"Yes miss? May problema ba?"
Naguguluhang sambit niya pero ako yata ang mas naguluhan sa inaasta niya. Ano kaya ang nakain nito at biglang nagka amnesia?" Huh? Ano.... hindi niyo ba ako nakikilala ako to.. " napapakamot sa ulo na sambit ko.
Wag mo sabihing hindi niya ako naalala ehh inasar asar niya ako kagabi tapos ngayon kung maka react hah! Nakaktampo siya!
" Excuse me but I don't really know you"
Sabi niya at nagmamadaling pinulot ang iba pang bond paper pagkatapos ay mabilis siyang naglakad palayo." Hoy! Wait lang! Ano ba!" Habol ko sa kanya pero lumiko na siya sa white hall kaya hindi ko na naabutan.
" Hoy! Gaga ka! Ano ba sa tingin mo yang ginagawa mo huh?!"
Pagalit akong kinaladkad ni Dazhi palayo sa faculty area. Parang nababali ang braso ko sa sobrang higpit nang pagkaka hablot niya sa akin kanina.
" Jusme! Jho alam kong hot yung bagong teacher na yun pero wag ka namang masyado magpahalata napaghahalataan ka masyado eh"
Umiikot ang matang sambit ni Sha.
Napakunot noo ko siyang tinitigan." Tama! Alam mo ghurl minsan dapat alam din natin kung paano magpa kipot okay? Dapat tularan mo ako"
Confident na sabi ni Hashi kaya mas lalo akong naguluhan. Ano bang pinagsasabi nang mga punggok nato?!
" Teka nga lang! Teka lang huh! Pwede
ba Dazhi bitiwan mo nga muna ako! Nalalamog na yung braso ko eh!"Bwisit na isang to sarap din sapakin eh! Kung kaya ko naman diba? Hehehe
" Ano bang pinagsasabi niyo eh kilala ko naman talaga yun! Iyong taong yun kanina kilala ko nga yun!"
Malakas na sigaw ko sa kanila dahil kitang kita sa mukha nila na hindi talaga sila naniniwala sa sinabi ko.
Bakit ba ayaw nilang maniwala huh?! Masyado bang impossible na kilala ko ang bwisit na animal na yun? Eh may utang pa nga sa akin yun na fries eh!
" Talaga? Kilala mo? Hmmm?"
Parang nanunudyo na tanong ni Sha, tumango naman ako." Tssk gasgas na yang ganyang drama Jho! Gumawa ka nalang nang bago nakakahiya yung ginawa mo kanina at talagang hinabol mo pa talaga hah!" Hindi makapaniwalang sambit ni Hashi at animong problemado na hinihilot ang sentido.
" Masyado ngang nakakahiya yun! Pinagtitinginan pa tayo nang ibang studyante! Naku huh! Ayaw kong magkaroon ng scandal kaya tigil tigilan mo yan Jho"
Parang nandidiring asik ni Dazhi.
Ang oa din nang isang to eh no? Paano naman kaya naging scandal yun ehh sa tinawag ko lang naman ang animal na yun. Hindi ko naman alam na nagka amnesia pala siya bigla kaya hindi niya ako nakilala!Tahimik nalang akong tumingin sa paligid at may iba ngang masama ang tingin sa akin.
Wow huh! Hindi pa nga nagsisimula ang klase ko this semester pero parang bad shoot na ako agad! Nakakabwisit talaga ang animal na yun ang sarap niyang tirisin!
Nanggigil kong pinaglapat ang labi at masama ang tingin sa unahan namin kung saan naroon ang white building ng mga faculty.
" Hoy... ano? Galit ka ba?"
Mababa ang boses na tanong ni Hashi kaya napabaling ako sa kanya. Seryoso ko lang siyang tinitigan saka umiling.Hindi naman talaga ako galit nagtatampo lang dahil imbes na maniwala ay... Haystt..
" Ehh galit ka ehh alam ko.. pag ganyan hindi kana kumikibo tas hanggang sa susunod na linggo na naman yan no? Hindi mo na naman kami kikibuin ng mga dalawang linggo" malungkot na sambit niya kaya napailing nalang ako.
Sa aming apat si Hashi talaga ang pinaka mabait at ayaw niyang may nagtatampo kaya kinikibo niya kami lagi.
BINABASA MO ANG
Pinag McDo pero hindi ITINADHANA
AcakSi Jholai ang taong sobrang matakaw sa fries, kahit isang kilo nang fries kaya niyang umubos sa isang oras, kaya ang lagi niyang tambayan araw araw ay McDo. Kaya sa hindi inaasang pangyayari makakatagpo niya ang kanyang lalaking iibigin sa lug...