ako! Pagkatapos niyang magpanggap na may amnesia at ipahiya ako don! Ngayon naman ay aakusahan niya ako na sinasagi ang labanos niya?! At anong labanos? Bakit siya nagdadala nang gulay?
" I told you to stop it! Binubuhay mo ang natutulog kong anakunda! " Pasigaw na bulong niya.
Baliw ba talaga siya?! Nagdedeliryo na ba siya? Kanina sinasabi niya na nag dadala siya nang gulay ngayon naman ahas! Ang lakas talaga nang tupak ng isang to!
Parang malalaglag na ako kaya umusog nalang ako palapit sa kanya nag bigla ako....
" HALA!"
"SHIT!"
"Hala! Ano yun?!"
Napatayo kami pareho dahil sa gulat.Gulat na gulat ako dahil parang may matigas akong bagay na naupuan at siya naman ay parang napapasong napabitaw sa akin.
" Shit! Shit! Shit!"
Mura lang siya nang mura at may binubulong pa siya pero hindi ko na na intindihan dahil abala ang utak ko kakaisip kong ano yung naupuan ko kanina." Ano ba yun? Bat ang tigas? Yun ba yung na sinasabi mo? Bat ka ba nag dadala nang gulay huh?!" Pagalit na tanong ko sa kanya.
Ewan ko talaga kung anong trip nang isang to at nagdadala pa nang gulay!"What?! "
Napapantisikuhang tanong niya. Para siyang nagugulat na natatawa na ewan! Basta! Mukha siyang tae period!" Anong what?! Anong what?! Ano ka mo yun! Yun ba yung labanos? Bakit ka nagdadala nang gulay? Tinitinda mo ba yan? " Curious na tanong ko sa kanya.
Dahil para saan naman yun diba? Wag niya sabihing magluluto siya! Hindi naman ata ka panipaniwala don dahil sa McDo siya pumunta!
Mas lalong nanlaki ang mata niya bago humugalpak nang tawa.
" Hahahahahahah.. hahahaha... Seriously?!" Tanong niya at binigyan niya ako nang tingin na para bang ang bobo bobo ko sa sinabi kung iyon!
Eh kung tirisin kita diyan! Bwisit ka!
" Ewan ko sayo! Diyan ka na nga! Wag mo na akong kakausapin kahit kailan! Hindi kita kilala! "
Asik ko at aastang aalis na nang bigla niyang harangan ang dadaanan ko at itinulak ako paupo." Stay there ok?"
Natatawa pa rin na sabi niya.Sinamaan ko siya nang tingin nang bigla niyang ipitin ang paa ko sa mga paa niya. Naka lock na ang paa ko kaya hindi na naman ako makakalakad!
" Ano bang trip mo? Hindi nga Kita kilala! Bakit ba ang kulit mo! Ano bang gusto mo huh?! "
Ginagalit niya talaga ako! Nakakabwisit yang pagmumukha niya.
" Stop telling me that! Ok I'm sorry I was wrong earlier I denied you in front of many people. Kaya nga ako nandito diba? I'm here to apologize for what I said earlier. I'm sorry ok? Just stay"
Malumanay na sabi niya at mahihimigan mo talaga ang sensiridad at pagsisisi sa tinig niya.Ok lang naman sa akin na ideny niya ako sa harap nang maraming tao kahit million pa yun! Pero yung sa harap talaga nang kaibigan ko! Tssk! Ayan tuloy akala nila nag jo-joke lang ako o di kayay nag fe feeling!
" Bakit? Tama ka naman don hindi naman talaga kita kilala! Hindi porket nakausap na kita o di kayay nakasama tumakbo ay kilala na agad kita kaya ayos lang"
Napapaiwas ako nang tingin matapos sabihin yun. Bakit ba ngayon ko lang yan naisip hindi pa kanina?! Hayst! Bobo mo din Jho!
"Hey! Don't be mad please.. I'm just really shock back then kaya sorry na nandito na din naman na ako ehh wag ka nang magalit. I left may work just to go here"
Ano daw? Sinisisi ba ako nang bwisit na to? Bakit parang kasalanan ko pa ata na pumunta siya dito eh hindi ko naman siya inutusan!
" Nanunumbat ka ba? Sa pagkakaalam ko hindi naman kita pinilit na pumunta dito dahil nagkusa ka kaya wag kang manumbat!" Napipiste na talagang sigaw ko.
" No of course not! Hindi ako na nunumbat okay? I'm just saying I'm here because I'm gonna treat you a fries. Diba sabi mo na may utang ako sayo na fries? Ililibre na kita non ngayon" nakangiting sabi niya.
Ngayon ginagamit na niya ang kahinaan ko! Alam niyang hindi ako makaka hindi basta fries ang usapan kaya yun talaga ang idinahilan niya!
Pero hindi! Hinding hindi na ako mag papauto sa kanya bahala siya sa buhay niya! May pera pa naman akong pambili kaya bahala siya diyan!
" Huwag na kalimutan mo nalang yun! Magkalimutan nalang tayo, kalimutan mo nalang na minsan mo akong bwinisit at kakalimutan ko rin na may isang taong nambwisit sa akin dito? Okay ba yun huh?!"
Total siya naman ang nauna diyan sa amnesia2x epic niya kaya mas mabuti pang tutuhanin nalang yun!
Seryoso ko siyang tiningnan at seryoso lang din siyang nakatitig sa mukha ko. Nag iisip nang malalim.
" And you think I will agree to that one?" Seryoso nang tanong niya.
" Bakit naman hindi? Wala ka namang mahihita sa akin kung patuloy kang makipag usap at mas lalong wala akong mahihita sayo! Sakit lang nang ulo ang idinulot mo sa buhay ko!"
Sumbat ko sa kanya at bahagya naman siyang nagulat at napa kurap kurap pa!
" Is that so?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
" Oo-"
" Ohh you two here again at mukhang seryoso ang pinag uusapan niyo huh? Do you mind if I join?"
Jusko!
A/N: Thank you so much for reading labyuuu 💜😊❣️
Please don't forget to vote and leave a comment 😉❣️
Nagmamahal,
Fhynex
BINABASA MO ANG
Pinag McDo pero hindi ITINADHANA
RandomSi Jholai ang taong sobrang matakaw sa fries, kahit isang kilo nang fries kaya niyang umubos sa isang oras, kaya ang lagi niyang tambayan araw araw ay McDo. Kaya sa hindi inaasang pangyayari makakatagpo niya ang kanyang lalaking iibigin sa lug...