Naging consistent ang tawagan namin ni Julius ng babe. Mga three months rin siguro yun? Di ko na sure. Minsan nga pakiramdam ko, hindi na lang to isang flirtationship. Kasi sa sobrang sweet namin, iisipin mo, kapag nabasa mo ang mga conversations namin, magboyfriend kaming dalawa.
I love you.
I miss you.
Mahal kita.
Pa-hug.
Pa-kiss.
Tabi na tayo matulog.
Sweet dreams.
Sana makita kita sa panaginip.
Babe.
Hindi yan ginagawa ng ordinaryong magkaibigan lang. Diba?
Kaya napapaisip ako.
Nafo-fall na kaya siya sakin?
Nafo-fall na kaya ako sa kanya?
Di ko rin maintindihan yung sarili ko kasi minsan, I find myself waiting for his text. Basta, ang weird sa pakiramdam na kapag hindi siya nagtetext, feeling ko namimiss ko siya. Alam ko sa sarili kong di ako nafo-fall. Siguro nasanay na lang ako na siya yung palagi kong katext. Siya yung palagi kong kausap, kakwentuhan, tipong kahit napaka-random talaga ng topic namin, marami kaming napag-uusapang mga bagay-bagay sa mundo.
Kapag wala siyang "hahaha" sa text niya, feeling ko ayaw niya akong kausap. Nakakaparanoid. Feeling ko boyfriend ko na siya. Wala lang official committment. Kaya lang, mahirap nang mag-assume eh. Baka mamaya niyan, matalo pa ako sa pustahan naming dalawa. Mamaya niyan, laro pa rin ang lahat ng ito para sa kanya.
Ang gulo.
hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
----
JULIUS' POV
Natutuwa ako kay Pauline. Kasi kayang-kaya niyang sakyan lahat ng trip ko sa buhay. Kahit na ilang beses ko siyang subukang basagin, mas nababasag ako sa mga sagot niya sakin. Nacha-challenge ako sa kanya kasi desidido akong mapa-fall siya sakin. Hindi ko alam kung nagtagumpay na ba ako o hanggang ngayon, talagang wala pa rin siyang nararamdamang something special sakin.
Nafufrustrate ako, kasi gusto ko na magka-girlfriend.
Hindi ko alam kung tama ba tong ginagawa kong to para magka-girlfriend ako.
Aaminin ko, cool si Pauline. Masarap siyang katext, kausap, kakwentuhan, kakulitan, kalandian. Lahat na yata kaya niyang gawin.Pero ang pinagtataka ko lang, bakit hindi pa siya nafo-fall sakin?
Pwedeng ayaw lang niyang sabihin kasi ayaw niyang magpatalo,
o pwede ring hindi talaga ako magaling magpa-fall.
Nuknukan naman kasi ako ng katorpehan.
Hindi ko alam kung gusto ko siya.
Basta alam ko, attached na ako sa kanya.
Minsan para akong tanga na naghihintay ng reply niya kahit na kakasend ko lang. Tipong kada iilaw yung cellphone ko, iisipin kong siya na yung nagreply. Napapangiti ako sa tuwing magrereply siya. Mukha na akong sira-ulo sa kakangiti kasi natutuwa ako sa mga pinag-uusapan namin.
Mukhang ako pa yata ang matatalo sa larong to.
Masyado siyang sugar-coated magsalita na sa isang lalaki, kapag nabasa mo ang ganung klaseng mga text, mata-touch ka talaga. Hindi ko alam kung ganun rin ba ako sa kanya, pero ang alam ko, masaya ako na nakakausap ko siya.
Hindi ko alam kung dapat ko ang sabihin na itigil na namin tong kalokohang to kasi gusto ko na ng seryosohan. Kasi hindi pa rin naman ako sigurado sa nararamdaman ko. Pwede kasing pansamantalang kilig lang to, o saya. Kaya naguguluhan ako.
Naguguluhan ako sa nararamdaman ko.
Nafo-fall na ba ako sa kanya?
Nafo-fall na kaya siya sakin?
Ang hirap malaman.
Ayokong matalo,
pero feeling ko.....
AH EWAN!
maghihintay pa ako ng ilang linggo pa.
Sisiguraduhin ko muna tong nararamdaman ko.
Mahirap na, baka ma-inlove ako sa kanya at wala lang pala sa kanya ang lahat ng ito.
----
END OF CHAPTER
BINABASA MO ANG
The Love Game [ON GOING]
Teen FictionGusto mo bang makipag-laro? Sa pag-ibig? Handa ka bang magpatalo para sa taong mahal mo, o pipilitin mong manalo? "Sa laro ng landi-landian, ang unang ma-fall, talo...." Paano kung pareho kayong matalo? At pareho rin kayong manalo? I DON'T GIVE AWAY...