Chapter 6

17 10 0
                                    

Isang lingo na ang lumipas simula nang magMcdo kami nila Nics at Cas.

Isang linggo na din na din pumapasok si Caden, ano na kaya nangyari sa kanya?

Tinatawagan ko kasi siya, pero unreachable sya..

Nandito ako ngayon sa library..

Wala lang ayoko kasi sa room namin, for sure nandoon si Castriel at mangungulit lang iyon sa akin.

Speaking of Castriel, pwede ko naman sya maging friend pero maging boyfriend? Ewan ko lang, kasi maraming what ifs ang pumapasok sa utak ko sa tuwing iniisip ko kung sakaling magkakaroon ako ng boyfriend, gaya ng baka masaktan lang ako.. Kayanin ko kaya? Kapag iniisip ko kasi parang hindi ko kaya.

"Sabi ko na nga ba, dito kita makikita eh" nag-angat ako ng tingin.

"Cad!" sabi ko

Ngumiti siya sa akin saka umupo sa tabi ko.

"Namiss kita Liz" sabi niya saka ginulo yung buhok ko.

"Naman eh, wag yung buhok ko Cad" sabi ko sabay palo ko sa kamay niyang nakalagay sa buhok ko.

"Pfftt" nangyari dito? Nagpipigil nang tawa.

"Anyare sayo Cad?" nakakunot ang noo kong tanong.

"Pffftt, wala" natatawang sagot niya

*pak*

"Aray ko naman Liz!" sabi niya habang hawak yung batok niya na hinampas ko.

Tumayo na ako.

"Kung wala kang importanteng sasabihin, aalis na ako" sabi ko.

Plano ko kasi pumunta sa cafeteria para bumili ng milktea, bigla kasi akong natakam.

"Wait Liz, tara sa cafeteria, my treat" nakangiti niyang sabi saka ako hinila palabas ng library.

"Hoy, teka nga, bitawan mo nga ako" sabi ko sa kanya.

Binitawan din naman nya agad ako.

Tumabi ako sa kanya saka sumabay na maglakad.

-

"What do you want?" tanong sa akin ni Caden pagkapasok namin sa cafeteria.

"Uhm, Milktea nalang Cad, sweet salted caramel" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Sige, hanap ka nalang ng table natin" sabi niya saka pumila.

Habang ako naglakad na para maghanap ng table.

"Uy Liz!" Napatingin ako sa tumawag sa akin.

Si Nicole.

I smiled at her saka lumapit.

"Can I sit here?" tanong ko

"Sureness!' masiglang sabi niya

Saka niya tinuloy yung nirereview niya.

"Liz, eto na order mo" nakangiting inabot sa akin ni Caden yun milktea.

"Salamat Cad" sabi ko saka sinimulan ng inumin iyon.

"Ito naman yung sayo Nicole" sabi niya sabay abot yung isang milktea.

"How did you know?" tanong ni Nicole

"Nakita kita kanina" simpleng sabi ni Caden saka nagsimulang kumain ng binili niyang spaghetti.

"Kumusta ka na pala?" tanong ni Nicole kay Caden.

"Ito, magtatransfer na" nakangiting sagot niya.

Napahinto ako sa pag-inom ng milktea ko at tumingin sa kanya.

"Are you serious?" paninigurado ko

"Oo, actually last day ko na ngayon" malungkot na sabi niya.

*pak*

Binatukan ko sya.

"Ngayon na, tapos wala ka pang planong magpaalam?!" naiinis na sabi ko.

"Hindi naman sa ganu-" pinutol ko yung sasabihin sana niya

"Eh ano?! Akala ko ba bestfriend kita?" sabi ko saka tumayo.

"Liz, naman" sabi niya

Tinignan ko sya.

"F.O" simpleng sabi ko saka ako umalis ng cafeteria.

Ano yun? Kanina pa kami magkasama tapos hindi niya nasabi na magtatransfer na pala sya. Kaya pala may kakaiba akong napansin sa kanya kanina palang.

"Hey!" napaangat ako nang tingin ng may huminto sa tapat ko.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.

Tumango nalang ako bilang sagot.

"Yeah, mauna na ako" sabi ko at nag-umpisa maglakad pabalik ang classroom namin.

"Any problem?" sabi niya saka ako sinabayan maglakad.

Huminto ako sandali, kaya napansin ko na napahinto din siya.

"Pwede ba Castriel, wala ako sa mood ngayon kaya wag ka muna mangulit kung ayaw mong ikaw ang pagbuntunan ko nang inis ko" seryosong sabi ko at saka nagsimula ulit maglakad.

Nang makarating ako sa classroom namin ay pumunta agad ako sa upuan ko at dumukdok.

Naiinis kasi ako, hindi ko alam kung bakit.

Maya maya pa ay may naramdaman ako na pumwesto sa tabi ko.

"Hey, Liz, sorry na" narinig kong sabi ni Cad

Pero nakadukdok pa din ako, wala ako sa mood pansinin sya.

"Liz, kausapin mo naman ako oh," sabi niya.

"Aalis na nga lang ako tapos ganyan ka pa" malungkot na sabi niya

Kasalanan ko pa ngayon? Eh siya nga itong nagtago eh.

Iniangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya.

"Edi umalis ka, you are free to leave Mr. Caden." Inis na sabi ko

I know I'm wrong, pero ganito talaga ako kapag naiinis,

 hindi ko mapigilan yung mga lumalabas sa bibig ko.

Napansin ko na natigilan siya, kaya naman tumayo na ako at lumabas muna para magpahangin.



11:11 Memories of Yesterday (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon