For a few months, naestablish namin ni Pauline yung friendship namin. Naging parte siya ng nakasanayan kong daily routine. Kulang ang araw ko kapag hindi ko siya nakakatext. Naging attached na ako sa kanya to the point na kapag may nagteetxt saking iba, tinatamad akong replyan.
Pero si Pauline, iba. Kapag nakikita ko ang pangalan niya sa inbox ko, di ko mapigilang mapangiti. Minsan, para na aong baliw na ngumingiti habang katext siya.
Di ko alam eh. Kahit na ang weird kong tao, nagkakasundo kami. Hindi siya weird. Normal siyang babae na maraming frustrations sa buhay. Alam kong hindi naging maganda ang kinahinatnan ng relationship niya sa ex niya, pero nakikita ko namang mabuti siyang tao.
Tinutulungan niya akong makarecover sa gap ko at ng parents kong pinepressure ko na maging registered nurse, chini-cheer up niya ako kapag down ako. she's like a best friend to me. Kahit na favorite ko siyang asarin at basagin, hindi ko siya mapikon-pikon.
Julius: Babe.... Di na kita naturuang maggitara ah. Di na natuloy yung session natin.
Pauline: Oo nga babe eh. You're so busy kasi sa work. Nagseselos na ako sa work mo.
Julius: Aww, don't worry babe para satin naman tong ginagawa ko eh. Wag na selos ah? Love you babe.
Pauline: Mas love kita. Miss na rin kita babe. Lagi ka nilang hinahanap sakin kapag may meeting ang prod. Eh nasa puso lang naman kita.
Julius: Nasa puso lang rin naman kita babe eh. Di ka pa mawala sa isip ko. Grabe ka.
Pauline: Kaya pala ang hirap matulog sa gabi, iniisip mo ako. Kaw pala ang salarin babe.
Julius: Bakit ako, laging inaantok? Di mo siguro ako iniisip noh? Tampo na ako.
Pauline: Wushu, tatampo na baby ko. O sige, iisipin nalang kita mamaya habang nasa work ka para di ka antukin.
Julius: Sige babe, promise yan ha? Iisipin rin kita para di ka makatulog kakaisip sakin.
Ang sarap makipag-usap sa kanya. Hindi ko alam kung parte pa rin ba ito ng trip naming flirtationship o talagang nagkakamabutihan na kami.
Hindi ko alam kung handa ba akong aminin sa sarili ko na nafo-fall na ako sa kanya. Hindi ko rin kasi alam kung nafo-fall na ako or nasasanay na lang talaga akong ganito kami mag-usap.
Matapang ako, pero natatakot akong aminin sa sarili kong talo na ako. Gusto kong sabihing "Pauline, mahal na yata kita. Talo na ako. Game over na." pero natatakot ako sa pwede niyang isagot. Baka pagtawanan niya ako at sabihin niyang ang weak ko.
TAKOT AKONG MAREJECT.
Di ko rin alam kung kakayanin ko bang marinig mula sa kanya na hindi niya ako gusto. Minsan kasi pakiramdam ko, mas malakas pa ang trip niya sakin eh. Naguguluhan tuloy ako. Gusto kong lumakas yung loob kong magtapat ako sa kanya. Pero hindi ko kaya. Napaka-torpe ko. Umuurong yung dila ko kapag sasabihin ko na sa kanya. In the end, pinagtitripan ko lang siya.
Napapaisip ako, paano ko ba mapapaibig sakin tong babaeng to? Parang hindi na yata ako concern kung mananalo ao sa larong to o mananalo. Basta ang goal ko ngayon? Maiparating sa kanya ang nararamdaman ko.
Kung pagtawanan niya ako?
Ewan, bahala na.
Pero gusto ko pa rin ng assurance na kapag nagtapat ao, sana gusto rin niya ako para happy ending kaming dalawa.
Kailangan kong gumawa ng paraan para malaman ko kung gusto rin ba niya ako.
---
END OF CHAPTER
BINABASA MO ANG
The Love Game [ON GOING]
Teen FictionGusto mo bang makipag-laro? Sa pag-ibig? Handa ka bang magpatalo para sa taong mahal mo, o pipilitin mong manalo? "Sa laro ng landi-landian, ang unang ma-fall, talo...." Paano kung pareho kayong matalo? At pareho rin kayong manalo? I DON'T GIVE AWAY...