Lumipas na ang ilang buwan na naging close kami ni Julius. Lagi na kaming magkatext, magkausap kapag may shooting, tila ba hindi na mapaghiwalay talaga. Marami nang nagsasabi na we look good together. They all ssume na merong something na namamagitan saming dalawa.
Actually, I don't find anything different when we're together. Yes, I have established a special friendship with him, but despite that, i know that the mutual feeling is something that never goes beyond the borderline of friendship.
Sobrang close.
Laging magkatext.
Nag-aasaran.
Kaya sino ba naman ang hindi talaga mag-aakala na may something saming dalawa?
---
It's my birthday. Usual celebration, kainan with friends. Kwentuhan. Masaya na naman ako sa ganung klaseng set up sa buhay ko. Basta kasama ko friends ko, masaya ako. Andun sila Rej, Mayie, Erika, at iba pang mga kasama namin sa prod.
It's getting late, and we're already sober.
Pasahan ng shot glass. Tagay. Kampay.
TRUTH OR DARE!!
Umikot ang bote,
tumapat sakin.
Mon: Pau! Kapag nanligaw sayo si Julius, sasagutin mo ba siya?
Pauline: Whaaaaaaaaaaat?!
Rej: Boom! As in booom na boom!
Lahat sila tumawa sa tinanong ni Mon. Out of the blue na lang, yun bigla ang tinanong niya sakin? Hindi ko alam ang isasagot. Di ako prepared sa tanong na yun.
Alam ko sa sarili kong okay naman sakin si Julius. Mabait siya. Sa totoo lang. Pero biglang-bigla lang naman talaga yung tanong na yun at hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa mga tao sa birthday ko.
Mon: Uulitin ko, kapag niligawan ka ni Julius, sasagutin mo ba siya?
Pauline: Depende. Kung paano niya ako liligawan. Pero sakto lang. Hindi ko ayaw, hindi ko gusto. Kumbaga, may pag-asa, pero slight lang.
Mon: Oh, yun naman pala eh!
Pauline: Sige, spin!!
Nagpatuloy ang spin the bottle, pero wala lang sakin kung ano man ang sinabi ko. Kasi yun naman ang totoo. Kung ano lang yung nararamdaman ko, yun lang.
Hanggang sa.......
Mon: Julius! Bilang may pag-asa ka kay Pauline, liligawan mo ba siya?
Julius: What da faq? Hindi.
Mon: Aww, okay lang yan, Pauline..
Pauline: Hala, anong okay lang yan ang sinasabi mo jan? Haha.
Mon: Di ka raw niya liligawan eh. Ouch ba?
Pauline: Eh ano ngayon kung di niya ko ligawan? Marami pang lalaki sa mundo, ganda-ganda ko eh! Hahahaha. Chos!
Rej: Ayan tayo eh!!!
Mon: Bakit hindi, Julius?
Julius: Uhmmm, eh kasi... We're friends. Friends lang kami.
Pauline: Ang showbiz!! Paikutin na yang boteng yan! Haha.
Natuloy ang truth or dare hanggang sa lahat kami, natanong na. Tuloy pa rin ang shot. We stopped when we feel like we're already drunk.
We need to go home.
Naglakad na kami palabas ng subdivision. Biglang lumakas ang ulan. Mag-isa lang ako sa payong ko. Nagulat ako, bigla na lang may humawak sa payong ko at sumukob.
Si Julius.
Nahihiya siya.
Julius: Ako na maghahawak.
Pauline: *ngiti*
Magkasukob kami sa iisang payong. Malakas na malakas ang ulan. Walang masakyang tricycle. Basang-basa na kami ng mga friends ko.
Pagkasakay ng tricycle, pumasok ako sa loob at tumabi siya.
AWKWAAAAAARD!!
Pakiramdam ko, ang awkward ng feeling. Yung sabihin niya sa mga friends ko na hindi niya ako liligawan pero kung umacting siya, kala mo manliligaw ko talaga?
Pero ok. Walang asumming na nangyari.
Stay put lang.
Go with the flow.
That's it.
Ang bilis ng mga pangyayari.
Akalain ko ba namang aabot sa point na ganito?
---
END OF CHAPTER
BINABASA MO ANG
The Love Game [ON GOING]
Teen FictionGusto mo bang makipag-laro? Sa pag-ibig? Handa ka bang magpatalo para sa taong mahal mo, o pipilitin mong manalo? "Sa laro ng landi-landian, ang unang ma-fall, talo...." Paano kung pareho kayong matalo? At pareho rin kayong manalo? I DON'T GIVE AWAY...