Pauline's POV
Hindi naman talaga kasi ako lasing. May tama lang siguro. Oo. Tama. May amats lang ako. Masyado lang nilang na-exaggerate na lasing ako kaya pinahatid pa nila ako kay Julius.
Kaya ko naman talagang umuwi mag-isa.
I can take care of myself. But yeah, I'm still thankful for their concern na ipahatid pa ako kay Julius.
And for Julius, of course, thankful rin ako sa effort na sinamahan niya ako kahit na malapit na lang sana siya sa uuwian niya, bumalik pa siya para lang ihatid ako.
Sweet? Nah. I think I shouldn't categorize it as something sweet. It's just a friendly gesture. Yah. A friendly gesture.
I washed my face, I brushed my teeth. And then I stopped. Naalala ko si Julius.
He's changed so much. Siguro dahil hindi lang rin talaga ako sanay na kasama siya. Nung high school kasi hindi ko naman talaga siya nakilala talaga. Medyo nag-aadjust pa yung system ko sa kanya. I still feel a little bit of shy when he's around, and nakikita ko rin namang we're both adjusting.
Dalawang beses pa lang naman kaming nagkikita.
Pinapakiramdaman ko pa kung paano siya maging kaibigan at makasama.
So far, ok naman siya. Mahilig mambasag. Pero mas basag siya sakin.
Hindi ko alam kung nakikita niyang hindi naman ako naooffend at nachachallenge pa ako pag inaasar niya ako, pero ang masasabi ko lang, sa dalawang araw na nakasama ko siya wala pa akong nakikitang negative sa kanya.
Maalalay siyang tao.
Gwapo? Uhmmmm. Sige, kinda.
And..... Weird... Yah, weird.
May kanya-kanyang kwirduhan ang mga tao.
I'm welcoming Julius in my life. Bagong tao, bagong friend sa circle.
---
Umakyat na ako sa kwarto ko at nahiga sa bed ko. I grabbed my pillow and covered my face.
Unexpectedly, nagrewind sa utak ko ang huling scene na yun.
I held his arm, and said my "thank you" to him.
Siguro hilo na ako. Ewan ko kung ano pang mga nasabi ko, o yun lang talaga. Pero nagulat rin ako sa ginawa ko. Baket ko ba siya hinawakan pa. Hindi ko alam kung anong itsura ko nun. Sana hindi niya maalala. Aasarin na naman niya ako.
But then I found myself smiling.
I grabbed my phone and I texted him.
"Julius. Thank you sa paghatid ah. Sensya na sa abala. Ingat ka pauwi."
I put my phone beside me without expecting his reply.
But he did.
"Welcome. Sleep ka na Pau. Para wala ka nang hang over bukas. Good night! It's my pleasure na ihatid ka sa bahay niyo for the first time. :)"
I smiled. And I guess this smile will exist until I wake up the next morning.
-----
END OF CHAPTER
BINABASA MO ANG
The Love Game [ON GOING]
Teen FictionGusto mo bang makipag-laro? Sa pag-ibig? Handa ka bang magpatalo para sa taong mahal mo, o pipilitin mong manalo? "Sa laro ng landi-landian, ang unang ma-fall, talo...." Paano kung pareho kayong matalo? At pareho rin kayong manalo? I DON'T GIVE AWAY...