Chapter Ten

68 3 2
                                    

It's another film shoot day! Sa wakas, may progress na ang aming film production. Dahil sa mga bagong taong kasama ko ngayon, hindi ko na masyadong naaalala na malungkot maging single. Masaya rin naman pala na kahit paano, naeenjoy ko yung social life ko to the maximum level. To the truest sense of the word, ngayon ko lang naeenjoy ang pagiging single. Parang nasanay na kasi ako na laging nasa tabi ko yung boyfriend ko, na ex ko na ngayon.

11am, usual time ng meeting at shooting namin sa prod. Medyo maaga ako ngayon, pero mas nauna pa rin sakin si Julius sa meeting place.

"Nasa Shopwise na ako. San kayo?" - julius

"Shopwise na rin. San ka banda?" -Ako

"Dito ako sa may loob. Malapit sa Western Union."

"Sige, pupunta na ako jan." 

Naglalakad na ako. Natanaw ko na siya dun sa sinasabi niyang lugar kung nasan siya. Nilapitan ko siya. Wow, bagong ligo.

"Oh, teka, balik ka muna dun. Di ko pa nababasa yung reply mo." - Julius

"Ha?"

"Wala. Ano, san na sila?"

"Actually, itatanong ko pa lang. Kanina ka pa?"

"Di naman. Kakadating ko lang rin."

Maya-maya, tumawag si Erika.

"Hello Pau, san na kayo?"

"Eto, nasa Shopwise kami ni Julius. Sabi ni Mon, derecho daw kami sa kanila eh. Papunta ka na ba?"

"Hindi pa eh. May pinapagawa pa kasi sakin si mama. Pero nandyan na ako before 12, pramis. Pakisabi na lang kay Mon, male-late ako ha"

"Alright. Sige ingat."

Bumalik yung atensyon ko kay Julius.

"Oh, derecho na nga pala tayo kanila Mon. lakad, tricycle?" - Ako

"Lakad na lang. Kailangan ko magtipid. Tara McDo tayo?"

"Wow ha. Magtitipid ka pa talaga niyan."

"Hindi pa kaya ako nagbebreakfast. Pagkabasa ko ng text mo naligo agad ako."

"Hala. Sorry naman."

"Ok lang yun noh. Saka ayoko rin sa bahay."

Tapos habang naglalakad kami, nagstop kami sa McDo desserts. 

"Kala ko ba di ka pa nagbe-breakfast? Bakit dito ka lang sa labas bibili?"

"Gusto mo ng sundae?"

"Sundae lang kakainin mo?"

"Oo, ok na ako dun. Gusto mo ba?"

"Sira ka ba? Sasakit tyan mo niyan."

"Di yan. Nurse ako, alam ko to. Ano, gusto mo ba?"

"Bakit, ililibre mo ba ako?"

Ngumiti siya. Umorder na siya  sa counter, naghihintay lang ako sa tabi. Ang wirdo talaga nitong taong to. Breakfast, sundae? Aba at may nalalaman pa siyang nurse siya at alam niya yun. Dapat lang talaga na alam niyang masamang kumain ng ice cream agad na walang laman ang tyan. Nagmagaling pa talaga siya eh.

"Oh, pili ka.." - Julius

"Ha?"

"Sabe ko, pili ka ng flavor."

"Akala ko ba nagtitipid ka, bakit nilibre mo pa ako?"

Ngumiti na naman siya.

Ang awkward.

 "Thank you, Julius."

Wala akong masabi.

Pero na-touch ako. It's our third time to spend a day together. First time na nilibre niya ako. Unexpectedly. Super. So pinili ko yung caramel sundae over the strawberry one. Wala lang. I have no choice but to choose one kahit na talagang ang favorite ko ay hot fudge sundae.

Hindi naman sa "sayang" ang libre, but I appreciated the fact na may ganun pala siyang naiisip. May pagka-weird lang kasi bigla-bigla na lang siyang ngumingiti. Tapos hindi na siya sasagot.

"Ang bilis mo namang kumain." - Sabi ko. Nakita ko kasing paubos na yung sundae niya.

"Mabagal ka lang. Saka isa pa, gutom nga ako."

"Hindi, mabilis ka talagang kumain. Gusto mo pa ba? Umay na ako eh."

"Bakit? Ayaw mo ba ng flavor?"

"Di naman. Bihira kasi ako bumili ng ganitong flavor."

"Bakit, ano bang mas gusto mo? Hot fudge?"

"Sana. Pero ok na to. Thank you ha." - Ngumiti ako. Ewan ko ba. Natouch lang talaga ako sa kanya.

"Dapat sinabi mo sakin. Di ka kasi nagsasalita eh."

"Tignan mo to, nagtitipid raw. Isa pa, nakakahiya kayang magrequest. Saka di ko naman alam na ililibre mo talaga ako. Pero thank you talaga."

"Wala yun."

Then we were dead silent hanggang sa makarating kami sa bahay nila Mon.

Ganito pala siyang maging kaibigan? Kung ganun eh, he's so thoughtful. Kahit pala naman mahilig siyang mang-asar, may soft side pa rin siya. Ang cute niya pag nakangiti.

What. Did I just say CUTE?

WTF.

Uhmmm....

Sige, cute siya.

Pero wait?

Bawal kiligin.

Bawal mag-assume.

Nakakamatay.

---

END OF CHAPTER

The Love Game [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon