PROLOGUE (REVISED)

6.5K 110 8
                                    

Kanina pa ako nakatulala sa salamin at pinagmamasdan ang sarili ko. First day ko kasi bilang accountant dito sa isang kompanya. Kasabay kong mag-apply yung bestfriend ko. Pero yun nga lang, hindi siya makakapasok ngayon dahil masama ang pakiramdam.

Mas kinakabahan ako dahil mag isa lang ako. Halos wala akong kilala rito.

Kinuha ko na yung folders at lumabas na sa restroom. Hindi ako sanay mag high heels sa totoo lang.

May nakita akong coffee machine dito sa loob. Agad akong pumunta rito at kumuha ng cup. Pinindot ko yung espresso at hinintay mapuno ito. Pagkatapos, kinuha ko naman ito at uminom ng konti.

Haist, kinakabahan talaga ako. Tapos uminom pa ako ng kape.

Hinawakan ko ng maigi yung cup pati yun folder. Pagkatapos, tumalikod nako----

Napanganga naman ako. Nabitawan ko yung folders na hawak ko.

"S-sorry! Sorry talaga!" Natataranda kong sabi.

Hindi ko sinasadya na may matapunan ako! Kinuha ko yung panyo ko at pinunasan ang kamay nito. Mabuti nalang at nakatagilid ito at sa braso ko natapunan.

"Stop---"

"Teka sorry talaga." Sabi ko.

Naka black tuxedo ito, pero yung polo na puti at nakalitaw sa wrist niya. Kitang kita ang mantsa dito.

Kinuha ko yung panyo ko at tinupi ng triangle, pagkatapos, nirolyo ko ito sa wrist niya kung saan may mantsa sa cuff (dulo ng polo long sleeve sa pala pulsuhannito. Tinali ko ito at siniguradong nakatakip ang cuff para hindi makita ang mantsa.

"Ayan! Hindi na halata." Nakangiti kong sabi. Tinignan ko ito dahil seryoso itong nakatingin sakin.

"Mukhang first day mo rin. Sorry kinakabahan kasi ako, first day ko rin kasi rito. Galingan mo ah. Kaya mo yan!" Nakangiti kong sabi at tinaas ko yung kamay ko para makipag apir pero bigla ko itong binaba.

"Hala, malalate nako. Sorry, malalate na ako " natataranta kong sabi.

Kinuha ko yung natapon na folders sa sahig. Pagkatapos nagmadali nakong maglakad papunta sa conference room.

----

My Heartless Fiancè [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon