10

2.5K 71 7
                                    

After one week...

Rachel's POV

Sabado ngayon. Maagang umalis si Sage para makipag kita sa business partner niya. Ang sabi niya sakin may importante lang raw silang paguusapan at uuwi rin daw siya agad.

Binilin niya sakin na manatili nalang ako rito sa bahay. Tsaka napansin ko lang,  nagkakamabutihan na kami ni Sage.

Hindi ko alam kung nahuhulog na ba yung loob niya sakin, o ako yung nahuhulog.

Tama naman ang sinabi ni Sister. Bigyan ko lang ang sarili ko na kilalanin ng husto si Sage.

11pm na.

Andito pa rin ako sa living room at nagtatanggal ng alikabok. Wala kasi akong magawa kaya naglilinis nalang ako rito.

*Ding ding*

"I'll get it." Sabi nung butler.

Pinagpatuloy ko pagpunas ng lamesa sa gitna ng living room.

"Goodness Gracious! Why are you letting my daughter-in-law do some chores!?"

Napatigil ako para tumingin sa nagsalita. May nakatayo palang babae sa harapan ko. Hindi ako pamilyar kung sino ito.

"Rachel, get up there. You shouldn't be doing that!"

Hinawakan niya ako sa praso at inalalayang tumayo. Sunod, punagpagan niya naman yung damit ko.

"Kilala niyo po ako?" Pagtataka ko.

"Well of course! My son talks about you a lot. And you know what, I'm so happy that you're finally engaged with him! I always wanted to have a daughter to bond with."

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Sige na hija, maligo ka muna at magpaoa-handa ako ng makakain. Gusto kong makilag-kwentuhan." Excited na sabi nito.

"Mrs. Cohen--"

"Please, mama nalang yung itawag mo sakin. After all, you'll be my son's wife soon."

"S-Sige po, mama. Nakapag luto na po ako ng mga pagkain. Mainit pa po iyon. Kung gusto niyo po, mauna na kayo." Nakangiti kong sabi.

"What? You shouldn't be cooking or do anything around here. Dapat hinahayaan mo nalang yung butler." Pagaalala nito.

"Nako ayos lang po. Tsaka nasanay rin po kasi akong ipagluto si Sage palagi.  Kaya sinisiguro ko po na marami siyang kakainin." Sagot ko.

"Well, looks like you've changed my son. He doesn't usually eats with me or eat anything that I cook. "

Grabe, totoo pala yung sinabi sakin nung butler niya, magisa lang kumakain si Sage. Kahit daw andito yung mama niya at ipinagluto siya, hindi niya ito kakainin.

"Ganon po ba? Hayaan niyo po, pauwi na rin po si Sage. Sabay sabay na po tayong kumain." Sagot ko.



Sage's POV

I just got home.

My body guards opened the door for me and I went inside.

"Rachel?"

I was about to head upstairs when I heard voices inside the dining area.

"These foods are delicious hija. "

"Mas masarap nga po yung niluto niyong crab soup."

"Pero mas magaling kang magluto. Imagine at the age of 9 years old, nagluluto ka na."

My Heartless Fiancè [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon