15

2.2K 55 4
                                    

Rachel's POV

"Rachel, paki-send nung files kay Sir George. Asap." Sabi ni Kyla

"Opo." Sagot ko.

Busy kami ngayon sa department kaya kahit lunch time na, may tinatapos pa rin kami. As usual, bumalik agad kami sa dati pagkatapos  ng trip namin sa rest house ni Sage.

Finorward ko na yung mga files na kailangang pirmahan ni Si George.

"Ms. Rachel, kanina ka pa tinatawag ni Mr. Cohen." Pagulit ni Lenard.

Naka-ilang balik na yung personal assistant ni Sage rito. Pero hindi pa rin ako napunta sa opisina niya. Hindi ko naman pwedeng iwan yung trabaho ko. Kailangan na kasi naming ipasa yung mga naka-pending na files.

--

2:45 pm na. Tuloy pa rin kami sa pagtatrabaho para lang matapos yung mga gawain.

Hindi pa kami naglulunch lahat rito.

"Ms. Rachel, please, kanina ka pa hinahanap ni Mr. Cohen." Pagulit ni Lenard.

Napahawak ako sa sentido ko.

"Sige Lenard, tatawagan ko na si Sir." Pagsuko ko.

Kinuha ko yung telephone sa gilid ko at dinial yung telephone number ni Sage sa opisina niya.

[Rachel what's taking you so long---]

"Sorry busy kasi ako. May tinatapos lang. ---"

[Come to my office. Let's eat---]

"Mamaya nalang sa bahay. Sige na may tatapusin pa ako."

Binaba ko na yung tawag. Bumalik uli ako sa ginagawa ko.

Sage's POV

"Mamaya nalang sa bahay. Sige na may tatapusin pa ako."

Rachel ended the call.

I dropped the phone on the table.

"Sir--"

"Just get out of my office. Prepare the car." I said to my body guard.

I took a deep sigh.

I looked at the table for two that I had set up. I wanted to surprise Rachel. I prepared a lunch date for me and Rachel. I even ordered the foods at the finest restaurant here in the city. I also bought her 200 pieces of red roses that is inside a box. Then I got her a lot of gifts here inside my office.

It's Rachel's 21st birthday today. I wanted to celebrate her birthday together. I think she already forgot about that it's her birthday today.

This is fucking embarrassing. I shouldn't done all of this.

Rachel's POV

"Rachel, mauna na kami."

"Sige, ingat kayo." Nakangiti kong sabi.

Tumayo na rin ako at nag-ayos ng gamit. Halos nakapag over time kami saglit. 8pm na kasi. Sinigurado naming natapos lahat ng gagawin para wala na kami masyadong iintindihin bukas.

Kinuha ko na yung bag ko at lumabas sa department.

Teka, si Sage pala.

Sabay pala kami nauwi ni Sage. Hindi ko alam kung nasa labas na siya, kaya pupuntahan ko nalang sa opisina niya.

Pumunta ako sa elevator at pumasok. Pinindot ko yung floor ng opisina ni Sage.

Maya maya, bumukas ito at lumabas nako. Napansin ko na sarado yung ilaw sa loob ng opisina niya.

"Sage?" Tawag ko.

Pumunta ako sa gilid para buksan lahat ng ilaw---

Hindi ko inaasahan na tatambad sakin yung sandamakmak na red roses.  May mga pink balloons pa sa may kisame at sa sahig. Napaka-dami ring paper bags at boxes sa may rounded couch niya.

Naglakad ako papalapit rito.

Nakita ko rin na may naka-set up na table for two sa gilid. Kumuha ako ng isang box at tinignan yung tag.

Happy birthday to the person who makes me the happiest man everyday.

Ngayon ko lang naalala na birthday ko. Kaya niya ba ako pinapatawag kay Lenard para rito?

Bigla akong na-guilty. Nag-effort si Sage para rito tapos hindi ko man lang pinansin. Sana pinuntahan ko siya kanina.

Tumalikod nako at tumakbo palabas ng opisina niya.

---

Kakadating lang namin sa mansion. Agad akong tumakbo papunta sa kusina para tignan kung andon si Sage. Wala siya rito.

Tumakbo naman ako papunta sa kwarto namin---

Nakita ko siya sa balcony. Nakatayo ito rito at nakatitig kung saan.

Pumasok na muna ako sa kwarto namin at sinarado yung pinto. Ibinaba ko naman yung bag ko sa sofa. Sunod, pumunta ako sa balcony kung nasaan si Sage.

"Sage..." Tawag ko sakanya pero hindi niya ako nilingon.

Lumapit ako sakanya at niyakap siya mula sa likuran. Sinandal ko naman yung noo ko sa likod niya.

"Sage sorry. Hindi ko alam na may hinanda ka pala. Hindi ko naman naalala na birthday ko pala ngayon." Seryoso kong sabi.

Hinawakan niya yung kamay ko at tinanggal sa pagkakayakap sakanya.

"Forget it." Cold nitong sabi.

Napahawak ito siya sa rails. Pumunta naman ako sa harapan niya at lumusot sa pagitan ng dalawa niyang braso. Niyakap  ko naman siya paharap.

"Sage naman e, pansinin mo na ako." Malungkot kong sabi.

Hindi niya naman ako pinansin. Nanatili akong naka-yakap sakanya.

"Alam mo, hindi ko naman kasi nararanasa na i-celebrate yung birthday ko. Kahit nung bata pa ako. Palagi kasing nagaaway sina mama. Kaya naman naiiwan akong mag-isa sa bahay. "

"Kahit noong nasa orphanage ako, at sa dating tinutuluyan namin nina Hannah, palagi kong sinasabi na wag na mag-celebrate. Sayang kasi sa pera. Kaya nasanay ako na normal na araw nalang yung birthday ko."

"Pero alam mo Sage, sa lahat ng naging birthday ko, eto yung pinaka especial. Kasi ngayon ko lang naramdaman yung ganito. Yung may nagmamahal sakin, tapos mahal ko rin siya. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinapasaya araw araw Sage."

Naramdaman ko na hinawakan ni Sage yung magkabila kong balikat. Dahan dahan niya akong inilayo para magkatinginan kami.

"I'm sorry Rachel. I just really wanted to make your day special. I wanted to be with you all day. I just really wanted this day to be memorable. This is the first time we'll be celebrating your birthday together "

Napngiti naman ako sa sinabi ni Sage.

Inangat ko yung kamay ko at hinawakan yung magkabila niyang pisngi. Dahan dahan kong nilapit yung labi ko sa labi niya.

Hinalikan ko si Sage saglit at lumayo na ako para magkatinginan uli kami.

"Ayan, memorable na." Nakangiti kong sabi.

Napangiti naman ito sakin. Umangat ito at hinalikan ako ng mariin sa labi.

"Happy birthday, Rachel." Bulong niya.

Niyakap ko naman siya ng mahigpit.

Wala naman nakong hihilingin pa. Eto yung unang pagkakataon na hindi ako nagiisa sa birthday ko at may kasama ako.

Hinawakan ni Sage yung magkabila kong pisngi at hinaplos ito.

"I love you so much, Rachel."

Mas lalo akong napangiti.

"I love you too, Sage." Sagot ko.

Bumaba ito at hinalikan uli ako sa labi.

---

My Heartless Fiancè [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon