Chapter 3

20 10 0
                                    

"So ano nga pinag-usapan nyo?" hanggang ngayon kasi kinukulit ako ni Nicole tungkol sa pinag-usapan namin nung guy.

"Wala ang sabi nya lang liligawan nya ako" walang ganang sabi ko habang nilalaro ko yung bote ng tubig.

"What?! OMG, masaya ako para sayo Liz" kinikilig na sabi niya

Binatukan ko tuloy siya.

"Sira ka talaga, ngayon ko lang siya nakilala tapos ligaw agad? Saka mahirap na baka pinagtitripan lang ako nun" sabi ko.

"Ikaw talaga ang nega mo masyado" sabi niya habang hinihimas yung batok niya.

"Hindi ako nega noh, saka isa pa baka hindi siya seryoso doon sa sinabi niya" sabi ko naman

"Ikaw bahala Liz" sabi naman niya saka sumubo ng pagkain niya.

Tama Liz, wag mo nang intindihin yun, hindi mo sya kilala at hindi ka nya kilala.. Pero alam niyanung pangalan ko eh? Haysss bahala na.. for sure hindi naman yun seryoso sa sinabi nya.

Hanggang sa natapos yung program at nakauwi na kami.

Humiga na ako sa kama ko at nagsalita..

"It's a long tiring night" bulong ko bago ako tuluyan makatulog.

-Monday

Lunes na naman..

Nandito na ako ngayon sa school, papasok pa nga lang ng gate..

Hmm, parang gusto ko ng hot chocolate.

Makapunta nga muna ng 7eleven bago ako pumasok.

"One Hershey's hot chocolate please" sabi ko sa cashier saka nagbayad.

Ewan ko kung bakit feel ko ngayon uminom ng hot choco, mostly kasi pag umiinom ako nito is kapag puyat lang.

Pagpasok ko sa gate ng school nakita ko yung lalaking nakasayaw ko nung foundation, nandoon sya na parang may hinihintay.

Lalagpasan ko na sana siya ng lumapit siya sa akin.

"Good morning!" nakangiting bati niya sa akin

"Uh, morning din" sabi ko at ipagpapatuloy ko na sana yung paglalakad ko ng..

"Akina yung bag mo" sabi niya

Humarap ako sa kanya ng nakakunot yung noo ko..

"Kaya ko naman to buhatin, saka magaan lang naman eh" sabi ko sa kanya.

"Akina na, pupunta din naman ako sa classroom niyo eh" sabi niya.

"Wag na talaga" sabi ko.

"Okay fine akina nalang yung mga dala mo" sabi niya

Wala ako nagawa kundi iabot sa kanya yung paper bag na may laman na projects ko.

Ngumiti sya sa akin.

"Tara na?" Tumango nalang ako bilang sagot.

Nagsimula na kami maglakad.

Nasa third floor kasi yung classroom ko, eh yung classroom niya hindi ko alam.. Pati nga pangalan niya nakalimutan ko na eh.

Nang sa wakasa nakarating na kami ng room.

"Akina na yung mga gamit ko, salamat" sabi ko sa kanya

"Saan ba dito yung upuan mo?" sabi niya

Huh?

"Ah sa dulo" sabi ko nalang

Nakita ko naman na siya naglakad pupunta doon at ibinaba yung mga gamit ko.

"Salamat ah" sabi ko

Ngumiti lang siya sa akin bilang sagot.

Saka siya umalis sa harap ko at nagpunta sa mga kaklase kong lalaki.

Close pala sila..

Naglagay nalang ako ng earphone sa tenga ko at nagpatugtog.

It's reading time!

Kinuha ko yung libro ko sa bag saka nagsimulang magbasa.

Nagulat ako ng may kumalabit sa likod ko.

Si boy pala, nakalimutan ko na name nya eh..

"What?" tanong ko habang nakasalpak pa di yung earphone sa tenga ko.

Tinanggal niya iyon at saka inabot sa akin yung phone niya.

Kumunot ang noo ko sa kanya.

"Pwede makuha yung number mo?" bakas ang hiya sa boses niya.

"Huh? Bakit?" tanong ko sa kanya

"Uh" hindi nya matuloy sasabihin niya kaya kinuha ko na yung phone sa kamay niya at inilagay yung cellphone number ko, naglagay din ako sa note ng wag tatawagan if hindi importante. Hahah wala lang trip ko lang.

"Ayan na" nakangiti kong sabi saka ibinalik sa kanya yung phone niya.

"Salamat" sabi niya.

Tumango nalang ako, ilalagay ko na sana ulit yung earphone ko sa tenga ko ng magsalita ulit siya.

"Uhm, pwede din ba malaman facebook mo?" sabi niya

"Search mo nalang yung name ko, yun na yun" sabi ko sa kanya.

"Ah sige Salamat ah" sabi niya saka umalis sa tabi ko.

Tumayo naman ako sa upuan ko at lumabas sa may corridor, inilagay ko ulit yung earphone ko sa tenga at nagsimula ulit magbasa.

Ang tagal naman kasi nila Caden at Nicole eh..

Nang matapos ko na yung binabasa ko, inialis ko na din yung earphone sa tenga ko at ipinasok sa bulsa ng skirt ko.

Tumingin lang ako sa groundfloor.. Hindi kasi feel sa loob ng classroom eh.

"Hey Liz, pasok na ah, sabay nalang tayo maglunch mamaya" sabi nung basta nakalimutan ko na yung name.

"May kasabay na kasi ako" sabi ko..

Kasabay ko kasi si Nicole kumain ng lunch.

"Edi sumabay nalang kayo sa amin, kung okay lang sa inyo" sabi niya saka umalis.

Aish!

Nakalimutan ko pala tanungin yung pangalan niya.

"Hoy!"

"Ay anak ng kabayo!" biglang sabi ko dahil sa gulat.

Paano ba naman itong si Nicole bigla nalang ako ginulat.

"Bakit ka ba naggugulat?!" tanong ko sa kanya

"Eh kasi naman kanina pa kita tinatawag pero tulala ka" sabi niya.

Huh?

Ako tulala?

"Oo, Liz tulala ka kanina" sabi niya saka pumasok sa classroom.

Para siguro ilagay yung bag niya sa upuan.

Maya maya ay bumalik din siya dito sa labas.

"Nics" tawag ko sa kanya

"Bakit?" tanong niya saka tumingin sa akin.

"Ano na pangalan nung lalaki noong foundation?" curious na tanong ko

Binigyan naman niya ako ng kakaibang ngiti..

"Bakit? Type mo?" tanong niya sa akin

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"H-hindi no!" sabi ko saka iniwas ang tingin sa kanya.

"Sus, kunwari ka pa" asar niya sa akin

"Hindi nga kasi." Sabi ko at nagcross arm.

"Castriel yung name nya." Tumingin ako kay Nicole

"Castriel?" tanong ko.

Tumango siya sa akin at saka sinabing..

"Castriel Flynn Gonzales, yung classroom niya nandoon sa may second floor."

11:11 Memories of Yesterday (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon