9

2.5K 75 6
                                    

Rachel's POV

Bakas sa mukha ko na sobrang saya ko talaga ngayon. Nakakapag-trabaho na uli ako. Buti nalang talaga ay napa-payag ko si Sage.

"Guys, lunch time na." Sabi ng isa sa team namin.

Tinignan ko yung orasan. 12pm na pala.

Nagsilabasan yung mga ka-trabaho ko at nauna nang maglunch. Sa totoo lang, wala naman akong kakilala pa rito. Busy ang lahat magtrabaho at wala ka talagang makikita na nagdadaldalan kapag working time.

Tumayo na ako at kinuha yung wallet ko. Nagugutom na ako. Nagmadali kasi akong mag-ayos kaninang umaga. Kape lang yung nainom ko.

Lumabas na ako ng department namin at sumakay nako sa elevator papunta sa cafeteria floor.

Pagkabukas ng elevator, bumungad agad sakin yung dami ng employees sa loob. Nilibot ko yung buong table, halos wala nang vacant.

Bibili nalang ako ng pagkain tapos sa sa office ko nalang kakainin. Tinignan ko yung wallet ko---

Teka!

Wala nang laman wallet ko. Naalala ko, nagastos ko na pala lahat nung natitira kahapon noong tumakas ako.

Dahil wala akong choice, bumalik ako sa elevator at pumunta sa department namin. Maya maya, pagkabukas nito, lumabas nako at pumunta glass hallway. Sumandal ako rito habang tinitignan yung mga tao sa ibaba.

"Ang loner mo naman."

Napalingon ako sa nagsalita. Hindi ko napansin na may tumabi pala sakin na lalaki.

"Bakit ka pala andito? It's lunch time. Bakit hindi ka kumakain?" Dagdag pa niya at kumagat sa sandwich niya.

"Wala kasing laman wallet ko. Isa pa, wala rin naman akong pwesto na kakainan e. Pag-uwi ko nalang sa bahay." Sagot ko sakanya.

"Sus. Tara sa caf. Libre na kita " Prisinta nito.

Nalatingin naman ako sakanya.

"Nako wag na. Nakakahiya. Tsaka busog pa naman ako e." Pagtanggi ko.

Nagulat ako ng bigla niyang ipinulupot yung kamay niya sa braso ko.

"Tara na. Wag kana mahiya. " Sabi pa nito.

Napilitan ako maglakad dahil sa paghila niya sakin.

"Alam mo, kalat ka sa department namin. Ikaw kasi yung pinag-uusapan kaninang umaga pagpasok mo. Ang ganda mo pala talaga."

Nanlaki yung mata ko dahil sa sinabi niya.

"I'm Sean. Ikaw?"

"Rachel." Tangi kong sagot.

Pumasok kami sa elevator at pinindot niya yung floor ng caf. Pagkabukas ng elevator, pumasok kami sa loobg ng caf at pumila.

"Anong gusto mong kainin, Rachel? Wag ka mahiya, ako bahala." Sabi pa nito.

"Sean seryoso, okay lang naman talaga----"

Napatigil ako nang mapalingon kami parehas sa lumapit samin...

"Sage." Gulat kong sabi.

Bumaba yung tingin nito sa kamay ni Sean na nakapulupot sa braso ko. Biglang nagumpisa yung bulungan ng mga empleyado. Nakatingin rin sila kay samin.

"Anong ginagawa ni Sir rito?"

"First time kong makita na pumunta siya sa caf."

My Heartless Fiancè [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon