Frustrated na akong matutong maggitara. How can almost everyone make it so easy to use a guitar? Samantalang ako, kinakain ako ng guitar strings. Grabe. Alam ko naman yung mga basic chords, nakikita ko yun sa mga song hits dati. Tinuro rin samin ng music teacher namin yun nung high school. Pero natatanga talaga ako sa pag-strum, o pag-pluck, whatever you call that.
Hindi kami close ni Julius sa personal.
Hindi ko rin alam kung seryoso ba siyang tuturuan talaga niya ako.
Ayokong magbayad.
1,0000PHP per session? Seryoso ba siya?
Matututunan ko ba lahat yun sa isang upuan?
Kaya ba niya akong pagtyagaan sa pagiging slow picker ko sa mga bagay na ganyan?
*1 message received*
"Pau, hanap ka naman ng pwedeng actors para sa short film natin." - Erika
---
Oo nga pala, gumagawa kami ng short film production ng mga friends ko. Wala lang. Wala kasing mapagkaabalahan habang wala pa kaming trabaho.
Ilang buwan na rin kaming graduate ng college at ngayon ay naka-tengga pa rin kami kasi walang mahanap na work.
Call center na nga lang kasi talaga ang last resort.
Bakit ba?
Kailangan ng pera eh.
Pera muna ngayon bago mo matupad ang career na gusto mo.
Andami kong gustong mangyari sa buhay ko.
Ewan ko ba.
Mixed up. Fucked up. Mahabang kwento.
---
Naalala ko bigla si Julius sa text sakin ni Erika. Baka pwede siyang gumanap na actor sa short film namin. May pinanood kasi siyang audition video sakin, tingin ko kaya naman niyang gampanan yung role na ibibigay sa kanya kasi may background na siya sa acting.
Chi-nat ko siya sa Facebook.
"Hey, gusto mo bang sumali sa short film namin? Naghahanap pa kasi kami ng actors eh. Dahil pinanood mo sakin yung video niyo, baka kaya mong gampanan yung role na ibibigay nila."
"Short film? Tungkol san?" - Julius
"MURDER"
"Wow! Interesting! Sige sama ako dyan."
"O sige. May mga meetings minsan kapag MWF. Free ka pa ba?"
"Uhh, oo naman. Di pa naman ako start sa work eh. Text mo na lang ako kung kelan may meeting at kung saan."
"Sige."
Okay. One down.
"Erika! Meron na akong isang actor. Si Julius. May pinanood kasi siya saking audition video nila eh. Baka kaya naman niyang ganapan yung role na ibibigay niyo."
"Wow! Good good! Sige. Sabihan kita pag may meeting tapos text mo na lang siya."
--
Uhhh. Pinaglalapit yata kami ng tadhana ngayon ah?
Pupunta ako ngayon sa bayan. Magkikita kami ng friend kong si Rej. Wala lang. Trip lang naming mag-meet. You know girls, we love to bond so much lalo na kapag kasama ang friends.
Mga isang oras na siguro yung nakalipas, nagmeet na kami ni Rej. Nakakatuwa rin kasi sumama rin yung friend naming si Mayie. Tatlo na kaming magchichikahan.
Mahilig kaming magbonding ng wala sa plano. Yun bang bigla na lang magtetext na "Uy! Kita-kits naman tayo." Alam na namin yan kung saan kami magkikita-kita at kung anong oras. Tapos madalas, inaabot kami ng gabi at nauubos lang ang oras namin sa pagkukwentuhan ng kung anu-ano tungkol sa life.
Nagpunta kami sa bahay ni Rej.
Nagmerienda. Nagkwentuhan.
Syempre about sa love at kung anu-ano pa. Dyan nabubuhay ang kwentuhan naming magkakaibigan.
"Pero alam mo, grabe mahal ko pa rin talaga si Adrian eh." - Rej
"Hanggang ngayon???" - sabay naming sinabi ni Mayie.
Matagal na kasi silang break ni Adrian. Mag-dadalawang taon na yata? Or isa pa lang? Basta ewan ko. Alam ko matagal na kasi talaga. At grabe, hindi pa rin pala uso ang mag-move on sa kanya? Ako, mag-iisang taon nang single pero wala na naman akong masyadong bitterness sa ex ko.
Nangyari na kasi yun eh. Hindi na ako dapat umasa pa na magkakabalikan kami kasi iniwan na nga ako eh. Pag nagkabalikan kami, hindi na malabong iwanan niya ako ulit. Kaya tama na yun. Get over it, move on. Naniniwala ako sa kasabihang "Marami pang lalaki sa mundo, makakahanap ka pa ng higit sa kanya."
Kasi totoo naman, along the journey, marami pa akong makikilalang tao. Bata pa naman ako. I'm 20. And just because it didn't work out with me and my ex boyfriend, it doesn't mean that I need to put in mind na hindi na ako makakahanap ng tulad niya.
Oo, hindi talaga ako hahanap ng tulad niya. Kailangan, iba sa kanya. Kasi bakit pa ako magboboyfriend ulit kung tulad lang rin niya? Redundant lang? Wala ring kwenta kung ganun.
"Oo eh. Alam niyo na, iniwan ako ng walang dahilan. Umaasa pa rin ako na sana balikan niya ako." - Rej
"Girl, dalawang taon na yata halos since nagbreak kayo. Uso po magmove on." - Ako
"Grabe, 1 year and 3 months pa lang. Ikaw ba, di ka na ba umaasang magkakabalikan pa kayo ni Kyle?" - Rej
"Hindi na. Tapos na yun eh. Wala nang dapat balikan pa."
"Ansakit pa rin kasi na kapag nakikinig ako ng love songs, naaalala ko siya."
"Simple lang, wag kang makinig ng love songs."
"Ikaw ba, namimiss mo siya?"
"Ako? Hindi. Masaya ako sa buhay ko ngayon. Hindi ko kailangang ma-stuck sa past."
"Wusus. Kase may Julius na pumoporma sayo." - Mayie
"Whaaat? Pumoporma?" - Ako
"Uy oo nga friend. Feeling ko may gusto sayo si Julius. Pansin mo ba, lagi kaya siyang nagcocomment sa mga post mo sa Facebook." - Rej
"Eh ano naman? Comment lang naman yun."
"Tss. Feeling ko may gusto yun sayo. Walang bahid ng pagdududa."
"Grabe kayo makapagbintang sa kanya ah. Hahaha."
Napaisip ako bigla.
Hmm, oo nga. Napapansin ko ngang madalas siyang magcomment sa mga post ko sa Facebook. Pero agad-agad? Gusto na agad? Hindi ba pwedeng trip lang niyang magcomment?
Pero sabagay..
Matagal-tagal na rin siyang kung hindi "Like" eh nagcocomment siya sa lahat ng post ko talaga. Kaya pagkauwi ko ng bahay, nagbackread talaga ako sa timeline ko. At oo nga, sa tantya ko, mga 5 months na rin siyang ganun.
Nakakatawa lang na hindi ko nirereplyan pala ang comments niya.
Wow, I'm so mean.
Hahahaha.
Kung totoo ngang gusto niya ako, bakit dinadaan pa niya sa pa-like like ng mga status ko. Oh well, pinanganak nga pala siyang torpe.
I forgot.
Pero syempre, hindi pa rin dapat mag-assume. Dapat sa kanya mismo manggaling yung mga salitang gusto niya nga talaga ako.
---
END OF CHAPTER
BINABASA MO ANG
The Love Game [ON GOING]
أدب المراهقينGusto mo bang makipag-laro? Sa pag-ibig? Handa ka bang magpatalo para sa taong mahal mo, o pipilitin mong manalo? "Sa laro ng landi-landian, ang unang ma-fall, talo...." Paano kung pareho kayong matalo? At pareho rin kayong manalo? I DON'T GIVE AWAY...