"I'm pregnant"
"Ahh, c'mon in" Carlisle said at nilakihan yung uwang nung pintuan. Halata ang pag aalangan kay Lea na pumasok pero ginawa pa rin ng huli.
"Please sit down" tapos ay ginabayan siya ni Carlisle sa may sofa kaya sumunod na rin ako.
"Tell me what are you feeling" carlisle asked nung nakasettle na kami sa may sofa. Ilang saglit pa ay hindi pa rin siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa may kamay niya na magkasama sa may lap niya. Napatingin naman sa akin si Carlisle at gayun din ako.
"Emelie, can you get Lea some water." He asked. Nagulat naman ako dun pero ginawa ko pa rin ang sinabi niya
"Yeah sure" tapos ay tumayo ako at nagpunta sa may kusina. Hindi ko naiintindihan kung bakit. ano naman kung mabuntis si Lea, babae siya, natural haaay. at kaya siya lumapit kay Carlisle ay dahil sa natatakot siyang malaman ng normal na doctor ang pagkakaiba niya sa normal na tao.
Lumabas ako ng kusina at dinala na amg tubig sa may sofa. tahimik pa rin silang dalawa. Ayaw pa rin niyang magsalita??
"Here" sabi ko para kahit papaano ay mabawasan ang katahimikan dito. Tumingala naman sa akin si Carlisle na parang may malalim na iniisip pero si Lea ay nakatungo pa rin.
"Let's go upstairs. all the things we used when Bella was pregnant with renesmee is still there. we can check your baby Lea" sabi ni Carlisle si Lea naman ay napahawak sa may sinapupunan niya. tumayo si Carlisle at inalalayan si Lea.
"Can I watch?" I asked. Tumingin sa akin si Carlisle tapos ay kay Lea. Si Lea naman ay napatingin kay Carlisle saka ako nilingon.
"Sure" then she smiles. Hindi ko alam kung namamalikmata ako dahil sa unang pagkakataong nakita ko siyang nakangiti. and with all the things na kinukwento ng mga Quillete boys sa akin ay hindi talaga normal ang pag ngiti niya. pero masaya ako na mukhang masaya naman siya.
Pumasok kami sa pinakadulong kwarto dito sa bahay. Hindi pa ako nakakapasok dito dahil sabi nga nila ay puro gamit lang ni Carlisle ang nandito. may pag ka cream yung kulay sa kwarto, mah isang higaan sa gitna at sa gilid ng ulunan noon ay may isang machine at sa kabila ay kabinet na.
"Please, lay down" Carlisle asked. "Emelie can you help her?" Sabi niya ng mapalingon siya sa akin.
"Sure" tas ay inaya ko na siya dun sa may higaan. sumunod naman siya sa akin at humiga na. tutulungan ko sana si Carlisle sa nga inaayos niya kaya lang ay pinigilan ako ni Lea.
"Don't go, please" sabi niya. Natutuwa ako dahil kahit papaano ay pinagkakatiwalaan niya ako kaya lang ay marami akong tanong sa mga nangyayari. pero hinawakan ko nalamang ang kamay niya at hindi umalis sa tabi niya.
Lumapit si Carlisle, binuksan niya yung machine pagkatapos ay nagsuot ng gloves. may kinuha siya sa gilid ng machine na isang parang may pagka rectangle na bagay. itinaas niya yung damit ni Lea hanggang makita yung tyan nito. Naramdaman ko yung pag flinched niya lalong lalo na ang kaba, sobrang lamig kasi ng kamay niya kasabay ng mahigpit niyang pagkapit sa akin.
May inilagay na parang gel si Carlisle sa tyan ni Lea at yung kinuha niya sa gilid nung machine ay itinutok niya din sa tyan nito. pagkatapos ay may lumabas dun sa may monitor ng machine.
"This is an ultrasound machine, it actually let's you see your baby while it is still inside you" paliwanag ni Carlisle. Nakatingin na kami nayon ni Lea dun sa monitor kaya lang ay malabo yung itsura at kulay grey kaya naman wala din akong masyadong makita doon.
"In the normal situation, I can say that you are three months pregnant, with what you are experiencing right now, morning sicknes and all its part of being pregnant" paliwanag ni Carlisle
BINABASA MO ANG
Aftermath [Twilight FanFic]
FanfictionThis is a vampire story At dahil ayaw kong ikumpara ito sa mga sikat na vampire story like IMORTAL - never watched VAMPIRE KNIGHTS - don't know this TRUE BLOOD - don't know the plot VAMPIRE DIARIES - never watched And mostly sa pinakasikat ang TWI...