Encounter

229 9 0
                                    

        It’s been 5 days since nung pag uusap namin sa bahay nila Sam, at that moment ay nag schedule na sila ng mga bantay sa gabi , mas mahigpit na sila ngayon tulad dati dahil sa boundary nila mismo umaatak yung mga werewolves though hindi pa naman nila nakikita iyon. Actually wala pa sa nakakita sa amin. Buti na nga lang at kakampi namin ni Renesmee si Uncle Edward, kahit alam niya yung mga nangyayari dito sa La Push ay he never tell it to mom or to anyone else, parang kaming tatlo lang ang nakakaalam sa bahay. Si Aunt Alice naman ay hindi nakikita ang future ng mga half-bloods saka ng mga wolve kaya naman hindi niya din alam ang mangyayari. If my mom and dad learn about this surely they will pull us out sa La Push. Buti na nga lang at naninawala sila na nadumihan ko ng juice yung damit ko nun kaya pinahiram ako ni Lea ng damit niya, though nagalit sila dahil mabaho daw yung damit ko. I walked outside the classroom para pumunta sa c.r..

My klase pa kasi kaya naman walang tao ngayon sa hallway. Hindi na naman ako sinamahan ni Collin at Phil. Magkasundo kami ngayon after nung nangyari kila Sam at humingi na rin sila ng sorry sa akin. Nadaanan ko yung classroom nila Embry, kitang kita siya dito sa may pinto. Nakadukdok na naman siya sa table niya at natutulog. Magdamag kasi sila lagi nagbabantay sa La Push kaya naman pagod na pagod sila sa umaga, Kung hindi mo sila makikitang natutulog sa classroom nila, malamang absent sila dahil may day shift din ang pagbabantay nila. Nasa likuran ni Embry si Quil, nakita ko naman ang pagbulong ni Quil kay Embry at biglang napatayo nalang ang huli. Tumingin siya paharap sa may pinto kaya naman nakita niya ako at ngumiti sa akin. Ngumiti din ako pabalik at nag gesture na babalik na ako sa classroom ko, nakita ko pa na hinampas ni Embry si Quill sa likod. Grabe hindi na nahiya sa teacher. -_-

Pumasok naman ako sa classroom ko at ayun nagtuturo pa rin yung prof ko, umupo ako dun sa unahan ni Phil na nakadukdok din gaya ni Embry at natutulog, si Collins kasi ay day shift sa pagbabantay ngayon kaya absent siya.

“Fuller!!!” tawag ng professor ko kay Phil.

“Fuller!!” umusog naman ako patalikod para magising si Phil dahil konti lang yung upuan ko sa table niya kaya naman tumama iyon sa table niya. Mukhang nagising naman siya sa ginawa ko at nakita niya yung masungit na prof.

“the cell cycle process by which chromosomes in a cell nucleus are separated into two identical sets of chromosomes, each in its own nucleus. What is it??” tanong ng prof sa kanya. “ahhmm” mabilis akong nagsulat sa notebook ko pagkatapos ay umusog ukit ako patalikod para mapansin niya.

“Mitosis, sir” naningkit naman ang mata nung prof namin sa sagot niya. Expected kasi nito na hindi alam ni Phil yung sagot. May sasabihin pa sana yung prof naming kaya lang ay biglang nag bell.

“Class Dimissed” sabi niya at nagsitayuan naman yung mga classmates ko at umalis naman agad yung prof namin. Narinig ko naman ang pagsalampak ni Phil sa upuan niya kaya naman napalingon ako.

Nakadukdok siya. “Are you alright??” tanong ko sa kanya.Umangat naman ang ulo niya

“yeah, thanks” sabi niya at ngumiti sa akin. Bigla naman akong napakunot.

“what’s the matter?” tanong niya sa akin.

“blood” I said, tumayo ako at hinanap kung saan galling yun. Dinala naman ako nung amoy sa labas ng bintana, galling ulit sa woods.

“What??” he asked again.

“I smell blood, there” tapos ay tinuro ko yung woods.

“Phil!!!”tawag ko sa kanya dahil mabilis siyang tumakbo palabas. Agad naman akong pumunta sumunod sa kanya. Kaya lang ay agad siyang nawala dahil sa bilis niya. Buti nalang naamoy ko pa, kaya naman yun ang sinundan ko.

Hindi ko na inalintana kung may mabunggo ako, marami na kasing tao ngayon dito sa hallway dahil lunchbreak na nga. Nkalabas ako ng Building naming at nagtuloy sa woods. Ano ba naman ito, dapat ay hindi ko muna sinabi sa kanya. Yung isang yun naman ay sugod ng sugod. Hindi niya baa lam ang team work??

Tuloy tuloy lang ako sa woods pero napahinto ako Hindi ko na kasi alam kung saan ako pupunta dahil amoy na amoy na dito yung dugo pero amoy siya kahit saang direksyon. Naman Oh!! Dapat pala pinuntahan ko muna sila Embry, ano nga bang magagawa ko kung sakali, hindi ko rin naman matutulungan si Phil. Ayyy, next time magdadala ako ng utak!! Parang kahit zombies tatanggihan ako dahil sa ginawa ko at sasabihing “no brains”

“Phil!!!” sigaw ko baka sakaling may enhanced hearing sila at marinig niya ako. Pero pano kung nakikipaglaban na siya. Haayy!!! Tumakbo akong muli para hanapin si phil.

Boooggssshhh!!!! Napalingon ako sa may kanan ko dahil sa tunog ng pagbagsak ng isang malaking bagay. Ano kaya iyon??

Baka si Phil yun. Dali dali akong tumakbo patungo dun sa pinanggalingan ng ingay at unti unti ngang lumalakas iyon. Pagdating ko sa parang isang maliit na open space ay siya namang pagdilim ng langit. Papunta kasi sa akin yung isang malaking bagay sa gawi ko. Napayuko nalang ako , buti nalang at sa may harapan ko lang siya bumagsak at hindi sa akin, kung hindi ay iihaw ito ng tatay ko.

Tumayo naman yung bumagsak sa harapan ko at tumingin sa akin. Isa itong mabalahibong nilalang. Mukha siyang wolf na malnourished at dalawa lang ang paang gamit niya sa pagtayo. Yung kamay naman niya ay mga claws din kagaya nung sa paa niya. Mukhang ito na nga yung werewolf na sinasabi nila. Palapit siya sa akin kaya lang bigla nalang siyang tumalon ng sobrang taas at nakita ko ang pagdausdos ng isang higanteng wolf sa harapan ko. Parang yung nakita ko nung dumating sila Renesmee kaya lang ay black ang balahibo nito. Lumanding naman sa kabilang side yung werewolf na tumalon ng mataas. Hinarangan naman ung wolf yung sight ko sa werewolf.

Si Phil kaya ito? Tumingin ito sa akin at parang minomove yung ulo, gusto niya ba akong umalis?? Tumakbo naman ako palayo pero hindi ko siya iniwan. Nagtago lang ako sa may puno na malayo layo dun sa open space kung saan sila naglalaban.

Sinugod nung werewolf si Phil, though hindi ako sure kung si Phil nga iyon, pero Phil easily dodge the first pero nakuha nito yung isang back foot niya at tinapon naman ito sa kabilang side but Phil lands smoothly on his feet then maneuver pabalik dun sa werewolf, hinid naman inaasahan nung werewolf yung bilis ni Phil kaya nahuli siya nito. Phil on top of him, yung front paws niya ay nasa balikat nung werewolf, ginamit naman yungna chance ng werewolf to kick him pataas kaya lumipad si Phil pero ayos pa rin ang  paglanding niya.

Tumayo yung werewolf at pati si Phil, walang umaatake sa kanila though magkaharap lang sila, nakatalikod sa akin si Phil. biglang tumakbo ng mabilis yung werewolf papunta kay Phil, the latter dodges it at tumakbo sa gilid but what surprised me  ay hindi man lang ito huminto pabalik kay Phil but rather ay tuloy tuloy itong tumatakbo

Paharap

Papunta

Shoooootttt

Sa akin!!!!!!

  ------------------------------------------------------------------------------

 Ang hirap gumawa ng fight scences ng lobo -_- Hahahahaha

sorry for wrong grammars and typos :)

Aftermath [Twilight FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon