Chapter Five

95 5 0
                                    

Pagkagaling sa bahay nila Mayie, alam kong marami silang sasabihin sakin about kay Julius. Of course, my girl friends can sense something more than I can. Kahit na alam ko sa sarili kong wala lang naman yung pagtuturo sakin ni Julius ng gitara, alam kong iba ang iniisip nila.

At totoo nga ang kutob ko.

Pagkarating ko sa bahay, may message agad sakin si Mayie sa Facebook.

"Bebe Pau!! OMG ang cute cute niyo ni Julius kanina sa bahay ah. Talagang di kayo maistorbo kahit na nagkekwentuhan ka kaming lahat di kayo nagpapatinag sa paggigitara niyo ha. KAYO NA TALAGA!!"

"Haha. Grabe ka naman Bebe Mayie. Nagulat nga ako eh. Kala ko di siya seryoso na tuturuan niya ako. Tapos yun, pumunta pala siya."

"Ayeeee! Kilig ka naman?? :""">"

"Haha. OA? Kaw yata kinikilig jan bebe eh! Talagang bonggalicious pa ang pagmemessage mo sakin."

"Ang sweet kasi niya sayooooo! Hinawakan pa niya kamay mo! Kala mo naman di ko nakita."

"Ssss. Ano naman? Tinuturo niya yung chords sakin kaya hinawakan niya kamay ko. Wala namang malisya dun."

"Sayo. Pero sa kanya baka meron. Haha. OMG! Kinikilig ako sa inyo. O de marunong ka na maggitara."

"Haha ang showbiz ha! Oo, medyo marunong na ako maggitara. Thanks to him."

Well, yeah. Thanks to him talaga. Akala ko, tatanda na lang talaga ako na hindi man lang ako natututong tumugtog ng gitara. Hmm, honestly, I have already established the comfortable feeling with him na. Siguro sa susunod na magkita kami ulit ni Julius, wala nang ilangang effect.

Pero grabe bilib talaga ako sa kanya kasi ang galing niya maggitara. Ambilis ng shifting ng daliri niya. Ang galing niya magstrum at magpluck ng guitar strings. OMG. Sana akin na lang biniyaya ang daliri niya. Kagaling na bata.

Haha.

Maya-maya, online na rin siya. First time to, pero ako talaga ang unang nag-pop chat sa kanya kasi I really wanted to thank him for doing that for me. Ang bait kasi niya na talagang dinala pa niya yung gitara niya just to teach me.

"Hi! Super thank you sa pagtuturo sakin maggitara ha. Really appreciated it. Next time ulit! :)"

"Hahaha. Wala yun!"

"Sensya ka na slow picker ako."

"Okay lang yun hahaha. Nakukuha mo naman eh. Kaso ang gulaman kasi ng daliri mo."

"Gulaman? O___o"

"Sobrang lambot lang talaga. Di ka pwede maggitara, baka mahiwa ka pa. Hahaha."

"Ang sama mo naman. Hahahah."

"Baka pang piano ka lang talaga. Hahaha."

Yan. Ganyan kami kung mag-usap. Di nauubusan ng "hahaha". Masayang masaya ang dating eh.

"Whatever. Hahaha."

"Next time ibang kanta naman. Madali ka naman matuto eh. Text mo ko pag may gitara ka na."

"Regaluhan mo na lang ako ng gitara. Haha."

"Wala pa akong sweldo eh. Hahaha. Basta willing akong turuan ka ulit."

Okay. Sige. Haha. Ikaw bahala. Maasar ka sa gulaman kong daliri. WTF. Talagang gulaman ang ginamit niyang term pang describe sa malambot kong daliri. Kalokohan niya.

Inaantok na ako. Kailangan ko nang mag-log out sa Facebook at matulog.

Pero bakit ganun, nagfaflashback ulit sa utak ko yung unang beses na magkasama kaming dalawa? Yung pagtuturo niya sakin ng gitara, lahat.

Parang ayaw na niyang mabura sa isip ko ah.

Itutulog ko na lang to.

Bukas, kailangang hindi ko na maalala ang kahibangang ito.

----

Julius' POV

Kinakabahan talaga ako. Hindi ko naman talaga alam kung ano ang magiging reaksyon ko sakaling makita ko siya. Hindi kami close nung high school at talagang sa text lang kami nag-uusap. 

Marami-rami na rin kaming napagwentuhan ni Pauline. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ko nang nakwento sa kanya yung mga frustrations ko sa buhay ko. Basta alam ko, kahit na halos paulit-ulit na lang ang pinagkukwentuhan naming dalawa, masaya pa rin siyang katext.

Ewan ko ba, hindi siya boring eh.

Madalas, siya lang ang lagi kong katext. at kahit na ang sipag kong mag-GM, madalas, siya lang rin ang nakakausap ko. Napaisip na nga ako kung ganun rin ba sa kanya. Ako lang rin ba ang katext niya? 

Oo nga pala, nakwento niya sakin na nagbreak na sila ng ex boyfriend niyang walang kwenta.

Sa totoo lang nagulat ako sa balitang yun. Akala ko nga noon sila na ang magkakatuluyan kasi mukha naman silang masaya sa isa't-isa. Matagal na rin sila nung lalaki tapos out of the blue, nakita ko na lang bigla na single na siya. Akala ko nga joke lang eh. Tapos nung naikwento niya sakin, totoo nga.

Grabeng talkshit pala ng ex niya. Nagawa niya yun sa babae?

Pero nevermind. Mabuti na lang at wala na sila. 

Ayoko kasi ng nakakakita ng babaeng nasasaktan dahil sa boyfriend nila.

Naisip ko lang, bakit mo pa liligawan ang isang babae tapos sasaktan mo lang in the middle of the relationship? Parang sinayang mo lang lahat ng effort mo nung sinusuyo mo pa lang siya. Tapos ikaw pa may ganang makipaghiwalay? Grabe.

Hindi ko alam pero ang nasa isip ko, pag ako nagkagirlfriend, baka hindi ko gawin yun. Ayokong magsalita ng tapos pero yun ang nakikita ko sa sarili ko. Kasi bakit ko pa pag-aaksayahan ng panahong i-pursue ang isang babae kung iiwan ko rin sa huli.

Oo, uso naman ang sumuko sa taong akala mo mahal mo. Pero ang hindi ko talaga maintindihan ay yung ex niya. Ang tigas na nga ng mukhang iwan siya, to-talkshit-in pa siya. Matindi. Affected ako. Kasi ganun ang nararamdaman ko sa tuwing makikita ko yung crush ko na inaaway ng boyfriend niya. Ang sarap lang pumatay kapag ganun.

Bakit ba may mga lalaking nasa kanila na nga yung babae, anlakas pa ng loob na manggago. Eh kung pinapamigay na lang nila sa mga tulad kong "no girlfriend since birth", baka nakatulong pa sila.

Basta, affected ako sa mga friends kong babae na tine-take for granted ng mga walang kwenta nilang boyfriend.

Naaalala ko yung advice ko kay Pauline nung naikwento niya sakin sa chat yung nangyari.

*FLASHBACK*

"Basta yun. Nanlamig na lang siya sakin bigla. Di ko na alam kung anong nangyari. And the least thing I remembered, sabi niya malandi raw ako. Kaya ako, di ko na babalikan yun."

"Aba dapat lang. Pagkatapos ng lahat ng nangyari? Pag binalikan mo yun, iuuntog kita sa pader. Tignan natin kung ano mas matigas, ulo mo o pader."

*END OF FLASHBACK*

Hindi ko talaga alam bakit ko sinabi yun pero nakakagalit lang talaga yung mga lalaking ganun. Maswerte na nga sila na nagka-girlfriend sila tapos sasayangin lang nila yung opportunity na yun?

Ang bitter ko lang talaga.

Wala kasi akong lakas ng loob magtapat sa babaeng nagugustuhan ko. Kadalasan, hanggang tingin na lang ako. Bakit ba kase saksakan ako ng torpe. 

Basta alam ko, pag nagka-girlfriend ako, sinasabi ko sa sarili ko na hindi siya masasaktan.

---

END OF CHAPTER

The Love Game [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon