"Tara karaoke?" aya ni Nicole kanila Castriel at Lizbeth.
Katatapos lang kasi nila kumain. At dahil mahaba pa ang kanilang oras bago ang kanilang klase kaya naman naisipan ni Nicole na mag-aya ng karaoke total naman ay nasa may mall na din naman sila.
"Sure!" excited na sagot naman ni Castriel.
Hindi sumagot si Lizbeth sa kanya kaya naman tumingin ang dalawa dito.
"Ano Liz?" excited na tanong ni Castriel dito.
"Kayo nalang muna siguro, madami pa kasi ako tatapusin eh." Halata sa boses ng dalaga ang pag-aalangan na sabihin iyon sa kanya.
"Ano ka ba naman Liz, ilan days ka nang busy. Puro ka school works mag-enjoy ka kaya minsan." Ani ni Nicole saka umakbay sa kaibigan.
Bumuntong hininga na lamang ang dalaga at saka humarap sa dalawa.
"Babawi nalang ako sa susunod, As of now may kailangan lang ako gawin and it's urgent." Nakangiting sabi ng dalaga.
Kaya walang nagawa ang dalawa kundi tumango sa kanya.
"Enjoy nalang muna kayo, promise sa susunod sasama ako." Nakangiting sabi ng dalaga bago umalis.
Parehas na bagsak ang balikat ng dalawa ng iwanan sila ni Lizbeth.
"So ano? Tuloy natin?" tanong ni Nicole kay Castriel.
Castriel just smiled at her.
"Sure," he said.
Habang nag eenjoy sila Nicole at Castriel sa pagkanta, si Lizbeth naman ay busy sa paggawa ng kanyang research paper.
"Liz, kumain ka na?" tanong ng isa sa kagrupo niya.
"Oo, kasama ko sila Nicole kanina." Sagot niya habang nakaharap sa laptop.
"Eh nasaan sila ngayon? Himala at hindi ka ginugulo ng manliligaw mo." Pagbibirong tanong sa akin ng kaklase ko.
"Nandun sila nagkaraoke yata." Tipid na sabi ko.
"Baka naman kay Nicole na mahulog si Castriel nyan ahh hahahaha." Sabi naman ni Ace, yung kaklase nya na lalaki.
"Edi much better, wala nang mangungulit sa akin." Nakangiting sabi ni Lizbeth.
"Grabe ka naman kay Castriel, Liz. Wala ka ba talagang nararamdaman para sa kanya?" curious na tanong ng babae na kagrupo.
"Wala." she said and smiled at her.
Hindi na muli silang pinansin ni Lizbeth at itinuon nalang muli nito ang kanyang pansin sa harap ng laptop kung saan naroon ang ginagawa nilang research paper.
BINABASA MO ANG
11:11 Memories of Yesterday (Ongoing)
Teen Fiction"Seriously?!" Nanlaki ang singkit kong mga mata dahil sa dami ng paperworks na nakapatong sa desk ko. Umupo ako sa swivel chair dito sa office ko. "Damn this paperworks!" naiinis na sabi ko saka hinilot ang sintido ko. "Ang aga-aga problemado ka, be...