The following day, nagkita-kita kami ulit ng mga friends kong sina Rej, Mayie, at Erika. We like to bond so much lalo na kapag wala kaming magawa. Wala pa kaming trabaho. We're all free. Hindi pa kami ganun ka-busy sa mga buhay-buhay namin kaya naman isang text lang ng isa na magbonding, nagkikita-kita kami agad.
Same time, same meeting place.
Actually kung tutuusin, pare-pareho na lang nga halos yung mga bagay na pinag-uusapan namin. It's just that, we're girls, and we like to talk about super random things in life. Kahit pa napag-usapan na namin yan before, kapag may update sa topic, it's still a fresh news samin.
Madalas, mabilis kaming matawa sa mga kwento-kwento because we talk about it in a comedic way. Maiksi lang ang buhay. Dapat palagi kang masaya.
"O ano Pau, lasing ka pa ba?" -Erika
"Grabe naman. Di naman talaga ako nalasing eh. Nahilo lang ako."
"Kamusta naman ang paghatid sayo ni Julius?"
Natawa ako bigla.
"Ayun. Ok naman. Mas lasing pa yata siya sakin eh. Bumaba ako ng tricycle. Tapos sabi ko, mauna na siya. Sabi niya sakin, ihahatid na daw niya ako. Hahahaha. Eh kaya nga ako bumaba ng tricycle kasi andun na yung bahay namin eh. Hahahaha. Pero ayun, ok naman. Grabe naka-tag pa sa Facebook na nalasing ako ng sobra. Grabeng Julius yan."
"Dapat sinapak mo. Hahhaa." -Erika
"Kamusta naman kayo ni Julius? Ayee. Feeling ko talaga may gusto siya sayo." - Mayie
"Hala si Mayie, kilig na kilig lang?" - Ako
"Ang cute niyo kaya. Pano ba kayo nagstart dyan?"
"Eh kasi nga, naghahanap ako ng magtuturo sakin maggitara. Tapos nagpresinta siya. Akala ko naman hindi siya seryoso. Eh seryoso pala. Ayun."
"Pero alam mo, tama nga si Mayie. May gusto talaga yun sayo. Kasi bigla na lang naging part na siya ng circle mo. Diba?" - Erika
"Ikaw Rej, anong masasabi mo?" - Ako
"Oo, may gusto yun sayo." -Medyo bangag si Rej kasi puyat.
"Well, let's not assume. Kasi dalawang beses ko pa lang naman siya nakakasama in person. Although lagi kaming magkatext. Pero hindi pa rin kasi yun yung basis."
"Yun pa! Lagi na siyang naka-unli ngayon simula nung nagkita kayo. Medyo nakakapagtaka na rin kasi. Palagi siyang nagcocomment sa mga status mo sa Facebook." - Erika
"Hindi ko alam eh. Pero wag niyo munang palakihin ang ulo ko. Chill lang tayo."
They start to question kung may gusto daw ba sakin si Julius. Ang totoo, I have no idea. Masyado naman kasing mababaw kung iisipin kong may gusto siya sakin dahil lang palagi kaming magkatext at magka-chat sa Facebook.
It's not effort. It's just maintenance.
Paano mo masasabi na ine-effort-an ka ng lalaki kung nag-uunli siya para sayo? Hindi naman kasi basehan yun. Ang effort, ginagawa yun sa personal. Hindi sa text o sa Facebook.
Oo, sabihin na nating palagi na nga siyang naka-unli. Pero hindi ko parin naman sigurado kung nag-uunli siya para sakin. Of course, Julius has his own life, and hindi ko pwedeng basta na lang ideklara na sakin umiikot ang mundo niya ngayon.
We're friends. That's all I know. Anything more than that, I totally have no idea.
But still, looking forward naman ako sa mga susunod pang mangyayari sa friendship namin, but for now, I'll enjoy his company.
"Hindi, may gusto talaga yun sayo, Pau." - Rej
"Nafifeel ko rin na may something sa inyo eh. Ewan ko lang kung napapansin mo ah. Palagi siyang nakatingin sayo nung shoot natin." -Erika
"Ha, talaga? Di ko napapansin. Kelan yun?"
"Nung nanonood kayo ng movie sa laptop niya, tinitignan ka niya. Nung nagsha-shot, ganun rin. Basta maraming beses. Ewan ko kung ako lang ang nakakapansin nun ha. Pero tanungin na lang natin yung prod sa next shoot." -Erika
"Ayeee! Ang cute cute talaga. Bagay kayo." - Mayie
"Dafaq? Bagay agad?"
"Totoo naman kaya. Ayee naimagine ko na kayo kapag nagde-date." - Mayie
"Grabe ka naman girl, naunahan mo pa ako mag-imagine ha. Ako nga di ko pa naiisip eh."
"Let's give Julius a chance to explain himself. Malay mo ganun lang talaga siya? Kinikilala ka pa rin siguro nun kasi after high school, ngayon ka lang naman niya nakakasama." - Erika
"Tama. Pero may gusto talaga yun sayo." - Rej *tawa*
"Ay naku, di talaga kayo makaget over dyan ha. Tara na manuod na nga tayo. Kalimutan muna natin si Julius."
Everybody was dead silent. Eto na naman kami, nanonood ng horror. We seriously love watching horror together. Ewan ko ba, kahit na dapat chic flicks ang pinapanood namin, mas nag-eenjoy kami manood ng horror. Kakaiba lang diba? Tapos magtatakutan kami bago umuwi.
We're like that. We're girls. We're weird when we're together, but we're girls that guys wouldn't dare to forget.
---
END OF CHAPTER
BINABASA MO ANG
The Love Game [ON GOING]
Roman pour AdolescentsGusto mo bang makipag-laro? Sa pag-ibig? Handa ka bang magpatalo para sa taong mahal mo, o pipilitin mong manalo? "Sa laro ng landi-landian, ang unang ma-fall, talo...." Paano kung pareho kayong matalo? At pareho rin kayong manalo? I DON'T GIVE AWAY...