Chapter Fifteen

66 4 0
                                    

Julius' POV

Nagulat ako sa mga pinagtatanong nila kanina sa truth or dare. Napressure ako. Ano ba yung sinasabi nilang may gusto raw ako kay Pauline? Hindi yata ako nainform.

May gusto? Teka, san nila nabalitaan yun?

Saan banda?

Bakit?

Paano?

Kailan?

Ang pagkakaalam ko, friends kaming dalawa.

Anong something ang sinasabi nilang namamagitan saming dalawa?

Ganun ba talaga kapag magkaibigan ang isang babae at lalaki? Lagi na lang may malisya? Bawal ang friends lang. Laging may meaning bawat tingin, sulyap, ngiti. Lahat. Hindi ka na malaya. Lahat na lang nahuhusgahan agad ang friendship niyo lalo na kung close kayo.

Hindi ba pwedeng sadyang komportable lang talaga kayo sa isa't-isa kaya wagas kayo magtinginan, magsulyapan at mag-ngitian?

Pero ok. Given na rin naman na sinabi ni Pauline na may pag-asa ako sa kanya sakaling ligawan ko siya, lumakas ang loob ko. Pakiramdam ko, pwede ko siyang pormahan, pero ang totoo, wala naman talaga sa plano ko na manligaw sa kanya. Siguroo wala pa. Or pwede rin talagang ganito lang talaga kami.

Ewan ko, di ko rin maintindihan.

May pagkawirdo nga kasi talaga ako.

Pakiramdam ko, walang kailangang makaalam ng nararamdaman ko, maski ako.

Napressure ako ng sobra.

Sana hindi nila nahalata na kinakabahan ako bago ko sabihin na wala akong balak na ligawan siya ever. Ayokong magsalita ng tapos, pero sa ngayon, hindi ko naman talaga nakikitang "KAMI" ni Pauline ang meant. Basta nag-eenjoy ako na kasama ko siya, masaya ako sa company ko with her, and I could never really define the happiness I can feel when I'm with her.

I don't know if I like her, but I know I'm attached.

Tinext ko siya...

Julius: Pau, happy birthday ulit ha. Thank you sa treat. 

Pauline: Wala yun. Thank you rin sa inyo kasi you made my birthday happy.

Nung nabasa ko yung text niya, ewan ko ba, napangiti pa ako. Unang birthday niya na kasama ko siya. Pakiramdam ko, sobrang bago ko lang siyang kaibigan pero andami kong alam sa kanya.

Julius: Naks! Talaga ha? Syempre naman, hahaha. Buti nag-enjoy ka.

Pauline: Oo, sobra. Lalo na sa truth or dare.

Julius: Nakakapressure nga sila magtanong eh. Buti nalang hindi na ako shuma-shot nun. Baka may kung ano pa akong nasabi na hindi ko dapat sabihin.

Pauline: Like what?

WHAAAAAAAT!? Ano ba yung sinabi ko?

Bakit ko sinabi yun?

Bakit biglang lumabas sa utak ko yun?

Erase, erase.

Pwede bang iretreive yung nasend kong message? Hindi ko dapat sinabi yun. Baka kung anong isipin ni Pauline sa sinabi kong mga bagay na hindi ko nasabi dahil hindi na ako shuma-shot.

Julius: Ah, wala wala. Grabe sila, malisyoso nila. Noh?

Pauline: Actually hindi ko alam kung malisyoso lang talaga sila or meron talagang something sating dalawa.

Julius: I dunno? Meron ba?

Pauline: Di ko nga rin alam eh. Wala naman kasi akong napapansin na kakaiba. Normal pa rin naman tayo mag-usap. Ewan ko ba kung san nila nasagap ang balitang may something sating dalawa.

Julius: Ganun nga yata talaga. Kapag ang babae at lalaki magkasama, bawal na friends, lahat may malisya na. 

Pauline: Oo nga eh. Haha.

Julius: Tara flirtationship tayo?

Pauline: Haaaa??! Anong flirtationship ka jan? Wow ha.

Julius: Laro tayo landi-landian. Unang ma-fall talo.

Pauline: I dunno if I should agree with the idea, nagulat ako.

Julius: Ayaw mo ba?

Pauline: Di naman sa ayaw, pero for what? Bakit kailangan natin ng flirtationship? Is friendship not enough?

Julius: Ok lang naman sakin kung ayaw mo. Di naman ako namimilit.

Pauline: Wala naman akong sinabing ayaw ko. Wala rin akong sinabing gusto ko. Pero sige, why not? Don't dare me. Baka matalo ka. Expert yata ako dyan.

Julius: Wow, expert ka na? Ako natuto talaga ko. Wag mo rin ako hamunin, seryoso ako lumaro. Baka matalo ka rin.

Pauline: Yabang. Sige dare. Unang ma-fall ha. Talo. Anong mangyayari sa matatalo?

Julius: eh di matatalo? Na-fall ka, di mafo-fall sayo, talo ka. Broken ka. Ganun.

Pauline: Alright! Deal. Let's start the game baby.

Julius: Okay honey. Falling for me now?

Pauline: Agad-agad??????

Julius: Hahaha. Sisiguraduhin kong matatalo ka. 

Pauline: Nah, not a chance. I ain't gonna let you win the game baby. Hahaha. WTF! Ang corny!

Julius: Sabi sayo ang corny eh.

Pauline: Nakokornihan ka, e pakana mo yang flirtationship na yan. Panindigan mo. Haha. Sige na bukas na lang ulit, tulog na tayo babe.

Julius: Sige babe, goodnight. Loveyou!

WTF. Ano ba mga pinagsasasabi ko? San ba nanggagaling ang mag salitang yun?

Hindi ko alam kung nakakabastos na ba sa kanya yun, pero mukha namang kaya niyang sakyan ang trip ko. Pero ang hindi ko alam, kung kaya kong pigilan ang sarili kong mahulog sa kanya. Unang basa ko ng salitang baby mula sa kanya, kakaiba ang feeling. 

Hindi ko pa yata naramdaman ang ganung klaseng kilig sa buhay ko.

Babe. 

Yan ang endearment naming dalawa ni Pauline ng biglaan.

Hindi inaasahan.

FLIRTATIONSHIP.

Will it really work out for the two of us?

Matatalo ba ako?

Syempre hindi. 

MANANALO AKO.

Pipigilan ko ang sarili kong mahulog sa kanya.

Dahil alam ko na sobrang lambing niyang babae, kailangan kong i-guard ang puso ko. Mahirap na, baka hindi siya mainlove sakin at mainlove ako. Ayoko matalo.

MANANALO AKO.

Mafo-fall siya sakin.

Yun dapat.

----

END OF CHAPTER

The Love Game [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon