PAULINE's POV
Medyo nababother na ako sa closeness namin ni Julius. Madalas nang mapansin ng mga kasamahan namin sa productions na meron nga taagang something na kakaiba saming dalawa. Oo, hindi ko naman ikakailang iba talaga yung friendship naming dalawa. Pero ang hindi ko sigurado, kung talaga bang meong "iba" o ako lang ang nag-iisip nun.
Natatakot rin akong malaman kasi baka hindi naman pala niya ako gusto. baka masyado akong attached sa kanya kasi siya ang lagi kong kausap.
One day, kausap ko siya sa Facebook....
Pauline: Hi babe! I miss you. Busy ka?
Julius: Di naman babe. Bakit po? Miss you too!
Pauline: Wala lang. May tatanong sana ako sayo. Ok lang?
Julius: Ano yun babe?
Kinakabahan ako sa isasagot niya....
Pauline: Kasi babe, sabi ng mga ka-prod natin, may napapansin daw silang kakaiba satin which I really don't see.
Julius: Ha? Ano yun? May multo ba?
K. Stop being so corny, babe. This is a freakin' serious matter. It's about you and me.
Pauline: Babe.. Seryoso po.
Julius: Ano ba yun kasi babe?
Pauline: may gusto ka raw sakin, totoo ba?
Yeah, I'm not making up stories. My friends are telling me how we look good when we're together. So don't ever try to deny you don't like me.
Julius: Ikaw, ano ba sa tingin mo?
Pauline: Di ko alam. Ikaw lang kasi makakasagot niyan eh.
Julius: Hmmmm, I really don't know... We're friends, right?
Pauline: Hmm, yep. Friends tayo. So anong sagot sa tanong ko?
Julius: Ano ba ako sayo?
Pauline: Special friend kita.
Julius: yun naman pala eh. Eh di nasagot na yung tanong mo
Pauline: Huh? Sorry, slow. Pakilinaw.
Julius: Fine. Friends lang po tayo. Wala po akong intimate feelings for you. Ok na po?
Pauline: Ok na! Eh di mas malinaw :)
Julius: Haru, jusko. Yun pa ang gusto.
Medyo nanlumo yata ako sa nabasa ko. Kailangan na yatang itigil ang kahibangang ito. FRIENDS LANG PO TAYO, WALA PO AKONG INTIMATE FEELINGS FOR YOU. Di ko alam kung masasaktan ako or what. Pero in the first place, wala naman akong pinaghahawakan.
Minsan kasi, mas ok nang wag mo nang alamin kung ano yung namamagitan sa inyo eh. Baka kasi lumabas ang masakit na katotohanang ikaw lang ang nag-iisip nun at hindi siya.
Yeah right, we're in a serious flirtationship nga pala.
So paano, Pauline? Friends lang.
Malinaw mong nabasa.
Tigilan na yang kahibangang yan.
Hirap eh. Buti na lang walang emotional investment na naganap.
Kaya lang, ok sana siya eh.
Akala ko andun na ako sa peak na malapit na akong magkaboyfriend ulit.
Pero sige, friends lang raw.
Di ko alam kung masisira ba yung friendship namin dahil sa kalokohang to eh. Pero sige, dahil malinaw na sakin ngayon kung anong lugar ko sa kanya, ok na ako. Hanggang dun na lang yun. Wala nang dapat asahan pa.
---
JULIUS' POV
"Special Friend kita..."
Yan na yata ang pinakamasakit na salitang narinig ko sa kanya. Bakit ba hindi pwedeng "Gusto kita" ha, Pauline? Bakit SPECIAL FRIEND pa ang posisyon ko sa puso mo?
Ang tanga ko. Di ko alam kung tama ba yung sinabi ko sa kanyang FRIENDS lang kami at wala akong intimate feelings sa kanya. Kasi ang totoo, meron. Yata?
Iba tong nararamdaman ko. Hindi lang to basta friendship.
Bakit ba kasi ang weak ko?
Kung anu-ano pang sinabi ko.
Baka mawala pa siya sakin.
Sana sinabi ko na lang sa kanya yung totoo, na gusto ko siya.
Pero eto na, nagbitiw na ako ng salita.
Bakit ba kasi naduwag akong sabihin? Bakit kung kelan handa na akong magpatalo sa laban, saka naman nagkaganito?
Di ko alam kung kaya ko pang paniwalain ang sarili kong kaibigan ko lang siya.
Nasaktan ako sa nabasa ko..... yata?
Kasi naman Julius... Bakit ba takot kang mareject?
Bakit ang duwag mo?
----
END OF CHAPTER
BINABASA MO ANG
The Love Game [ON GOING]
Teen FictionGusto mo bang makipag-laro? Sa pag-ibig? Handa ka bang magpatalo para sa taong mahal mo, o pipilitin mong manalo? "Sa laro ng landi-landian, ang unang ma-fall, talo...." Paano kung pareho kayong matalo? At pareho rin kayong manalo? I DON'T GIVE AWAY...