Chapter 8

7 3 0
                                    


"Lizbeth, pwede nakahiram ng notes mo?" tanong sa akin ni Paisley.

Iniabot ko nalang yung notes ko sa kanya since wala naman ako sa mood magsalita.

"Yey! Thanks Liz," masayang sabi niya saka umalis sa harapan ko.

Itinuloy ko na muli ang aking pagbabasa ngunit hindi ako makapag concentrate dahil sa sobrang dami ng tumatakbo sa isip ko.

Una si Castriel, ilan araw na sya hindi pumapasok, hindi din nagpaparamdam.

Hindi ko tuloy alam kung buhay pa ba sya.

Syempre nag aalala din ako sa kanya itinuturing ko na kaya na isa sa kaibigan ko si Castriel kahit na sabihin natin na nililigawan nya ako.

Pangalawa ay si Caden, hanggang ngayon wala pa din paramdam, hindi nya din naman sinabi sa akin yung new address niya para sana mapuntahan ko. Ang unfair diba?

"Liz!" halos mapatalon ako sa gulat ng biglang sumigaw si Nicole sa tabi ko.

"What the hell!" inis na sabi ko.

Kita naman nya kasi na nagmomoment ako dito ehh.. tsk.

"Eh kasi naman Liz may sasabihin sana ako sayo about kay Castriel"

Nang marinig ko ang pangalan ni Cas ay agad akong umayos ng upo at itinuon kay Nicole ang atensyon ko.

"Spill it." seryosong sabi ko.

"Wow, affected much? Wag mo sabihin nafafall ka na sa kanya ahh?" Nang aasar na sabi nito sa kanya.

"Yan lang ba sasabihin mo?" Liz glared at Nicole.

"Chill, I'm just kidding okay?" natatawa pa ding sabi nito sa kanya.

Hindi na nagsalita si Lizbeth at ibinalik na muli niya ang atensyon sa libro na hawak at hindi na pinansin ang kaibigan.

"I just want you to know that nalaman ko na tinakbo sa hospital si Castriel." seryosong sabi ni Nicole habang inaabangan ang magiging reaction ng kaibigan.

Agad na ibinaba ni Lizbeth ang libro na hawak at ibinalik muli ang atensyon sa kaibigan.

"What happened to him?" tanong nito sa kaibigan.

A little smile formed in Nicole's lips.

"I still don't know pero alam ko kung saan hospital sya naka admit." makahulungang ngiti ang binigay ni Nicole sa kaibigan.

"Are you free after class?" Liz asked her.

"Ofcourse!" excited na sagot nito sa kaibigan.

Alam na kasi niya ang nais ipahiwatig ng kaibigan niya kaya hindi na sya nagtanong pa muli dito.

*Hospital*

Kadadating lang namin dito sa hospital kung saan naka admit si Castriel.

"Where's the room of Mr. Castriel Flynn?" Lizbeth asked the nurse in the front desk.

"Room 105, in third floor po ma'am" magalang na sagot ng nurse.

Nagsimula na maglakad ang magkaibigan papunta sa third floor at saka nila hinanap ang kwarto ni Castriel.

Naabutan nila si Castriel na gising at nakatanaw sa may bintana.

Kumatok sila ngunit parang hindi sila narinig ng binata kaya naman pumasok nalang sila.

"Cas." tawag ni Lizbeth dito.

Wala sa sariling tumingin si Castriel sa gawi nila at tila nagulat ito ng makita ang dalawa.

"Ano ang ginagawa nyo dito?" cold na pagkakatanong nito sa dalawa.

Lumapit si Liz sa binata habang si Nicole naman ay umupo sa may sofa.

"What happened to you?" Lizbeth asked him.

"Nothing" sagot nito sa kanya.

Kahit nagtataka siya ay ituloy pa din niya ang pakikipag-usap dito.

"Paanong wala? Eh ilan araw ka nang hindi pumapasok tapos malalaman nalang naming na nandito ka sa hospital?" medyo iritang sabi Lizbeth.

"Why do you care? Bakit, Girlfriend ba kita?" walang prenong sabi ng binata dito.

Natigilan si Lizbeth sa sinabi sa kanya ni Castriel.

Yes,alam niya na nag-aalala siya sa binata dahil itinuturing niya itong kaibigan.

Nagsimula ng mangilid ang luha niya dahil nasaktan siya sa sinabi sa kany ni Castriel.

"Yes, hindi mo nga ako girlfriend. Pero nandito ako dahil nag-aalala ako." Naluluhang sabi ni Lizbeth.

"Sorry ah, kaibigan kasi ang turing ko sayo kaya nag-aalala ako sayo" muling sabi niya atsaka nagmamadali itong lumabas ng silid.

Malalaki ang mga hakbang na ginawa ng dalaga habang papaalis sa hospital.

"Liz!" tawag sa kanya ng kaibigan niya na si Nicole ngunit hindi niya ito pinapansin.

Sa kabilang banda, tila natauhan si Castriel sa sinabi sa kanya ng dalaga.

Tila naisip niya na masyadong masakit ang mga salita na sinabi nito sa nililigawan.

Hindi naman sana ganun ang magiging trato niya sa dalaga ngunit nagkataon lang na gusto niyang mapag-isa.

Kaya naisipan niyang tawagan ang dalaga ngunit hindi niya ito macontact.

Kaya naman nag-isip siya ng plano para makapagsorry sa dalaga.

11:11 Memories of Yesterday (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon